Anong gagawin
1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo
- Ang negosyo ay kumita nang mas mababa sa $5 milyong gross revenue mula sa pinakakamakailang tax return
- Ang negosyo ay wala pang 100 empleyado
- Dapat matugunan ng negosyo ang ISA sa mga sumusunod:
- Ang may-ari ng negosyo ay mula sa kabahayang mababa ang sweldo
- Kung ang may-ari ng negosyo ay HINDI mula sa kabahayang mababa ang sweldo, ang iminumungkahi niyang address ng negosyo ay dapat nasa loob ng mga purple na hangganan sa mapang ito.
- Isasaalang-alang ang posibilidad ng negosyo (kasama ang upa at kita) kapag naggagawad ng mga grant
*Ang mga negosyo at may-ari ng negosyo na nakatanggap na ng pagpopondo sa storefront sa pamamagitan ng Grant para sa Pagsasanay sa Negosyo (Yugto 1) ay hindi kwalipikadong mag-apply ulit para sa parehong gawad ng grant. Ang mga negosyo at may-ari ng negosyo ay hindi maaaring makatanggap ng mga gawad mula sa Grant para sa Pagsasanay sa Negosyo (Yugto 2) at sa Grant para sa Pagkakataon sa Storefront. Kung hindi kayo sigurado kung kayo ay kwalipikado, mag-email sa investsf@sfgov.org.
2. Tingnan kung saang award ka kwalipikado
Ang bagong lease ay dapat para sa minimum na 3 sunod-sunod na taon. Ang mga lease na wala pang tatlong taon na may opsyong mag-renew ay hindi kwalipikado para sa alinman sa mga grant para sa storefront sa ibaba.
$25,000 - Unang Komersyal na Storefront
- Ang may-ari ng negosyo ay walang kasunduan sa lease para sa komersyal na storefront kung para saan siya nag-a-apply sa oras na mag-apply siya
- Ang negosyo ay dapat magsumite ng Letter of Intent (LOI) na nilagdaan ng nangungupahan at may-ari ng ari-arian para sa gustong storefront kasama ng kanilang aplikasyon
- Kapag naaprubahan na namin ang aplikasyon, dapat lumagda at magsumite ang negosyo ng minimum na 3 taong* tuloy-tuloy na komersyal na lease sa San Francisco. Ang lease ay dapat lagdaan at lagyan ng petsa pagkatapos ng petsa kung kailan isinumite ang aplikasyon.
- Ang mga negosyo na mga kasalukuyang caterer na nakabase sa bahay o opisina na gustong magbukas ng restaurant, o mga lokal na vendor na gustong lumipat sa komersyal na storefront ay kwalipikado para sa gawad na ito
- Kung kasalukuyan kayong may kahati sa lease na iba pang negosyo at gusto ninyong magbukas ng inyong unang hiwalay na komersyal na storefront sa San Francisco, kwalipikado kayo para sa gawad na $25,000
- Kung kasalukuyan kayong may storefront sa labas ng San Francisco at gusto ninyong magbukas ng inyong unang storefront sa San Francisco, kwalipikado kayo para sa gawad na $25,000
*Ang komersyal na storefront ay dapat nasa ground floor, bukas sa publiko sa mga regular na oras ng negosyo, at nasa komersyal na zone.
**Ang lease ay dapat para sa minimum na 3 tuloy-tuloy na taon. Ang mga lease na wala pang tatlong taon na may opsyong mag-renew ay hindi kwalipikado para sa alinman sa mga grant sa itaas.
$50,000 - Karagdagang Pagpapalawak ng Komersyal na Storefront
- Ang negosyo ay may hindi bababa sa 12 buwan na natitira sa isa o higit pa sa kanilang mga kasalukuyang kasunduan sa komersyal na lease sa San Francisco para sa negosyong gusto nilang palakihin sa oras na mag-apply sila
- Gustong magbukas ng negosyo ng karagdagang komersyal* na storefront sa San Francisco
- Ang negosyo ay dapat magsumite ng Letter of Intent (LOI) na nilagdaan ng nangungupahan at may-ari ng ari-arian para sa karagdagang komersyal na storefront kasama ng kanilang aplikasyon
- Kapag naaprubahan na namin ang aplikasyon, dapat lumagda at magsumite ang negosyo ng minimum na 3 taong* tuloy-tuloy na komersyal na lease sa San Francisco. Ang lease para sa bagong espasyo ay dapat lagdaan at lagyan ng petsa pagkatapos ng petsa kung kailan isinumite ang aplikasyon.
- Dapat ay iba ang address ng karagdagang storefront
- Hindi puwedeng nakabase sa bahay o opisina
*Ang storefront ay dapat nasa ground floor, bukas sa publiko sa mga regular na oras ng negosyo, at nasa komersyal na zone.
**Ang lease ay dapat para sa minimum na 3 tuloy-tuloy na taon. Ang mga lease na wala pang tatlong taon na may opsyong mag-renew ay hindi kwalipikado para sa alinman sa mga grant sa itaas.
3. Alamin kung handa nang mag-apply ang inyong negosyo
- Dumalo sa isang Webinar tungkol sa Pakikipagnegosasyon para sa Komersyal na Lease na iho-host ng SF BAR. Ang huling webinar ay gaganapin sa Marso 7, 2024.
- I-download at kumpletuhin ang plano ng negosyo na ito
- Ang mga negosyo ay dapat magsumite ng Letter of Intent (LOI) na nilagdaan ninyo at ng may-ari ng ari-arian.
- Kapag naaprubahan na namin ang inyong aplikasyon, hihilingin sa inyong magsumite ng ganap na nilagdaan at ipinatupad na kasunduan sa lease bago sumapit ang Mayo 30, 2024 para makatanggap ng bayad. Ang lease ay dapat lagdaan at lagyan ng petsa pagkatapos ng petsa kung kailan ninyo isinumite ang inyong aplikasyon.
- Ang komersyal na storefront na plano ninyong i-lease ay dapat makatugon sa mga kinakailangan sa permit/zone para sa uri ng negosyo na plano ninyong patakbuhin.
*Ang mga negosyong gusto ng karagdagang suporta ay maaaring makipagtulungan sa Opisina ng Maliliit na Negosyo at SF Permit Center. Makakatulong ang SF Bar Association sa mga negosyo na makipagnegosasyon para sa Liham ng Layunin at lease.
Makipag-ugnayan sa mga resource sa ibaba kung kailangan pa ninyo ng tulong o mayroon kayong mga tanong bago kayo mag-apply.
4. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo
Para makumpleto ang aplikasyon, kakailanganin ninyo ng:
- Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi ninyo ito alam, puwede ninyo itong hanapin. Kung wala pa kayong BAN, puwede ninyong iparehistro ang inyong negosyo para makatanggap nito.
- Inyong nakumpletong plano para sa negosyo
- Ang inyong laki ng pamilya at kita sa sambahayan. Gagamitin namin ito para alamin kung ang inyong sambahayan ay may mababang kita
- Laki ng pamilya: Tatanungin namin kung ilan kayo sa pamilya. Ang pamilya ay iisang tao o grupo ng mga tao na magkasamang nakatira sa bahay.
- Kita ng pamilya: Tatanungin din namin kayo tungkol sa kita ng lahat ng nasa hustong gulang sa inyong pamilya. Gamitin ang inyong 2022 na tax return kung naghain kayo, o tantiyahin ninyo ang inyong kabuuang kita para sa huling 12 buwan.
5. Mag-apply
Aabutin nang humigit-kumulang 30 minuto ang aplikasyon. Mangyaring basahin ang mga kinakailangan sa itaas bago kayo mag-apply. Madi-disqualify ang mga negosyong may hindi kumpletong aplikasyon.
Ang deadline ng aplikasyon ay sa Abril 8 nang 5 PM
6. Ano ang aasahan pagkatapos ninyong mag-apply
- Makakatanggap kayo ng email ng kumpirmasyon pagkatapos ninyong isumite ang inyong aplikasyon. Aabisuhan namin kayo sa loob ng 21 araw kung tinanggap o hindi tinanggap ang inyong aplikasyon.
- Maaari kayong magsumite ng nilagdaan at ipinatupad na kasunduan sa lease hanggang Mayo 31, 2024. Dapat lagdaan at ipatupad ang inyong lease sa petsa o pagkatapos ng petsa kung kailan ninyo isinumite ang inyong aplikasyon sa Grant para sa Pagkakataon sa Storefront.
- Kapag inaprubahan namin ang inyong nilagdaan at ipinatupad na kasunduan sa lease, maaari ninyong asahan na makakatanggap kayo ng kabayaran sa loob ng 30 araw.*
*Dapat kayong magsumite ng nilagdaan at ipinatupad na kasunduan sa lease para matanggap ninyo ang inyong gawad ng grant.
Kung paano pipiliin ang mga aplikasyon
Magkakaloob kami ng mga gawad hanggang sa maubos ang lahat ng pondo. Bagama't unti-unting tinatanggap ang mga aplikasyon, susuriin pa rin ang mga aplikasyon batay sa pagiging kumpleto bago maaprubahan. Dapat makatugon ang mga plano ng negosyo sa mga kinakailangan sa haba at detalye. Madi-disqualify ang mga aplikasyong may mga kulang na materyales, hindi natugunang pamantayan, at hindi kumpletong dokumento. Isasaalang-alang ang posibilidad ng negosyo kapag naggagawad ng mga grant.
Humingi ng tulong
Mga pangkalahatang tanong
Pakikipagnegosasyon tungkol sa lease
Tulong sa permit
Phone
Last updated March 18, 2024