2025-2029 Pinagsama-samang Proseso ng Pagpaplano
Manatiling napapanahon sa proseso ng pagpapaunlad ng Opisina ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad (MOHCD) ng San Francisco Mayor at ng 2025-2029 Consolidated Plan ng Office of Economic and Workforce Development (OEWD), isang limang taong estratehikong plano na tumutukoy sa mga pangangailangan at nagpapaalam sa mga pamumuhunan sa abot-kayang pabahay at pagpapaunlad ng komunidad.
Proseso
Mga nakumpletong aktibidad
Setyembre 2023 - Enero 2024: Inimbitahan ang komunidad na magbigay ng input para ipaalam sa MOHCD at OEWD ang mga estratehiya at pamumuhunan.
Pebrero - Mayo Abril 2024: Sinuri ang data at na-summarize ang mga natuklasan.
Hulyo 2024: Inilathala ang dokumento ng mga estratehiya; ang komunidad ay iniimbitahan na magbigay ng puna.
Kasalukuyang mga pangyayari
Tag-init 2024: Pagsusuri ng feedback ng komunidad sa Draft Consolidated Plan Strategies
Malapit na
Fall 2024: Paglabas ng Fiscal Year 2025-2029 Request for Proposals (RFP)
Nai-publish na mga materyales
Buod ng mga Natuklasan sa Pakikibahagi ng Komunidad
Buod ng mga Natuklasan sa Pakikibahagi ng Komunidad
Ang ulat na ito ay nagbubuod ng mga insight mula sa Mayor's Office of Housing and Community Development (MOHCD) na pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad upang ipaalam ang 2025-2029 Strategic Plan nito.
Bisitahin ang pahina upang tingnan ang mga ulat, presentasyon, at Q&A.
Draft ng mga Estratehiya sa Pinagsama-samang Plano
Draft ng mga Estratehiya sa Pinagsama-samang Plano
La Oficina de Vivienda y Desarrollo Comunitario (MOHCD) de la Alcaldía de San Francisco y la Oficina de Desarrollo Económico y Laboral (OEWD) lo invitan a brindar comentarios sobre el borrador de las estrategias para el Plan Consolidado 2025-2029. El Plan Consolidado es el plan estratégico quinquenal del MOHCD que identifica necesidades e informa las inversiones en viviendas asequibles y desarrollo comunitario.
Bisitahin ang pahina upang tingnan ang draft na dokumento.
Ang mga nai-publish na materyales na nauugnay sa proseso ng 2025-2029 Strategic Plan ay madaling ma-access at magagamit para sa pagsusuri.
I-click ang tile ng proyekto para matuto pa
Magtayo ng bagong pabahay
Magtayo ng bagong pabahay
Ang Mayor's Office of Housing and Community Development ng San Francisco ay nagbibigay ng pagpopondo upang lumikha ng bagong abot-kayang pabahay na mauupahan o mabibili sa buong lungsod. Nagbibigay rin kami ng pagpopondo upang mapanatili at mapangalagaan ang mga kasalukuyang abot-kayang tirahan. Noong 2022, nag-invest ang aming kagawaran ng mahigit $252 milyon upang magpatayo at pagbutihin ang abot-kayang pabahay sa buong San Francisco.
Pagpapatayo ng Bagong Abot-kayang Pabahay
Nag-i-invest ang MOHCD sa paglikha ng mga abot-kayang tirahan. Ang mga tirahang ito ay para sa mga pamilyang may mga kitang napakababa hanggang katamtaman, beterano, taong may HIV/AIDS, matatanda, guro, at taong dating walang tirahan. Ang lahat ng proyektong abot-kayang pabahay na sinusuportahan ng Lungsod ay may mga patakaran tungkol sa kung sino ang maaaring manirahan doon batay sa kita. Tumutulong ang MOHCD na magtakda ng upa nang sa gayon ang mga taong may mas mabababang kita ay may kakayahang manatili roon. Mula Hulyo 2023, ang MOHCD ay may mahigit 1900 abot-kayang tirahan na kasalukuyang ipinatatayo.
Pagpapanatili ng Abot-kayang Pabahay
Ang pagpigil na mawalan ng kanilang mga tirahan ang mga residente ng San Francisco ay mahalaga para mapanatiliing abot-kaya ang pabahay at buo ang pagkakakilanlan ng kultura. Nakapaloob sa pagsusumikap na ito ang pagliligtas sa abot-kayang pabahay at kultura ng Lungsod. Pinangangasiwaan ng MOHCD ang ilang programang naglalayong protektahan at ayusin ang abot-kayang pabahay sa San Francisco:
- Small Sites Program (SSP): Nagbibigay kami ng mga loan sa mga lokal na nonprofit upang makabili sila at mapangalagaan ang mga ari-ariang kontrolado ang upa. Tinutulungan ng programang ito na mapanatiling matatag ang mga komunidad.
- Preservation and Seismic Safety Program (PASS): Nagbibigay kami ng pera upang ayusin ang mga kasalukuyang gusaling apartment at ayusin ang mga ito sa panahon ng mga lindol. Sa ganitong paraan, nananatiling abot-kaya at ligtas ang mga ito.
- Ang HOPE SF: Nagpapatayo kami ng mga bagong tirahan upang palitan ang lahat ng yunit ng pampublikong tirahan. Nagdadagdag din kami ng higit pang mga tirahan na abot-kaya at ang ilan na may regular na presyo sa merkado. Nakakatulong ang proyektong ito na mapigilan ang pag-alis ng mga tao sa kanilang mga kapitbahayan. At nagsusumikap kami upang lumikha ng mga komunidad na may dibersidad at patas para sa lahat.
Pagbutihin ang Pagiging Abot-kaya
Ang MOHCD ay may mga programang nagbibigay ng pinansyal na suporta upang gawing mas abot-kaya ang pabahay. Kabilang sa mga programang ito ang:
- Ang Local Operating Subsidy Program (LOSP, Lokal na Programa ng Subsidyo sa Pagpapatakbo) na tumutulong sa paglikha at pagpapanatili ng permanenteng sumusuportang pabahay para sa mga sambahayan na dating walang tirahan. Tinitiyak ng programang ito na ang mga tirahang ito ay nananatiling makukuha at abot-kaya nang pangmatagalan.
- Ang Senior Operating Subsidy (SOS, Subsidyo ng Pagpapatakbo para sa Matatanda) ay pinananatiling abot-kaya ang upa sa bagong proyekto ng pabahay sa matatanda na sinusuportahan ng lungsod. Tinutulungan ito ang matatandang may mababang kita na makahanap ng naaangkop na pabahay nang hindi nahihirapat sa matataas na gastos.
Alamin pa:
Access sa pabahay
Access sa pabahay
Isa sa mga pangunahing trabaho ng Mayor's Office of Housing and Community Development's (MOHCD) ang tulungan ang mga pamilya at mga taong magkaroon ng matatag na lugar na matitirhan.
Access sa mga Serbisyo sa Pabahay
Sa MOHCD, naghahandog kami ng iba't ibang uri ng suporta. Nagbibigay kami ng edukasyon sa pabahay at pinansya, at tumutulong din kami sa mga taong mag-apply para sa tirahan na kaya nilang bayaran. Noong nakaraang taon, tinatayang 12,000 indibidwal ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng mga programang ito. Pinagtuunan namin ang pagtulong sa mga nahihirapang makahanap ng tirahan, tulad ng mga indibidwal na nagsasalita lamang ng isang wika, may kapansanan, matatanda, taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan, beterano, indibidwal na Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered, Questioning, Intersex, Asexual+ na nararamdamang hindi sila konektado, kabataang nasa hustong gulang, indibidwal na muling papasok sa lipunan, at nakaligtas sa karahasan sa tahanan.
Pag-apply para sa Abot-kayang Pabahay
Noong 2016, ipinakilala ng San Francisco ang bago at pinagbuting sistema para mag-apply para sa abot-kayang pabahay. Ginawa nila ang website na tinatawag na DAHLIA, na nangangahulugang Database of Affordable Housing, Listings, Information, and Applications (Database ng Abot-kayang Pabahay, mga Listahan, Impormasyon, at mga Aplikasyon). Inilalagay ng website na ito ang lahat ng abot-kayang pabahay sa isang lugar, at magagamit ito ng mga tao para mag-apply sa mga nakalista. Puwedeng makibahagi ang mga tao sa mga online na event tulad ng mga lottery, sesyon para may matutunan pa, at virtual na tour sa mga yunit. Mas pinadadali ng prosesong ito ang pag-a-apply ng mga tao. Halos lahat ng aplikasyon sa abot-kayang pabahay sa San Francisco – tinatayang 97% – ay kinukumpleto sa DAHLIA.
Mga Lottery sa Pabahay at Programa ng Preperensya
Nagpapatakbo ang MOHCD ng iba't ibang programa upang matulungan ang mga komunidad na manatiling may dibersidad at maiwasan ang mapaalis. Isa sa mga programa ang Displaced Tenant Housing Preference (DTHP, Preperensya sa Pabahay para sa Napilitang Umalis na Nangungupahan). Lumago ito upang tulungan ang mga taong maaaring kailanganing umalis ng kanilang mga tirahan dahil nagbago ang mga panuntunan sa kanilang upa. Dito nagiging napakamahal ng upa para sa kanila. Mula Mayo 2023, tinutulungan din ng programang ito ang mga nangungupahan na umalis ng tirahan dahil sinasabi ng Planning Commission na ang kanilang yunit ay lumalabag sa batas bilang residensyal na yunit. Maaaring aprubahan ng Planning ang mga yunit na ito para sa demolisyon, pagpaparemodel, o pagsasama sa iba pang mga tirahan.
Mayroon din kaming Neighborhood Resident Housing Preference (NRHP, Preperensya sa Pabahay para sa Residente ng Kapitbahayan) Tinutulungan ito ang mga taong nakatira na sa partikular na lugar. Nakakakuha sila ng mas mabuting tsansa sa mga lottery sa pabahay ng hanggang 40% ng mga bagong abot-kayang pabahay na sinusuportahan ng lungsod. Tinutulungan nito ang komunidad na manatiling may dibersidad, pinatitigil ang pagpapaalis, at pinahihintulutan ang mga lokal na masiyahan sa magagandang bagay na kasama sa bago at mas mabuting pabahay.
Ang programang Certificate of Preference (COP, Sertipiko ng Preperensya) ay nagbibigay ng preperensya sa mga lottery sa pabahay sa mga taong umalis ng kanilang mga tirahan dahil sa mga pagbabagong ginawa ng dating Ahensya ng Muling Pagpapaunlad ng lungsod noong dekada 60-70. Naaangkop ito sa lahat ng abot-kayang pabahay na sinusuportahan ng lungsod. Sa ngayon, nagsusumikap kami upang mapabuti ang programang COP sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga inapo ng mga napaalis na tao na makibahagi sa mga lottery para sa mga tirahang sinusuportahan ng lungsod.
Mapapanatiling Pagmamay-ari ng Tirahan
Tinutulungan ng MOHCD ang mga tao at pamilya na nagnanais na bumili ng tirahan ngunit nangangailangan ng tulong sa perang kailangan nilang ibayad agad, na tinatawag na down payment. Naghahandog ang MOHCD ng loan para sa down payment na puwede maging kasing-halaga ng $500,000 para sa mga tirahang may regular na presyo. Noong nakaraang taon, nagbigay kami ng mahigit $19 milyon sa mga loan para tumulong sa mga down payment. Naglaan ng pera para tulungan ang mga residenteng Itim at Aprikanong Amerikano, kawani ng departamento ng pulisya, bumbero, o sheriff, at mga guro sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng San Francisco).
Ang gawain ng MOHCD ay higit pa sa pagtulong sa mga taong bumili ng una nilang tirahan. Naghahandog din kami ng mga serbisyo upang matulungan ang mga taong nagmamay-ari na ng tirahan. Halimbawa, mayroon kaming Homeowner Emergency Loan Program (HELP, Programa ng Pang-emerhensyang Pagpapautang sa May-ari ng Tirahan). Tinutulungan ng programang ito ang mga sambahayan na maaaring mawalan ng kanilang mga tirahan dahil hindi nila kayang bayaran ang mga espesyal na pagbabayad tulad ng mga hinihingi ng dapat bayarang homeowner association (HOA, samahan ng mga may-ari ng tirahan) o mga kabayaran buwan-buwan sa tirahan. Tinutulungan ng programa ang mga taong mapanatili ang kanilang mga tirahan at maprotektahan ang kanilang investment.
Alamin pa:
Magpanatili ng matatag na pabahay
Magpanatili ng matatag na pabahay
Tinitiyak ng Mayor's Office of Housing and Community Development na ang mga tao ay may mga ligtas at matatag na lugar. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pagpapaalis ng tirahan at pagbibigay ng suporta sa ilang lugar ng tirahan.
Pag-iwas na Mapaalis ng Tirahan at Pagpapatatag ng Pabahay
Ang pagpapanatili sa mga residente ng San Francisco sa kanilang mga tirahan ay mahalaga dahil nakakatulong ito na mapanatiling abot-kaya ang mga tirahan at buhay ang katangi-tanging kultura ng lungsod. Kapag kailangang lisanin ng mga tao ang kanilang mga tirahan, lalo na ang mga walang masyadong pera o matagal nang naninirahan sa San Francisco, nahihirapan silang humanap ng mga bagong lugar na matitirhang sa mamahaling lungsod na ito. Nagbibigay kami ng pera sa mga grupong tumutulong sa mga residente sa iba't ibang paraan, tulad ng:
- Ang pagbibigay ng tulong upang maiwasan na mapaalis ng tirahan ay ginagawang 70% mas malamang na maiwasan ng mga pamilya ang mapaalis ng tirahan.
- Pagtuturo sa mga nangungupahan ng tungkol sa kanilang mga karapatan at pakikipag-usap sa mga nangungupahan at landlord upang matulungan silang magkasundo.
- Pagbibigay ng pang-emerhensyang pera upang mabayaran ang upa at patuloy na suporta upang makatulong sa pagbabayad para sa pabahay.
Mga Serbisyo sa Pabahay na Nakabase sa Lugar
Nagbibigay rin kami ng pera upang magkaloobng mga serbisyo sa mga taong naninirahan sa abot-kayang pabahay at mga lugar kung saan dating mayroong pampublikong pabahay. Kabilang sa mga serbisyong ito ang pagbuo ng mga proyekto para sa matatanda/mga indibidwal na may kapansanan at mga pamilya. Ang ilan sa mga proyektong ito ay kinabibilangan ng proyektong RAD, HOPE VI, at HOPE SF na may 20 sambahayan ng matatanda/may kapansanan at 16 ari-ariang pampamilya na pinaglilingkuran ang mahigit 6,000 sambahayan.
Tumutulong ang mga serbisyong ito sa iba't ibang paraan:
- Kailangan nilang bumuo ng tiwala sa mga residente at maunawaan kung ano ang magagawa ng bawat indibidwal.
- Nagtuturo sila ng mahahalagang kasanayan at pamumuno at naghahandog ng mga workshop at event tungkol sa kalusugan at kagalingan.
- Isinasama nila ang lahat sa pamamagitan ng pagkokonekta ng mga kawani sa mga residente, pagdaraos ng mga kaganapan, at pagbibigay ng mga workshop upang mabawasan ang kalungkutan.
- Kung may nangangailangan ng tulong sa pabahay, nakakakuha sila ng personal na suporta.
Sa pamamagitan ng mga pagsusumikap na ito, layunin naming matiyak na ang mga tao ay may matatag na mga tirahan at kayang maging bahagi ng kanilang komunidad.
Mga Serbisyo sa mga Residente ng HOPE SF at Pagbuo ng Komunidad
Nais ng proyektong HOPE SF na unahin ang mga residente at gawing patas ang San Francisco para sa lahat. Nais nilang matiyak na ang lungsod ay pantay-pantay para sa mga tao sa lahat ng lahi at kita. May apat na lugar ang HOPE SF sa San Francisco: Hunters View, Alice Griffith, Potrero Annex/Terrace, at Sunnydale. Sa bawat isa sa mga lugar na ito, naghahandog sila ng mahahalagang serbisyo sa mga residente at tumutulong sa pagbuo ng matatag na komunidad.
Ang mga pangkat sa mga lugar na ito ay nagtatrabaho upang:
- Ihanda ang mga residente sa mga pagbabago sa kung paano pinamamahalaan ng mga nonprofit ang mga bagay-bagay.
- Panatilihing ligtas at kumportable ang mga residente.
- Tulungan ang mga residenteng makahanap ng mas magagandang trabaho at kumita ng mas higit pa.
- Sanayin at tulungan ang mga residenteng makakuha ng trabaho sa konstruksyon na isinasagawa sa malapit.
- Turuan ang mga residente tungkol sa pera, paano maging mga lider, at paano manatili sa kanilang mga tahanan.
- Pagbutihin ang kalusugan at kaligtasan.
- Ituro sa mga residente ang tungkol sa kanilang mga karapatan bilang nangungupahan.
- Tulungan ang mga residenteng bumuti sa kanilang mga karera.
Ang proyektong HOPE SF ay tungkol sa pagpapabuti ng mga bagay para sa mga taong naninirahan dito. Nakikipagtulungan sila sa mga komunidad upang matiyak na ang bawat isa ay may katanggap-tanggap na lugar na matitirahan at bumuti ang kalagayan.
Alamin pa:
Pahusayin ang mga komunidad
Pahusayin ang mga komunidad
Tinitiyak ng Mayor's Office of Housing and Community Development (MOHCD) na ang mga kapitbahayan ng San Francisco ay may mga katanggap-tanggap na pisikal na lugar, koneksyong panlipunan, at negosyo. Nais naming tulungan ang mga taong naninirahan dito na manatiling ligtas at konektado. May mga programa rin ang MOHCD na tumutulong sa mga kapitbahayan na lumaki at mapanatiling buhay ang kanilang kultura.
Mga Pagpapabuti sa mga Pasilidad ng Komunidad at Pampublikong Espasyo
Ang MOHCD ang nangungunang ahensya ng Lungsod na nagbibigay ng pera upang ayusin o magpaunlad ng mga gusaling pinatatakbo ng mga grupong nonprofit. Ang mga pagpapabuting ito ay nakakatulong sa mga pamilya at indibidwal na may mas mabababang kita. Tinitiyak ng mga pondo na magagamit ng bawat isa ang mga gusali sa malusog at ligtas na paraan.
Pondo sa Pagpapatatag ng Komunidad ng SoMa
Ang Pondo sa Pagpapatatag ng Komunidad ng SoMa ay tumutulong sa kapitbahayan ng SOMA. Tinitiyak nito na ang SOMA ay may mga abot-kayang pabahay, sumusuporta sa mga negosyo, bumubuo ng matatag na komunidad, at pinagbubuti ang lugar. Inaprubahan ng Lupon ng mga Superbisor ang Central SoMa Plan noong Disyembre 2018. Ang plano ay maghahatid ng mas marami pang pera sa pondong mula sa singil na ibinabayad ng mga bagong pagpapaunlad, na inaasahang maghahatid ng $45 milyon. Sinusuportahan din ng planong ito ang mga programang panlipunan at pangkultura at mas magagandang pasilidad.
Mga Cultural District
Tinutugunan ng mga Cultural District ang kawalan ng pagkakapantay-pantay para sa iba't ibang lahi at grupo na naharap sa diskriminasyon. Tinutupad ng MOHCD ang pangakong ito at sinusuportahan ang mga ideya mula sa mga pinakanakakaalam ng problema. Nakikipagtulungan ang MOHCD sa ibang mga kagawaran ng lungsod: OEWD, SF Planning, at SF Arts Commission. Mayroon na ngayong sampung Cultural District na kinikilala sa San Francisco.
- Japantown Cultural District
- Calle 24 (Veinticuatro) Latino Cultural District
- SoMa Pilipinas Filipino Cultural District
- Transgender Cultural District
- Leather & LGBTQ Cultural District
- African American Arts and Cultural District
- Castro LGBTQ Cultural District
- American Indian Cultural District
- Sunset Chinese Cultural District
- Pacific Islander Cultural District
Alamin pa:
Dagdagan ang pag-access sa mga serbisyong nakabase sa komunidad
Dagdagan ang pag-access sa mga serbisyong nakabase sa komunidad
Tinutulungan ng Mayor's Office of Housing and Community Development ang mga pamilya at indibidwal na maging malaya at matatag sa pinansyal na paraan. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paghahandog ng pagsasanay sa mahahalagang kasanayan at pagtitiyak na ang bawat isa ay may patas na access sa mga legal na serbisyo para sa mga bagay na tulad ng imigrasyon at iba pang mahahalagang bagay. Ginagawa ito ng MOHCD sa apat na paraan.
Pagbuo ng Kasanayan at Pagkonekta sa Serbisyo
Sa bahaging ito ng programa, tinuturo ng mga grupo sa komunidad ang mahahalagang kasanayan at nagbibigay ng mahahalagang mapagkukunan. Nakatuon sila sa pagtulong sa mga taong pinakanangangailangan nito upang mas bumuti ang kanilang kalagayang pinansyal. Kabilang sa mga kasanayan ang:
- Mga Kasanayan sa Pamumuhay: Tinuturo nila ang mahahalagang pang-araw-araw na kasanayan, tulad ng paggamit ng computer (kaalaman sa aspetong digital).
- Suporta sa Pag-aaral Tinutulungan sila ang mga tao sa pag-aaral na makakuha ng diploma sa high school, GED, o makapunta sa kolehiyo.
- Pagsasanay sa Ingles bilang Pangalawang Wika (ESL): Tinuturuan nila ang mga taong nagsasalita ng ibang wika kung paano magsalita ng Ingles.
- Mga Kasanayan sa Trabaho: Tinutulungan nila ang mga taong matutunan ang mga bagay na kailangan nila upang makapagtrabaho, tulad ng paano maghanap ng trabaho at humusay rito. Ang pagsusumikap na ito ay magreresulta sa mas marami pang pagsasanay para sa mga partikular na trabaho sa Office of Economic and Workforce Development.
Pinansyal na Kaalaman at Pamamahala ng Personal na Pananalapi
Sa pamamagitan ng programang ito, nakakakuha ang mga tao ng tulong sa pag-unawa at pamamahala ng pera. Nakakakuha sila ng one-on-one na tulong sa mga bagay na may kinalaman sa pera, pag-aayos ng mga isyu sa credit card, pag-access sa mga mabubuti at ligtas na serbisyo ng pagbabangko, at paggamit ng mas mabubuting pinansyal na produkto at serbisyo. Nakakatulong ang mga serbisyong ito sa mga taong may mas mabababang kita na matutunan kung paano pangasiwaan nang mas mabuti ang pera upang maging mas matatag sa pinansyal na paraan at pangalagaan ang sarili nilang mga pangangailangan. Nakakatulong din ito sa kanilang magbayad ng upa sa oras at magpanatili ng matatag na tirahan.
Kaalaman sa Aspetong Digital
Ipinapakita sa Inisyatiba sa Ekidad sa Aspetong Digitan kung gaano pinahahalagahan ng MOHCD ang pagiging patas dahil saklaw nito ang maraming komunidad. Tinutulungan ng programa ang mga residenteng nangangailangan sa matatag na pabahay at kalayaang pinansyal. Kabilang sa mga hangarin ng programa ang:
- Higit pang Abot-kayang Internet: nagsusumikap upang matiyak na ang bawat isa ay nakakakuha ng mabuti at murang internet.
- Pag-aaral na Digital: pagsisimula ng mga programang tumutulong sa mga taong matutunan kung paano gamitin nang mas mabuti ang teknolohiya..
- Pamumuno para sa Pagbabago: pagpapaunlad ng mga lider upang isulong ang mga pagsusumikap na nagpapakita ng mga pagpapabuti.
Access sa mga Sibil na Legal na Serbisyo
Mahalaga ang legal na sistema sa maraming yugto ng buhay, tulad ng pamilya, komunidad, trabaho, at kaligtasan. Ngunit maraming tao ay kailangang pangasiwaan ang mga kumplikadong legal na bagay nang walang propesyonal na tutulong. Gayunpaman, libu-libong tao sa San Francisco ang nakakakuha ng tulong mula sa mga programang pambatas na pinopondohan ng MOHCD. Pinangangasiwaan ng mga programang ito ang iba't ibang isyu:
- Pagtulong sa mga imigrante sa mga usaping pambatas
- Paglutas sa mga problema sa pamilya at karahasan sa tahanan
- Pagdepensa sa mga karapatan sa trabaho
- Pagsuporta sa mga kaso hinggil sa mga benepisyo
- Pagpapaliwanag ng mga karapatan at proteksyon ng mamimili
- Pangangasiwa sa mga problema sa pabahay, tulad ng mahihinang kondisyon at diskriminasyon
Alamin pa:
Itaguyod ang pagpapaunlad sa mga manggagawa
Itaguyod ang pagpapaunlad sa mga manggagawa
Ang Office of Economic and Workforce Development (OEWD) ay mag maraming programa na nagbibigay ng kasanayan at nag-uugnay sa mga mamamayan ng San Francisco sa de-kalidad na trabaho at karera. Nagbibigay ang mga programang ito ng mga oportunidad para sa lahat, kabilang ang mga walang trabaho, mga may trabaho na hindi maganda ang suweldo, at mga nahihirapang makakuha ng trabaho.
Mga Serbisyo sa mga Manggagawang Nasa Hustong Gulang
Sinusuportahan ng OEWD ang mga job center sa buong San Francisco. Libre ang mga serbisyo at kinabibilangan ng:
- Paghahanap ng trabaho at tulong sa resume
- Pagpaplano sa karera
- Edukasyon at pagsasanay
- Access sa mga computer, internet, at marami pa
Ang ilang job center ay nakatuon sa pagtulong sa mga grupong may mga espesyal na pangangailangan tulad ng mga beterano, mga taong may mga kapansanan, imigrante, minoryang grupo, indibidwal na LGBTQI, at mga walang tirahan.
Mga Serbisyo sa mga Manggagawang Kabataan na Nasa Hustong Gulang
Naghahandog ang OEWD ng maraming programa ng pagsasanay at sa karera para sa mga kabataang nasa edad na 16 hanggang 24. Kabilang sa mga programang ito ang mga Young Adult Job Centers (Tanggapan para sa Trabaho para sa mga Kabataang Nasa Hustong Gulang), Young Adult Subsidized Employment Program (Programa ng Trabahong may Subsidyo para sa mga Kabataang Nasa Hustong Gulang), at programang tinatawag na RAMP, na tumutulong sa mga kabataang nasa hustong gulang na makapaghanda para sa mga trabaho habang nagbibigay sa kanila ng access sa mga onsite na edukasyon para sa diploma sa high school o GED.
Mga Programa para sa Manggagawa ng Sektor
Ang Sector Workforce Programs (Mga Programa para sa Manggagawa ng Sektor) ay nagbibigay ng pagsasanay at sertipiko para sa mga trabaho sa mga lumalagong industriya tulad ng:
- Konstruksyon
- Pangangalagang Pangkalusugan
- Hospitality
- Teknolohiya
- Transportasyon
- Advanced na Pagmamanupaktura
- Edukasyon sa Unang Yugto ng Pagkabata
Ang mga programa ng hands-on na pagsasanay na ito ay ibinibigay sa pakikipagtulungan sa maraming organisasyong pang-edukasyon at pangkomunidad sa San Francisco.
Ang WorkforceLinkSF
Ang WorkforceLinkSF ay isang website sa pagtutugma ng trabaho na nagkokonekta sa mga lokal na naghahanap ng trabaho sa mga lokal na employer.
Alamin pa:
Palakasin ang maliit na negosyo
Palakasin ang maliit na negosyo
Ang Office of Small Business (OSB) ay ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon para sa mga maliit na negosyo sa San Francisco. Ang OSB ay nagbibigay ng mga serbisyong para sa mga bagong may-ari ng negosyo at sa mga umiiral na may-ari, kasama ang tulong sa rehistrasyon ng negosyo, business counseling, tulong sa permit, paghahanap ng angkop na lokasyon, at up-to-date na impormasyon tungkol sa mga deadlines, grants, at mga pagkakataon sa pagsasanay.
Ang Community Economic Development
Ang Community Economic Development (CED) division ay sumusuporta sa mga lugar ng lungsod na may malakas na komunidad ng negosyo upang tiyakin na ang ekonomiya ng lungsod ay makatarungan para sa lahat. Ang CED ay nakikipagtulungan sa mga non-profit na kasosyo upang tulungan ang mga may-ari ng negosyo na nais palawakin ang kanilang negosyo. Sinusuportahan ng CED ang iba't ibang mga City-wide na mga inisyatibo, kasama na ang Cultural Districts Program at Dream Keeper Initiative, at nagbibigay ng pondo para sa iba't ibang mga grant, loan, at mga technical assistance program.
Ang San Francisco Small Business Development Center
Ang San Francisco Small Business Development Center (SBDC) ay nagbibigay ng libreng payo at pagsasanay upang matulungan ang mga bagong may-ari at kasalukuyang nagmamay-ari ng negosyo na lumago sa San Francisco. Ang SBDC ay nakikipagtulungan sa mga kontratadong konsultante na bihasa sa marketing, human resources, accounting, general financial operations, at iba pang mga serbisyong pangnegosyo.
Alamin pa:
HIV+ pabahay
HIV+ pabahay
Ang Mayor's Office of Housing and Community Development (MOHCD) ay nagbibigay ng pera para sa mahahalagang serbisyo, pamamahala ng kaso, at mga gastos sa pagpapatakbo ng mga pasilidad na tumutulong sa mga taong may HIV/AIDS. Nagbibigay rin sila ng pinansyal na tulong upang mapababa ang gastos sa upa at naghahandog ng suporta at gabay para sa mga taong may HIV/AIDS. Noong nakaraang taon, naglagay sila ng mahigit $7.4 milyon sa programang ito, na nakatulong sa mahigit 540 indibidwal na makahanap at makapagpanatili ng matatag na tirahan at makakuha ng tulong na kailangan nila.
Noong Hunyo 2021, gumawa ng panibagong plano ang MOHCD para sa susunod na limang taon na tinatawag na HIV Housing Plan (Plano sa Pabahay para sa mga may HIV). Ang planong ito ay tungkol sa pagpapabuti ng pabahay para sa mga taong may HIV/AIDS sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga tagapagkaloob ng pabahay at mga medikal na eksperto. Narito ang mga hangarin ng programa:
- Panatilihin ang pagpapatakbo sa 32 pasilidad na tumutulong sa mga taong may HIV/AIDS.
- Magdagdag ng 35 bagong yunit ng pabahay para sa mga taong may HIV/AIDS sa susunod na limang taon.
- Kumuha ng mas marami pang pera para makatulong sa pagbabayad para sa, gumawa, at mapanatiling abot-kaya ang pabahay para sa mga taong may HIV/AIDS.
- Bigyan ang mas marami pang taong may HIV/AIDS ng access sa mga serbisyo na tumutulong sa kanilang mapatatag ang kanilang pabahay.
- Gawin mas mabuti at organisasyo ang pabahay at mga serbisyo.
Alamin pa:
Plano ng Ekidad sa Patas na Pabahay
Plano ng Ekidad sa Patas na Pabahay
Ang Plano sa Ekidad ay katulad ng plano sa patas na pabahay na ginawa ng mga grupong kumukuha ng pera mula sa HUD (ang U.S. Department of Housing and Urban Development o Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad sa Kalunsuran ng Estados Unidos). Sinusuportahan ng planong ito ang mga hangarin na gawing patas at pantay-pantay ang pabahay. Tumutulong din ito sa mga programang pangkomunidad at nagbibigay ng access sa mga naaangkop na lugar, oportunidad, at mapagkukunan ng komunidad.
Ibabahagi ng mga miyembro ng komunidad ang kanilang mga saloobin upang makatulong sa paggawa ng Plano ng Ekidad. Hahanap sila ng mga isyu sa pabahay sa pamamagitan ng pakikinig sa komunidad at pagtingiin sa datos na mula sa HUD. Pagkatapos pag-aralan ang datos na ito at makarinig mula sa komunidad, paplanuhin ng San Francisco na ayusin ang anumang mga problema at lilikha ng mga hangarin at istratehiya sa patas na pabahay para sa 2025 hanggang 2029.
Alamin pa:
Kumukuha ng pera ang San Francisco mula sa iba't ibang pederal na programang pinatatakbo ng HUD, tulad ng programang Community Development Block Grant (CDBG, Gawad sa Pagpapaunlad ng Komunidad), programang Emergency Solutions Grant (ESG, Gawad sa mga Pang-emerhensyang Solusyon), programang gawad na Housing Opportunities for Persons with AIDS (HOPWA, Mga Oportunidad sa Pabahay para sa mga Taong may AIDS), at HOME Investment Partnerships Program (HOME). Kailangang gumawa ng mga plano ang Lungsod para gamitin ang mga pondong ito.
Karagdagang impormasyon at mapagkukunan
Alamin Pa
Contact
Contact
Mga tanong? Mag-email sa mohcdstratplan@sfgov.org