Kumuha ng permit sa entertainment para sa inyong indoor event

Mag-apply para sa Minsanang Permit para sa Indoor Entertainment mula sa Entertainment Commission

Anong gagawin

1. Tingnan kung kailangan ninyo ang permit na ito

Kailangan ninyo ang permit na ito para makapagdaos ng indoor event na may live na entertainment, tulad ng banda, DJ, comedy show, dance act, o fashion show. 

Hindi ninyo kailangan ang permit na ito kung ang lugar na pagdarausan ninyo ng event ay may Permit ng POE (Place of Entertainment, Lugar ng Entertainment) o LLP (Limited Live Performance, Limitadong Live na Performance). Pero kailangan ninyo ang permit na ito kung gusto ninyong pahabain ang mga oras ng entertainment sa isang POE o LLP.

Hindi ninyo kailangan ang permit na ito para sa isang event na mayroon lang malakas na tunog (tulad ng music na pinapatugtog sa iPod, mga talumpati, o screening ng pelikula) na sa loob lang gaganapin.

Hindi ninyo kailangan ang permit na ito para sa isang event sa pribadong tirahan.

2. Humingi ng pahintulot sa may-ari o tagapamahala ng ari-arian

Iyon ay posibleng isang:

  • Liham mula sa may-ari o tagapamahala ng ari-arian
  • Kontrata para rentahan ang espasyo
  • Espesyal na Lisensya para sa Event mula sa Port ng San Francisco

Kung kayo ang may-ari o tagapamahala ng ari-arian, hindi ninyo kailangan ng liham o kontrata. Puwede ninyong kumpirmahin lang ang inyong status sa aplikasyon. 

Hindi puwedeng magkaroon ng event sa iisang lugar nang higit sa 12 araw sa isang taon.

4. Kumuha ng iba pang permit

Kung ang sagad na kapasidad ng venue ay 50 katao o higit pa, kailangan ninyo ng pansamantala o permanenteng Permit ng Lugar ng Pagtitipon mula sa Departamento ng Bumbero. Kailangan namin ng kopya ng permit na ito. Kung wala pa kayong ganitong permit, tawagan ang Permit Desk ng Departamento ng Bumbero ng SF sa 628-652-3260 para malaman ang higit pa. Dapat kayong mag-apply para sa ganitong permit sa personal sa Permit Center sa 49 South Van Ness. Baka mangailangan kayo ng inspeksyon kaugnay ng sunog. 

Kung maghahain kayo ng pagkain o inumin, mangangailangan kayo ng permit mula sa SF Department of Public Health. Ang permit na ito ay posibleng ang Pansamantalang Pangkalusugang Permit ng Event para sa event, o ang permanenteng Permit sa Pagkain para Makapagpatakbo ng establisamiyento. Kailangan namin ng kopya ng permit na ito. 

Kung magbebenta kayo ng alak, kailangan ninyo ng permit mula sa lokal na tanggapan ng ABC at sa Istasyon ng Pulisya sa Distrito kung nasaan ang event
 

5. Ihanda ang inyong mga dokumento

Kakailanganin ninyo ang mga detalye ng entertainment at mga oras. Kakailanganin din ninyo ang floorplan ng inyong event (tinatanggap ang guhit-kamay). Ipinapakita dapat ng floorplan kung saan kayo magkakaroon ng:

  • entertainment
  • mga pasukan at labasan
  • mga security guard

Kung mayroon kayong planong panseguridad, puwede ninyo itong i-upload sa aplikasyon. Kung wala pa kayong planong panseguridad, kakailanganin ninyong gumawa nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa Planong Panseguridad sa aplikasyon.

Dapat kayong mag-upload ng kopya ng inyong permit para sa Sunog o Kalusugan kung kinakailangan ito sa Hakbang 4. 

 

6. Sagutan ang aplikasyon

Sa aplikasyon, kakailanganin ninyong sumang-ayon sa mga patakaran at responsibilidad. Kakailanganin ninyong magbigay ng mga detalyadong sagot sa mga tanong sa planong panseguridad; hindi tatanggapin ang maiikli at isang pangungusap na sagot.

Aabutin ito nang humigit-kumulang 30 minuto. Padadalhan namin kayo ng email ng kumpirmasyon at impormasyon tungkol sa susunod na gagawin.

7. Bayaran ang bayarin sa permit

Magbayad ng $494 para sa isang indoor event na may live na entertainment.

Ang SF Entertainment Commission ay may karapatang tanggihan ang isang aplikasyong isinumite nang wala nang 7 araw bago ang isang event. Kapag sinimulan na naming iproseso ang inyong aplikasyon, posibleng hindi na namin i-refund ang inyong bayad. 

Pag-aalis ng bayarin

Puwede kayong mag-apply para sa pag-aalis ng bayarin kung nakatanggap ang inyong event ng grant mula sa Lungsod at County ng San Francisco.

Puwede kayong mag-apply para sa pag-aalis ng bayarin kung makakatanggap kayo, ang organizer, ng anumang uri ng tulong mula sa publiko o kung kukulangin kayo ng pera para mabuhay kung magbabayad kayo nito.

Puwede kayong mag-apply para sa pag-aalis ng bayarin kung ang inyong event ay:

  • libre ang pagpasok
  • bukas sa publiko
  • pinapatakbo ng non-profit o grupo ng komunidad
  • ang bayarin sa permit ay higit sa 25% ng kabuuang badyet para sa event
Ang Aming Misyon

Sinusuportahan ng Entertainment Commission ang maunlad na kultura sa entertainment at nightlife na nagbabalanse sa mga pangangailangan ng komunidad ng entertainment ng Lungsod, mga tagatangkilik nito, at mga kalapit-bahay nito sa lahat ng komunidad sa distrito.

Humingi ng tulong

Entertainment Commission

49 South Van Ness
Suite 1482
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

Ito ang aming opisina ngunit hindi ito bukas sa publiko. Tumatanggap ang Permit Center ng walk-in.

Phone

(415) 554-5706

Last updated June 30, 2022