Kung nasa labas ng County ng San Francisco ang iyong negosyo, dapat mong ihain ang iyong FBN sa County Clerk ng county na iyon. Kung nasa labas ng California ang iyong negosyo, dapat kang maghain sa Clerk ng County ng Sacramento.
Tingnan kung available ang pangalan ng iyong negosyo
Hanapin ang pangalan ng iyong negosyo sa index ng FBN para makita kung available ito.
Kung naihain na sa Opisina ng County Clerk ng San Francisco ang pangalan ng iyong negosyo, dapat kang pumili ng ibang pangalan.
Tiyaking hindi ka lumalabag sa mga karapatan sa trademark ng ibang negosyo o sa karaniwang batas. Tingnan ang pangalan ng iyong negosyo sa:
Iparehistro ang inyong negosyo
Iparehistro ang iyong negosyo sa Opisina ng Tax Collector ng SF sa loob ng 15 araw pagkatapos magsimula ang iyong negosyo.
Dapat kang magbayad ng singil sa pagpaparehistro at anumang hindi nabayarang buwis para kumpletuhin ang iyong pagpaparehistro.
Ang pagpaparehistro ng iyong negosyo ay valid sa loob ng 1 taon ng pananalapi mula Hulyo 1 hanggang Hunyo 30.
Dapat mong i-renew ang iyong pagpaparehistro bawat taon bago sumapit ang Mayo 31. Kung hindi ka magre-renew, mag-e-expire ang iyong pagpaparehistro pagkalipas ng 5 taon.
Kumpletuhin at ihain ang Form ng Pahayag para sa FBN
Ihain ang iyong kumpletong Form ng pahayag para sa FBN nang personal o sa pamamagitan ng koreo.
Matuto pa tungkol sa Mga Kinakailangan para sa FBN
I-publish ang iyong FBN
Maghain ng Katibayan ng Pag-publish
Ihain ang iyong Katibayan ng Pag-publish sa Opisina ng County Clerk
Tiyaking gawin ito sa loob ng 45 araw pagkatapos ng ika-4 na pag-publish. Maghahain para sa iyo ang ilang pahayagan, ngunit tiyaking i-double check ito.
Last updated December 30, 2022