Step by step

Magdagdag ng accessory dwelling unit (ADU) sa inyong ari-arian

Alamin ang tungkol sa pagdaragdag ng mga accessory dwelling unit (ADU), in-law unit, o cottage sa mga residensyal na ari-arian.

Maraming bahay para sa isa at maraming pamilya sa San Francisco ang puwede na ngayong magdagdag ng mga yunit. Puwede ninyong gamitin ang espasyo para sa mga miyembro ng pamilya o paupahan ito para sa karagdagang kita.

Posibleng abutin ang prosesong ito nang mahigit 18 buwan mula sa oras na magpasya kayong magpatayo. 

Karaniwang nagkakahalaga ng mahigit $125,000 ang materyales at pagpapagawa para makapagdagdag ng yunit. Karaniwang 10% ng mga gastusin sa pagpapatayo ang mga propesyonal na serbisyo para sa mga arkitekto at engineer. Ang mga bayarin sa Lungsod ay mula 6% hanggang 9% ng mga gastusin sa konstruksyon. Posibleng malaki ang maging pagkakaiba sa inyong kabuuang gastusin depende sa mga partikular na detalye ng inyong lote at proyekto.

Makakaapekto ang mga plano ng inyong ari-arian at proyekto sa kung anong mga proseso ang dapat ninyong sundin para makakuha ng building permit. Posibleng mas matagal ang mga proyekto kung mayroon itong maraming ADU, gawaing seismic (kaugnay sa paggalaw ng lupa), pagkakaiba-iba, o Certificate of Appropriateness.

Kung para lang sa ADU ang inyong proyekto, sundin ang prosesong ito para simulan ang inyong aplikasyon online. 

Huwag gamitin ang page na ito para sa pagsasalegal ng yunit o bagong konstruksyon ng higit sa isang ADU. Kung may kasamang demolisyon sa inyong proyekto, kakailanganin din ninyong sundin ang in-house na proseso ng pagsusuri sa Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali

Para sa iba pang konstruksyong hindi para sa ADU, tingnan ang mga instruksyon mula sa Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali.

1

Tingnan kung puwede kayong magdagdag ng mga bagong yunit sa inyong residensyal na ari-arian

Cost:

Libre

Time:

30 minuto

Pagpasyahan kung angkop sa inyo ang ADU. Tingnan para malaman kung puwede kayong magdagdag ng ADU sa inyong address. Alamin kung ano ang puwede ninyong ipatayo sa inyong lote.

Magpakita ng higit pa
2

Kumumpleto ng mga legal na abiso

Kumpletuhin ang inyong Notice of Special Restrictions (NSR, Abiso ng Mga Espesyal na Paghihigpit)

Dapat kumumpleto ng Notice of Special Restrictions (NSR) ang lahat ng ADU. 

Makikipagtulungan sa inyo ang inyong tagaplano para maisulat at makumpleto ang inyong NSR.

Para sa mga ADU sa Estado, itatala ninyo ang NSR sa tanggapan ng Tagatasa ng Lungsod.

Dapat maitala ang NSR bago namin maisyu ang inyong permit at makapagsimula ang inyong konstruksyon.

Kumpletuhin ang inyong kasunduan sa Costa Hawkins

Dapat kumumpleto ng kasunduan sa Costa Hawkins ang mga ADU na naaprubahan sa ilalim ng Lokal na programa. 

Itatala namin ang NSR at ang Costa-Hawkins para sa inyo. Dapat maitala ang dalawa bago namin maisyu ang inyong permit at makapagsimula ang inyong konstruksyon.

Kumpletuhin ang inyong kasunduan sa Costa Hawkins

Magpakita ng higit pa
3

Kumumpleto ng mga legal na abiso

Kumpletuhin ang inyong Notice of Special Restrictions (NSR, Abiso ng Mga Espesyal na Paghihigpit)

Dapat kumumpleto ng Notice of Special Restrictions (NSR) ang lahat ng ADU. 

Makikipagtulungan sa inyo ang inyong tagaplano para maisulat at makumpleto ang inyong NSR.

Para sa mga ADU sa Estado, itatala ninyo ang NSR sa tanggapan ng Tagatasa ng Lungsod.

Dapat maitala ang NSR bago namin maisyu ang inyong permit at makapagsimula ang inyong konstruksyon.

Kumpletuhin ang inyong kasunduan sa Costa Hawkins

Dapat kumumpleto ng kasunduan sa Costa Hawkins ang mga ADU na naaprubahan sa ilalim ng Lokal na programa. 

Itatala namin ang NSR at ang Costa-Hawkins para sa inyo. Dapat maitala ang dalawa bago namin maisyu ang inyong permit at makapagsimula ang inyong konstruksyon.

Kumpletuhin ang inyong kasunduan sa Costa Hawkins

Magpakita ng higit pa
4

Idisenyo ang inyong ADU

Cost:

Libre

$10,000+

Time:

1 hanggang 3 buwan

Dapat sumunod ang mga plano ng ADU sa mga kodigo ng Lungsod para sa pagpapatayo sa komunidad at kaligtasan ng gusali. 

Ang mga may-ari ng bahay ay karaniwang kumukuha ng arkitekto o designer para gawin ang mga plano.

Magpakita ng higit pa
5

Suriin ang aming mga patakaran sa puno sa kalye

Cost:

Libre

Time:

1 hanggang 2 oras

Ang inyong ari-arian ay dapat magkaroon ng 1 puno sa kalye sa bawat 20 talampakan ng harapan na nagsisilbing hangganan ng pampublikong right of way, o magbayad ng $2,193 na bayarin kapalit ng puno.

Magpakita ng higit pa
6

Suriin ang mga patakaran para sa pagdaragdag ng ADU sa isang gusaling may mga nangungupahan

Cost:

Libre

Time:

1 oras

Kung ginagamit ninyo ang Lokal na programa sa ADU at may mga nangungupahan sa inyo, sundin ang mga patakarang ito.

Suriin ang mga patakaran para sa pagdaragdag ng ADU sa isang gusaling may mga nangungupahan

Magpakita ng higit pa
at

Gumawa ng mga plano mo

Time:

1 o higit pang oras

Gumawa ng mga plano mo

Sundin ang mga patakarang ito sa paggawa ng inyong mga plano. Gumawa ng inyong mga plano

Magdagdag ng mga detalye ng ADU

Dapat kayong magdagdag ng mga detalye tulad ng lokasyon ng puno sa kalye sa inyong mga hanay ng plano para sa mga ADU. Tingnan ang kumpletong listahan. Magdagdag ng mga detalye ng ADU sa inyong hanay ng plano

I-format ang inyong mga PDF

I-format ang mga PDF ng inyong mga plano para sa Bluebeam, ang aming software para sa electronic na pagsusuri ng plano. I-format ang mga PDF ng inyong mga plano

Idagdag ang aming page ng Back Check

Dapat ninyong idagdag ang aming Page ng Back Check sa PDF para makapagsumite ng mga plano sa Bluebeam. Idagdag ang aming Page ng Back Check sa inyong mga plano

Magpakita ng higit pa
7

Sagutan ang mga papel na form

Time:

1 hanggang 2 oras

Dapat ninyong i-upload ang mga form na ito kasama ng inyong aplikasyon.

Mga form para sa pagpaplano

Form ng pahintulot ng ahente

I-download at sagutan ang Form ng pahintulot ng ahente. Huwag sagutan ang numero ng Building permit. 

Dapat ninyong lagdaan ang form na ito at i-upload ito kasama ng inyong aplikasyon.

Form para sa Bilang ng Fixture

I-download at sagutan ang Form para sa Bilang ng Fixture.

Magpasya kung mag-a-apply kayo para sa mga karagdagang metro ng tubig at itala iyon sa inyong form.

Form para sa green energy

Kung wala pang 1,000 square feet ang idaragdag ng inyong proyekto, puwedeng kayo na mismo ang lumagda sa form. Kung mas malaki pa ito roon, dapat itong lagdaan ng isang lisensyadong propesyonal sa pagdidisenyo.

Sagutan ang mga form para sa Green Energy

Form para sa Bayarin sa Pasilidad ng Paaralan

Punan ang form na School Facility Fee

Magpakita ng higit pa
8

Magbayad ng mga bayarin

Sasabihin namin sa inyo kung ano ang inyong unang bayarin.

Dapat ninyong bayaran ang inyong mga bayarin online. Papadalhan namin kayo ng mga instruksyon.

Tumugon sa mga komento ng tagasuri ng plano

Iimbitahan namin kayo sa isang session sa Bluebeam para suriin ang aming mga komento. Bluebeam ang aming software para sa pagsusuri ng plano.

Posibleng kailangan ninyong gumawa ng mga pagbabago sa inyong mga plano at isumite ulit ang mga ito. 

Alamin kung paano namin ginagamit ang Bluebeam

Magpakita ng higit pa
9

Pag-apruba sa permit at pagbabayad ng pinal na bayarin

Cost:

Mga natitirang bayarin

Kailangang aprubahan ng lahat ng departamento sa Lungsod ang inyong permit bago namin maisyu ang inyong dokumento para sa konstruksyon.

Sasabihin namin sa inyo kung ano ang inyong pinal na bayarin. Puwede ninyong bayaran ang inyong mga bayarin online. Papadalhan namin kayo ng mga instruksyon.

Ipapadala namin sa inyo sa email ang mga pinal na dokumento.

Wala kayong kailangang kunin sa personal.

(Kung nagsumite kayo ng site permit, mag-i-email kami sa inyo ng mga instruksyon sa pagsusumite ng inyong addendum online. Puwede ninyong simulan ang konstruksyon kapag naisyu na ang inyong addendum.)

Magpakita ng higit pa
10

Umpisahan ang konstruksyon

Nasa inyo dapat ang inyong dokumento para sa konstruksyon bago ninyo masimulan ang konstruksyon. 

Ipaskil ang inyong dokumento para sa konstruksyon sa lugar ng konstruksyon.

Tumawag o mag-email sa amin para maiskedyul ang mga naaangkop na inspeksyon habang isinasagawa ang iyong proyekto ng konstruksyon.

Iba pang permit

Espasyo sa kalye

Kapag nasa iyo na ang dokumento ng konstruksyon mo, mag-aplay para sa permit mo ng espasyo sa kalye para magamit ang espasyo sa kalye sa panahon ng konstruksyon.

Mag-aplay para sa permit mo ng espasyo sa kalye

Mga trade permit

Kapag nasa iyo na ang dokumento ng konstruksyon mo, dapat kang mag-aplay ng mga trade permit, gaya ng plumbing at electrical.

Kakailanganin mong mag-aplay ng magkakahiwalay na permit para:

Pagkakabit ng bagong linya ng tubig

Kapag nasa inyo na ang dokumento ninyo para sa konstruksyon, sasabihin namin sa inyo kung kailangan ninyong mag-apply para sa bagong linya ng tubig o mas malaking kapasidad.

Magpakita ng higit pa

Last updated February 2, 2023