Step by step

Magpakasal sa San Francisco

Ang pagpapakasal ay isang prosesong may 2 hakbang. Dapat kayong kumuha ng lisensya sa pagpapakasal at sumailalim sa isang seremonya para magpakasal.

Tanging 2 hindi kasal na tao na hindi mas bata sa 18 taong gulang at may valid na legal na pagkakakilanlan ang puwedeng mag-apply para sa lisensya sa pagpapakasal sa California. Hindi kinakailangan ang pagkaresidente ng California at pagkamamamayan ng US para sa pagpapakasal sa California.

Ang inyong seremonya ay dapat isagawa ng awtorisadong tao.

Kung ang 1 tao ay miyembro ng militar, wala pang 18 taong gulang, nasa kulungan, o nasa ospital, magkakaibang panuntunan ang nalalapat. Matuto pa tungkol sa mga espesyal na kaso ng pagpapakasal na ito.

1

Kumuha ng lisensya sa pagpapakasal

Time:

20 minuto hanggang isang oras

Bago kayo magpakasal sa California, dapat ay mayroon kayong lisensya sa pagpapakasal sa California na ibinigay sa loob ng 90 araw bago ang petsa ng inyong seremonya. Puwede ninyong i-download at kumpletuhin ang aplikasyon at dalhin ito sa inyong appointment nang personal sa City Hall.

Magpakita ng higit pa
2

Magpakasal nang personal sa City Hall

Puwede kayong ikasal sa makasaysayang City Hall ng San Francisco ng isang Komisyoner mula sa Office of County Clerk (Opisina ng County Clerk).

Para sa mas maliliit na seremonya ng kasal

Kung mayroon kayong 6 na bisita o mas kaunti, gumawa ng appointment para magkaroon ng maliit na seremonya ng kasal sa huwes o seremonya ng domestic partnership sa City Hall.

Para sa mas malalaking seremonya ng kasal at mga seremonya nang gabi / weekend / holiday

Kung mayroon kayong mahigit 6 na bisita o gusto ninyong magpakasal nang weekend o holiday, kailangan ninyong mag-book ng espasyo sa pamamagitan ng City Hall Events Office (Opisina ng mga Kaganapan sa City Hall).

Magpakita ng higit pa
o

Magpakasal sa ibang lugar sa San Francisco

Hindi ninyo kailangang magpakasal sa City Hall. Alamin kung paano magkaroon ng seremonya ng kasal sa napili ninyong lokasyon sa San Francisco.

Magiging responsable kayo para sa lahat ng off-site na pagsasaayos sa seremonya, kasama ang pagpapareserba at pagbabayad para sa venue, mga permit, atbp. Matuto tungkol sa ilang opsyon sa venue ng kasal na available sa San Francisco.

Magpakita ng higit pa
o

Magpakasal sa ibang lugar sa California

Kung ibinigay ang inyong lisensya sa pagpapakasal sa California, maaari kayong magpakasal sa alinmang county sa California.

Tiyaking mayroon muna kayong lisensya sa pagpapakasal at isasagawa ang inyong seremonya sa loob ng 90 araw mula noong petsa kung kailan ninyo nakuha ang inyong lisensya sa pagpapakasal.

Ang inyong seremonya ay dapat isagawa ng awtorisadong tao.

Magpakita ng higit pa
3

Ipatala ang inyong kasal

Dapat maitala ang inyong lisensya sa pagpapakasal sa County kung saan ito ibinigay.

Ang taong nagsagawa ng inyong seremonya ang responsable para sa pagpapadala ng inyong nilagdaang lisensya sa pagpapakasal sa tamang lugar.

Kung nakatanggap kayo ng pampublikong lisensya sa pagpapakasal mula sa County Clerk ng San Francisco, ibalik ang inyong nilagdaang lisensya sa Office of the Assessor-Recorder (Opisina ng Taga-Tasa/Taga-Pagtala).

Kung nakatanggap kayo ng kumpidensyal na lisensya sa pagpapakasal, ibalik ang nilagdaang lisensya sa Office of the County Clerk (Opisina ng County Clerk).

Kung ikinasal kayo ng isang tao mula sa Office of the County Clerk (Opisina ng County Clerk), kami ang maghahain ng mga dokumento para sa inyo.

Magpakita ng higit pa
4

Kumuha ng kopya ng inyong katibayan ng kasal

Dapat kayong kumuha ng kopya ng inyong katibayan ng kasal mula sa county kung saan ito ibinigay.

Kung sumailalim kayo sa pampublikong pagpapakasal, puwede kayong kumuha ng kopya ng inyong katibayan ng kasal sa Office of the Assessor-Recorder (Opisina ng Taga-Tasa/Taga-Pagtala).

Kung sumailalim kayo sa kumpidensyal na pagpapakasal, puwede kayong kumuha ng kopya ng inyong kumpidensyal na katibayan ng pagpapakasal sa Office of the Assessor-Recorder (Opisina ng Taga-Tasa/Taga-Pagtala).

Magpakita ng higit pa

Last updated November 2, 2022