Tumanggap ng tulong sa pagbabayad para sa isang aplikasyon sa imigrasyon

Kumuha ng loan na tutulong sa inyo sa inyong bayarin sa aplikasyon sa imigrasyon

Anong gagawin

1. Sagutan ang inyong aplikasyon sa imigrasyon

Maaari kayong kumuha ng loan na sasaklaw sa maraming bayarin sa aplikasyon sa USCIS (US Citizenship and Immigration Services, Mga Serbisyo sa Pagkamamamayan at Imigrasyon ng US):

  • Pagkamamamayan ($725)

  • DACA ($495)

  • Green Card ($1,225)

  • TPS (Temporary Protected Status, Pansamantalang Pinoprotektahang Status) ($495)

  • Pagpepetisyon ng Kamag-anak ($535)

  • U-Visa ($585)

Kakailanganin ninyo ang inyong kumpletong aplikasyon sa imigrasyon para sa loan. Ngunit huwag ninyo itong ipadala sa USCIS hanggang sa matapos ninyong makuha ang inyong tseke para sa loan.   

2. Mag-apply para sa loan

Para makapag-apply, kailangan ay:

  • 18 taong gulang na kayo o mas matanda

  • Mayroon kayong valid na email address

  • Mayroon kayong valid na ID na may litrato tulad ng driver's license o passport

  • Mayroon kayong patunay na nakatira kayo sa California, na maaaring ang inyong ID na may litrato

  • Mayroon kayong patunay ng inyong checking account, tulad ng voided na tseke, sulat o statement galing sa bangko

  • Mayroon kayong patunay ng inyong kita, tulad ng mga pay stub na pang-2 buwan o mga statement ng bangko na pang-3 buwan

  • Mayroon kayong Social Security o Individual Taxpayer Identification Number (ITIN)

Ano ang sunod na mangyayari

Ano ang sunod na mangyayari
  1. Kapag nag-apply na kayo, kakailanganin ninyong tapusin ang online na pagsasanay.  

  2. Kapag naaprubahan na ang inyong loan, makakatanggap kayo ng tseke sa koreo sa loob ng humigit-kumulang sa isang linggo. Ang tseke ay nakapangalan sa “U.S. Department of Homeland Security” ("Kagarawan ng Seguridad sa Sariling Bayan ng U.S.")

  3. Ipadala sa koreo ang tseke sa USCIS kasama ng inyong kumpletong aplikasyon.

  4. Kailangan ninyong bayaran ang loan na walang interes kada buwan sa loob ng 10 buwan. Awtomatikong makakaltas ang pera sa inyong bank account.

Ang history ng inyong pagbabayad ay mapupunta sa mga kawanihan ng kredito. Kung babayaran ninyo ang loan nang nasa oras, mapapaganda nito ang inyong rating sa credit.

Bakit kami nagbibigay ng loan para tulungan ang mga imigrante?

Alam nating mahal ang mga bayarin sa imigrasyon at nagsisilbi itong hadlang para sa maraming imigrante. Pinopondohan ng OCEIA ang Mission Asset Fund para tulungan ang mga San Franciscan na bayaran ang kanilang mga bayarin sa aplikasyon sa imigrasyon.

Humingi ng tulong

Phone

Mission Asset Fund

Last updated June 30, 2022