Mag-apply upang makatanggap ng tulong sa iyong upa

Ang mga residenteng nangangailangan ng tulong sa pagrenta ay puwede nang mag-apply sa San Francisco Emergency Rental Assistance Program

Anong gagawin

If you have experienced a recent financial hardship and need one-time help with back rent or need help with a security deposit, visit the SF ERAP online application to see if you are eligible to apply. Financial assistance is available only to households most at risk of housing loss or homelessness. Funding is limited and SF ERAP will not be able to serve every household who meets minimum eligibility criteria.

If you have questions about your SF ERAP application, you may contact the SF ERAP Helpline at (415) 653-5744 or help@sferap.org.

Learn more about SF ERAP’s Program Rules and find answers to Frequently Asked Questions.

If you need help negotiating a payment plan with your landlord, you or your landlord may contact the Bar Association of San Francisco’s CIS Program at (415) 782-8940 or cis@sfbar.org.

If you receive eviction documents, immediately seek legal help from the Eviction Defense Collaborative (EDC) at (415) 659-9184 or legal@evictiondefense.org, or visit EDC at 976 Mission St., Monday, Tuesday, Wednesday or Friday, 10-11:30 am and 1-2:30 pm.

If you need advice about your specific situation, contact the Rent Board, a mediator, a tenant counselor, or another resource listed under our community partners page. All these services are available at no cost.

Mga kasalukuyang proteksyon laban sa pagpapaalis

Mga Update sa CA COVID-19 Rent Relief Program

Ang huling araw para mag-apply sa CA COVID-19 Rent Relief Program ay noong Marso 31, 2022.  Kung nag-apply kayo bago ang Marso 31, ang inyong aplikasyon ay mapoproseso ng Estado ng California at ang lahat ng kwalipikadong aplikante ay makakatanggap ng tulong hanggang Marso 2022. Maaari din kayong maghain ng mga apela pagkatapos ng Marso 31 na deadline ng aplikasyon kung makatanggap kayo ng pagtanggi mula sa programa ng estado o kung nakatanggap kayo ng mas kaunti sa hiniling ninyo.

Dahil sa dami ng aplikasyon, at depende sa panganib ninyo sa eviction, maaaring tumagal nang ilang linggo ang pagpoproseso ng inyong aplikasyon sa programa ng estado.  Paki-upload ang lahat ng kinakailangang dokumento para hindi maantala ang pagpoproseso. Makakatanggap kayo ng mga status update para sa inyong aplikasyon sa programa ng estado sa pamamagitan ng pagtawag sa Call Center ng CA COVID-19 Rent Relief Program sa (833) 430-2122.

Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagbabayad ng upa para sa panahon pagkatapos ng Marso 31, 2022, puwede kayong mag-apply sa aming lokal na San Francisco Emergency Rental Assistance Program (SF ERAP).

Mga Kasalukuyang Proteksyon sa Eviction

Higit sa lahat, huwag umalis! Mayroon kayong mga karapatan at available ang libreng legal at pinansyal na tulong. Bisitahin ang aming page na Mga Sanggunian ng Relief sa Pagrenta para makahanap ng community-based na partner malapit sa inyo.

Ang mga pagkilos ng gobyerno na inilalarawan sa ibaba ay mahirap maunawaan. Kung makatanggap kayo ng mga dokumento sa eviction, agad dapat kayong makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative sa (415) 659-9184 o legal@evictiondefense.org, o bisitahin ang EDC sa 1338 Mission St. tuwing Lunes, Miyerkules, o Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm. Ikokonekta nila kayo sa isang abogado. Kung kailangan mo ng payo tungkol sa isang partikular na sitwasyon, puwede mo ring kontakin ang Rent Board, isang mediator, o isang tenant counselor para sa higit pang impormasyon. 

Tandaan, utang pa rin ang upa – sisingilin pa rin ito o hindi ito kinansela. Dapat kayong sumagot sa anumang abiso sa hindi pagbayad mula sa nagpapaupa bago ito mag-expire, at mag-apply para sa tulong sa pagrenta sa lalong madaling panahon.

Bagong Lokal na Proteksyon sa Eviction (Pagpapalayas) para sa Mga Nangungupahan Simula Hulyo 1, 2022

Dapat na alam ng mga landlord at nangungupahan na nilagdaan ni Alkalde Breed ang batas, na unanimous na ipinasa ng Board of Supervisors, na nagbabawal sa mga landlord na magpalayas ng mga nangungupahan sa residensyal para sa hindi pagbabayad ng renta na orihinal na nakatakda sa o pagkatapos ng Hulyo 1, 2022 at hindi nabayaran dahil sa pandemya ng COVID-19. Pinagbabawalan din nito ang mga landlord na maningil ng mga bayarin, multa, o katulad na singilin para sa pagka-late sa mga nangungupahang hindi mabayaran ang kanilang renta makalipas ang Hulyo 2022 dahil sa COVID-19. Mananatili ang mga proteksyong ito hanggang sa wakasan ng Alkalde ang kanyang Paghahayag ng Emergency para sa COVID-19. Pakitandaang hindi pinoprotektahan ng batas na ito ang mga nangungupahan laban sa pagpapalayas kung nakuha ang utang na renta bago ang Hulyo 1, 2022.

Para sa mga nangungupahang may nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program:

Sa ilalim ng batas ng estado na AB 2179 at hanggang Hunyo 30, 2022, ang mga nagpapaupa na nais magsagawa ng eviction ay dapat makapagpakita sa hukuman sa panahon ng paghahain ng papeles sa eviction na ang nangungupahang gusto nilang i-evict ay walang nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program o tinanggihan ng tulong ng programang ito - Kung hindi, hindi itutuloy ng hukuman ang kaso. Kahit na ituloy ng hukuman ang kaso, ihihinto ng isang nakabinbing aplikasyon ang legal na proseso.

Ang CA COVID-19 Rent Relief Program, isang programa ng estado, ay sumasaklaw lang sa panahong Abril 1, 2020 – Marso 31, 2022. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagrenta para sa panahon pagkatapos ng Marso 31, 2022, mag-apply sa aming lokal na programa, San Francisco Emergency Rental Assistance Program (SF ERAP).

Kung napatawan kayo ng isang abiso sa eviction o ng kaso, makipag-ugnayan kaagad sa Eviction Defense Collaborative para matulungan kayo sa legal na proseso: tumawag sa 415-659-9184, mag-email sa legal@evictiondefense.org, o bumisita nang personal sa 1338 Mission Street (Lunes, Miyerkules at Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm).

Para sa mga nangungupahang walang nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program:

Ang mga nagpapaupang nais magsagawa ng eviction ay makakapagpatuloy sa dati nilang gawi bago ang pandemya. Napakabilis ng legal na prosesong ito at mahirap itong harapin nang mag-isa, pero hindi kayo nag-iisa at available ang libreng legal at pinansyal na tulong!

Mag-apply sa San Francisco Emergency Rental Assistance Program (SF ERAP) sa lalong madaling panahon.  Bisitahin ang aming page na mga sanggunian ng relief sa pagrenta para humingi ng tulong.

Kung napatawan kayo ng isang abiso sa eviction o ng kaso, makipag-ugnayan kaagad sa Eviction Defense Collaborative para matulungan kayo sa legal na proseso: tumawag sa 415-659-9184, mag-email sa legal@evictiondefense.org, o bumisita nang personal sa 1338 Mission Street (Lunes, Miyerkules at Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm).

Hindi ako makapagbayad ng upa mula Marso 1 - Agosto 31, 2020

Ipinagbabawal ng AB 832 ang mga eviction dahil sa di-pagbabayad ng upa para sa mga buwang ito. Hindi puwedeng paalisin ng landlord ang tenant, pero puwede niya itong dalhin sa korte ng mga small claim simula Nobyembre 1, 2021 para sa anumang upa na hindi pa bayad.  Inaatasan ng AB 832 ang nangungupahan na bigyan ang nagpapaupa ng nilagdaang deklarasyon bilang tugon sa isang 15-araw na abiso. 

Hindi ako makakapagbayad ng upa mula Setyembre 1, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021

Para sa upa na kailangang bayaran mula Setyembre 2020-Setyembre 2021, ipinagbabawal ng AB-2179 ang mga eviction dahil sa di-pagbabayad ng upa, at pinapahintulutan nito ang nagpapaupa na dalhin ang nangungupahan sa hukuman ng mga maliit na paghahabol simula Nobyembre 1, 2021 para sa anumang upa na hindi pa rin nababayaran. Iniaatas ng AB-2179 sa nangungupahan na bigyan ang nagpapaupa ng (mga) nilagdaang deklarasyonbilang tugon sa (mga) 15-araw na abiso,  AT bago ang Setyembre 30, 2021 para makapagbayad ng hindi bababa sa 25% ng hindi nabayarang upa mula Setyembre 2020-Setyembre 2021 (puwedeng lump-sum).

Mapapaalis ba ako sa inuupahan ko kahit binabayaran ko nang buo ang upa?

Simula Enero 1, 2022 ang mga eviction na hindi nakabatay sa di-bayad na upa ay maaaring ipagpatuloy sa ilalim ng Ordinansa ng Lungsod sa Pagrenta. Kung makatanggap kayo ng mga dokumento sa eviction, agad dapat kayong makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative sa (415) 659-9184 o legal@evictiondefense.org, o bisitahin ang EDC sa 1338 Mission St. tuwing Lunes, Miyerkules, o Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm. Ikokonekta nila kayo sa isang abogado.

Kung kailangan mo ng payo tungkol sa isang partikular na sitwasyon, puwede mo ring kontakin ang Rent Board, isang mediator, o isang tenant counselor para sa higit pang impormasyon. Bisitahin ang aming page na Mga sanggunian ng relief sa pagrenta para sa listahan ng mga organisasyon.

Parating na ang tulong!

Wala dapat ma-evict na nangungupahang may mababang sweldo dahil sa di-bayad na upa. May available na tulong sa pagrenta. Mag-apply na sa SF ERAP!

Humingi ng tulong

Makakuha ng libreng tulong sa iyong aplikasyon

Makakatulong sa inyo sa proseso ng aplikasyon ang isangcommunity-based na partner na organisasyon na malapit sa inyo.

Bisitahin ang aming page na Mga sanggunian ng relief sa pagrenta para sa higit pang impormasyon.

Last updated August 9, 2022