KOLEKSYON NG MAPAGKUKUNAN

Buod ng ulat sa 2025 Language Access Ordinance

Sinusuri ng taunang Ulat ng Buod ng Pagsunod sa Access sa Wika ang pagsunod at pag-unlad sa buong Lungsod sa Ordinansa sa Pag-access sa Wika (LAO) ng San Francisco. Sinasaklaw ng ulat na ito ang Fiscal Year 2023-2024 (mula Hulyo 1, 2023 hanggang Hunyo 30, 2024).

Buong Ulat

Tingnan ang 2025 Language Access Compliance Summary Report .

Mga pangunahing leksyon at rekomendasyon

Nitong Enero 1, 2025, nilabas ng Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) ang taunang Language Access Ordinance (LAO) Summary Report, na naglalaman ng buod ng mga tinipon na kaalaman mula sa pagtupad ng mga departamento ng Lungsod sa LAO. Tampok sa ulat sa taong ito ang mga pinakabagong pag amyenda na ginawa sa LAO, mga aral mula sa datos ng pagsunod ng mga departamento ng Lungsod sa LAO, at mga rekomendasyon para lalo pa itong mas mapabuti sa susunod na taon.

Nilalaman ng pahapyaw na pananaw na ito ang mga pangunahing aral at rekomendasyon na halaw sa 2025 Language Access Ordinance Summary Report na sumasaklaw sa panahon mula Hulyo 1, 2023 hanggang sa Hunyo 30, 2024. Bilang pagtupad sa mga bagong pag amyenda sa LAO, ang dokumentong ito ay makukuha sa wikang Ingles, Tsino, Kastila at Filipino. Upang makuha ang dokumento sa ibang wika, makipag ugnayan po sa OCEIA sa language.access@sfgov.org.

Apatnapu't dalawang porsyento (42%) ng mga San Franciscano na higit sa limang taong gulang ay nagsasalita ng isang wika maliban sa Ingles sa bahay. Ang pag-access sa wika ay susi sa pagtiyak na ang Limitadong English Proficient (LEP) na mga komunidad ay epektibong makaka-access sa mga serbisyo, programa, at impormasyon ng Lungsod, na nagreresulta sa higit na partisipasyon, pinabuting resulta, at isang Lungsod na mas tumutugon at kasama ang lahat ng mga residente nito.

Sa 100% porsyento ng mga kagawaran na matagumpay na nakapagbigay ng kani-kanilang ulat sa taong ito, higit sa 96% sa kanila ay may nakasulat na mga tuntunin sa pag akses gamit ang wika na nasa lugar na, at ang bilang ng mga departamento ng Lungsod na patuloy na nagpapalakas ng kani-kanilang kapasidad sa pag akses gamit ang wika ay patuloy na tumataas. Sa panahon ng Fiscal Year (FY) 2023-2024, ang mga kagawaran ng Lungsod ay nag ulat na ang dami ng pakikipag ugnayan (interactions) sa loob ng nasabing panahon ay higit na mataas kung ihahambing sa mga nag daang taon, mas higit na mataas ang dami ng pagsasalin wika gamit ang telepono, personal at harapang pagsasalin, badyet para sa mga serbisyo gamit ang wika, at dami ng mga isinalin na materyal. Gayunpaman, ang mga Departamento ay patuloy na nag ulat ng bahagyang pagbaba sa bilang ng mga kawaning blingual.

Ang halaga na ginastos ng mga departamento ng Lungsod sa mga serbisyong gamit ang wika ay tumaas mula sa higit-kumulang $14.91 million nuong FY 2022-2023 hangang sa $17.02 million nuong FY 2023-2024. Gayunpaman, ang halagang ito ay patuloy na mas mababa pa rin sa kadalasang halagang higit-kumulang na $17.80 million sa mga nag daang limang taon (FY 2019-2020 to FY 2023-2024).

Nuong 2024, inaprobahán ng Lupon ng mga Superbisor ang mga susog para lalong palakasin ang Ordinansa sa pag akses gamit ang wika (Language Access Ordinance – LAO) at upang mas mapabuti pa ang mga serbisyo ng Lungsod sa pag akses. Nakatatawag-pansin ang pagbaba ng antas para mabigyan ng sertipiko ang wika ng populasyón ng mga hindi bihasa sa Ingles (Limited English Proficient (LEP) mula sa 10,000 pababa sa 6,000 katao na LEP, simula Enero 1, 2026. Inaasahan na ang Vietnamese at/o iba pang mga wika ay maaari nang mabigyan ng sertipikasyon sa 2026. Nililinaw ng mga pag amyenda na kasama ang mga pampublikong karatula (public signage) at impormasyong digital (digital content) sa mga dapat isalin na mga vital information. Inaatasan din ang mga Departamento na tumugon sa loob ng 48 oras (oras ng trabaho) sa mga kahilingan para sa pagsasalin wika mula sa publiko at balitaan ang humiling kung kailan matatapos ito, bukod sa iba pang mga mahahalagang pagbabago.

Dahil sa mga bagong sugog sa LAO at kasalukuyang klima ng ekonomiya sa Lungsod, napakahalaga sa mga kagawaran ang magtatag ng badyet na ukol lamang sa mga serbisyo sa wika at mag plano para pagbutihin pa ang mga serbisyo para sa mga miyembro ng komunidad na binubuo ng mga LEP. Ang pag akses gamit ang wika ay susi para tiyakin na lahat ng kabahagi ng komunidad ay may akses sa impormasyon na tumpak at tamang-tama sa oras ang pagdating at patuloy na may akses sa mga serbisyo ng Lungsod na kanilang kinakailangan. Ang pagtatatag ng kapasidad sa pamamagitan ng pagkuha at pagtuturo sa mga bagong kawaning bilingual, ang pagtitiyak ng pagkalap ng mga departamento ng tamang impormasyon, at paglaan ng matibay na badyet para sa mga serbisyo sa wika ay malaking tulong para mas pagbutihin ang kalidad ng serbisyo sa wika na hatid ng mga departamento ng Lungsod.

Para basahin ang buong ulat, tunghayan po ang: https://bit.ly/laoreport2025

Upang makita ang mga impormasyon ng mga Departamento sa kanilang pagtupad sa LAO nuong FY 23-24, tunghayan po ang: https://www.sf.gov/data--language-access-ordinance- compliance-data

Mga ahensyang kasosyo