Anong gagawin
Tingnan kung kwalipikado ka
Magpa-iskedyul ng appointment sa isa sa mga organisasyon sa ibaba para magpa-renew ng DACA (Deferred Action for Childhood Arrivals)
Ang DACA ay nilikha noong 2012 para mabigyan ng temporaryong proteksyon sa deportasyon at access sa work permit ang mga iilan na imigranteng undocumented na dumating dito sa U.S. bilang mga bata.
Noong Setyembre 13, 2023, may hukom sa pamahalaang pederal na nagpasya na ang DACA ay labag sa batas, subálit hindi nito pinatitigil ang programa. Inaasahan na iaapelá ang desisyon at malamang na ito ay umabot hanggang sa Korte Suprema ng U.S.
Walang pagbabago para sa mga kasalukuyang may DACA buhat sa pagpapasyang ito. Mananatili ang mga proteksyon at mga pahintulot na magtrabaho (work permit) para sa mga kasalukuyang may DACA at patuloy ang pagpapanibago (renewal) nito. Sino man na kasalukuyang may DACA o nagkaroon ng DACA noong nagdaang taon ay maaari pa rin mag parenew. Kasalukuyang walang ipinagkakaloob na DACA para sa mga bagong aplikante.
Kumuha ng listahan ng mga organisasyong makakatulong sa iyo
Makahanap ng tulong sa sarili mong wika mula sa isang organisasyong malapit sa iyo.
Tawagan ang organisasyon para magtakda ng appointment.
Kung mayroon kang kaugnayan sa San Francisco, puwede kang magpatulong sa pagsakop ng halaga ng iyong bayarin sa aplikasyon sa pag-renew sa DACA.
Espesyal na mga kaso
Kunin ang iyong mga transcript sa SFUSD
Kunin ang iyong mga transcript sa SFUSD
Ang mga transcript sa paaralan ay isang paraan para patunayan ang pagkaresidente para sa iyong aplikasyon sa DACA.
Magagawa ng mga kasalukuyan at dating mag-aaral ng San Francisco Unified School District (SFUSD) na hilingin ang kanilang mga transcript nang libre sa pamamagitan ng pag-email sa: transcripts@sfusd.edu.
Kunin ang iyong mga talaan sa WIC
Kunin ang iyong mga talaan sa WIC
Ang mga talaan ng pampublikong benepisyo ay isang paraan para patunayan ang pagkaresidente para sa iyong aplikasyon sa DACA.
Puwedeng hilingin ng mga kasalukuyan at dating kliyente ng San Francisco o tagatanggap ng Special Supplemental Nutrition Program for Women, Infants, and Children (WIC) ang kanilang mga talaan.
Sagutan ang form na ito at i-email ito sa wic@sfdph.org para makuha ang iyong mga talaan.
Pagtulong sa ibang tao
Pagtulong sa ibang tao
Kung may tinutulungan kang iba, puwede kang mag-print ng listahan ng mga organisasyon sa komunidad at puwede mo siyang tulungang magtakda ng appointment.
Humingi ng tulong
Hub ng Suporta sa Imigrante
Phone
Pangunahing linya ng OCEIA
Last updated September 18, 2023