Maikokonekta kayo ng aming staff sa mga multi-lingual na tagapayo para tulungan kayo sa anumang hakbang ng proseso ng aplikasyon. Available ang mga serbisyo sa pagsasalin. I-email ang legacybusiness@sfgov.org o tumawag sa 415-554-6680 para sa higit pang impormasyon.
Alamin kung kwalipikado kayong mag-apply
Ang inyong negosyo ay dapat na:
- Nagpapatakbo sa San Francisco nang 30 taon na o higit pa
- Hindi nagkaroon ng mga paghinto sa pagpapatakbo sa SF nang mahigit 2 taon
- Nag-ambag sa kasaysayan o pagkakakilanlan ng San Francisco
Nakatuon din dapat ang inyong negosyo sa pagpapanitiling buhay ng kasaysayan nito. Halimbawa, pagpapanatili ng inyong pangunahing business model.
Makipag-ugnayan sa inyong supervisor
May nominasyon dapat ang inyong negosyo mula sa isang miyembro ng Board of Supervisors o mula sa mayor para maging Legacy na Negosyo ito (tingnan ang hakbang 5).
Puwede ninyong isumite sa ibang pagkakataon ang liham, pero dapat kayong makipag-ugnayan sa isang supervisor o sa mayor bago kayo mag-apply, dahil isa itong kinakailangang bahagi ng kumpletong aplikasyon.
Sagutan ang aplikasyon
I-download ang PDF ng aplikasyon.
Hihingin namin ang inyong:
- Impormasyon ng inyong negosyo
- (Mga) Lokasyon at kasaysayan ng pagmamay-ari
AT isang nakasulat na pagsasadula tungkol sa inyong negosyo. I-download ang template ng pagsasadula at sagutan ang mga tanong. Mag-aalok kami ng mga iminumungkahing edit; hindi kailangang maging perpekto ng una ninyong draft!
I-email ang nakumpletong form ng aplikasyon (.pdf) at pagsasadula (.doc) sa legacybusiness@sfgov.org.
Puwede rin ninyo itong i-mail o personal na isumite sa:
Programang Legacy na Negosyo
City Hall, Room 140
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Pagkatapos ninyong mag-apply, kukumpirmahin naming natanggap namin ito. Susuriin naman namin ang inyong aplikasyon at magmumungkahi ng mga edit. Malapit kayong makikipagtulungan sa tagapamahala ng programa para sa natitirang bahagi ng proseso.
Tingnan ang status ng inyong aplikasyon
Puwede ninyong tingnan ang status ng inyong aplikasyon ayon sa pangalan.
Kasalukuyan naming binibigyang priyoridad ang mga aplikasyon mula sa mga negosyong matatagpuan sa Bayview, Excelsior, Inner at Outer Sunset, Portola, Visitation Valley, at iba pang kapitbhayan kung saan hindi ganoon karami ang mga nakarehistro sa aming Legacy na Negosyo. Susuriin namin ang lahat ng iba pang aplikasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakatanggap namin sa mga ito.
Makikipag-ugnayan kami sa inyo sa email kapag sinimulan naming suriin ang mga materyal ng inyong aplikasyon.
Makakuha ng liham ng nominasyon
Puwede ninyong bigyan ang inyong supervisor o ang mayor ng mga panuto tungkol sa paano magbigay ng liham ng nominasyon.
Kumpletuhin ang inyong aplikasyon
Tutulungan namin kayong i-format at kumpletuhin ang inyong buong aplikasyon. Posibleng hingan namin kayo ng ilang karagdagang bagay, tulad ng mga larawan o makasaysayang dokumento.
Dumalo sa mga pagdinig ng komisyon
Isusumite namin ang buo ninyong aplikasyon sa Historic Preservation Commission. Sa pagdinig, gagawa sila ng rekomendasyon sa Komisyon sa Maliliit na Negosyo.
Sa isang hiwalay na pagdinig, na karaniwang nangyayari makalipas ang ilang linggo, ang Komisyon sa Maliliit na Negosyo ang magpapasya kung kwalipikado sa Registry ang inyong negosyo.
Sa parehong pagdinig, puwede kayong dumalo at magsalita nang 2 hanggang 3 minuto sa panahon ng Pampublikong Komento.
Kapag nasa Registry na kayo
Mahahanap ng mga tao ang inyong negosyo ayon sa pangalan, uri, o neighborhood sa listahan ng Registry.
Makakahingi rin kayo ng espesyal na tulong sa marketing, tulong sa negosyo, at mga gawad. Magbabahagi kami sa inyo ng mga oportunidad kapag lumabas ang mga ito at makakahanap ka ng higit pa sa sf.gov/legacybusiness sa ilalim ng "Mga Sanggunian para sa Mga Legacy na Negosyo."
Last updated February 2, 2023