Mga Serbisyo sa Notaryo

Ang mga Notaryo Publiko ay kinokomisyon ng California Secretary of State pero inihahain ng mga ito ang mga panunumpa ng katungkulan sa San Francisco County Clerk.

Anong gagawin

Ang isang Notaryo Publiko ay isang opisyal na hinihirang ng Secretary of State at binibigyan ng kapangyarihang pagsilbihan ang publiko bilang isang saksing walang kinikilingan habang nagsasagawa ng maraming legal na pormalidad na nauugnay sa pagsusulat o pagpapatunay ng mga kontrata, mga titulo, at iba pang mga opisyal na dokumento. Ang mga opisyal na aktong ito ay tinatawag na mga notarization o notarial act. Ang isang notaryo publiko ay dapat na maghain ng panunumpa sa katungkulan at bond sa opisina ng county clerk sa county kung saan matatagpuan ang pangunahing lugar ng negosyo niya. Dapat itong gawin sa loob ng 30 araw ng kalendaryo mula sa petsa ng simula ng komisyon. Hindi puwedeng palawigin ang 30 araw na yugto.

In-Person

In-Person

1. Pumunta sa Opisina ng County Clerk

Hindi kailangan ng appointment para sa Mga Serbisyo sa Notaryo.

2. Magdala kayo ng mga dokumento

  1. Orihinal na Commission Certificate na inisyu ng CA Secretary of State
  2. Orihinal na Notary Bond para sa $15,000 (ang bond ay dapat na may basang lagda)
  3. Dalawang (2) kinumpleto at hindi pa nalalagdaang form ng Panunumpa sa Katungkulan (ang pangalan sa mga form ay dapat na tumutugma sa ID na ipinapakita)
  4. Identification na inisyu ng pamahalaan
  5. Bayad sa Filing

Tandaan: Dapat eksaktong nagtutugma ang mga pangalan sa komisyon, bond, at panunumpa

3. Manumpa

4. Magbayad

Mail

Mail

May mga batas na nagbibigay-daan sa paghahain ng panunumpa at bond sa pamamagitan ng mail. Dapat tandang ipinoproseso ng county ang mga dokumento nang chronological na pagkakasunod-sunod, pero hindi ibig sabihin ay sa petsa mismo noong natanggap ito dahil sa dami ng mga dokumento. Ang panunumpa at bond at dapat isumite sa county clerk bago ang petsa ng pagsisimula ng at dapat itong ihain nang hindi lalampas sa 30 araw sa kalendaryo makalipas ang pagsisimula ng komisyon. Inirerekomendang isumite ang panunumpa at bond sa personal para magarantiya ang paghahain sa tamang oras.

1. Pumunta sa isang Notaryo Publiko

2. Magdala mga dokumento sa Notaryo

  1. Orihinal na Commission Certificate na inisyu ng CA Secretary of State
  2. Dalawang (2) kinumpleto at hindi pa nalalagdaang form ng Panunumpa sa Katungkulan (ang pangalan sa mga form ay dapat na tumutugma sa ID na ipinapakita)
  3. Identification na inisyu ng pamahalaan
  4. Bayad sa Notaryo

Tandaan: Dapat eksaktong nagtutugma ang mga pangalan sa komisyon, bond, at panunumpa

3. Magpadala ng mga dokumento at bayad sa County Clerk sa pamamagitan ng certified mail

  1. Isang photocopy ng inyong Commission Certificate na inisyu ng CA Secretary of State
  2. Orihinal na Notary Bond para sa $15,000 (ang bond ay dapat na may basang lagda)
  3. Dalawang (2) kinumpleto at form ng Panunumpa sa Katungkulan na nilagdaan ninyo at ng notaryong nagdaos ng panunumpa (ang pangalan sa mga form ay dapat na tumutugma sa ID na ipinapakita).
  4. Isang self-addressed at naka-stamp na sobre
  5. Bayad sa Filing at Pag-record ng Bond

Tandaan: Dapat eksaktong nagtutugma ang mga pangalan sa komisyon, bond, at panunumpa

Tandaan: Responsibilidad ng notaryo na idaos ang oath, at lagdaan at i-stamp ang ibabang bahagi ng panunumpa. Hindi sila puwedeng magdagdag ng jurat o pahina ng acknowledgment, dahil hindi ito nagsisilbi bilang pagdaraos ng panunumpa.

Espesyal na mga kaso

Paano maging isang Notaryo Publiko

Paano maging isang Notaryo Publiko

Para maging isang Notaryo Publiko sa California, kakailanganin ninyong makipag-ugnayan sa Secretary of State Notary Public Division para sa mga alituntunin at pagpaparehistro bilang isang bago o nagre-renew na notaryo publiko:

Sa telepono: (916) 653-3595

Online: Notaryo Publiko ng California Secretary of State

Pagsuko ng mga Notary Journal

Pagsuko ng mga Notary Journal

Kung ang isang notaryo publiko ay magbibitiw, madi-disqualify, matatanggal sa katungkulan, o hahayaan niyang mapaso ang kanyang pagkakahirang nang hindi mahihirang muli sa loob ng 30 araw, ang lahat ng record at papeles ng notaryo ay ihahatid sa loob ng 30 araw sa County Clerk ng county kung saan nakatabi ang kasalukuyang opisyal na panunumpa sa katungkulan ng notaryo publiko.

Ipadala ang (mga) journal at bayad sa pamamagitan ng Certified Mail sa:

Opisina ng County Clerk

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place

City Hall, Room 168

San Francisco, CA 94102

Mahalagang Tandaan: Ang unang pahina ng bawat Notary Journal ay dapat punan ng pangalan ng notaryo, commission number, petsa ng expiration, at address para sa mga layunin ng identification at indexing.

Humingi ng tulong

Office of the County Clerk

Opisina ng County Clerk
City Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102

Mon to Fri, 8:00 am to 4:00 pm Mga Oras ng Pagpoproseso

View location on google maps

Sarado sa mga pista opisyal.

California Secretary of State

Legal na Impormasyon sa Filing ng Mga Notaryo Publiko

Legal na Impormasyon sa Journal Surrender

Legal na Impormasyon sa Official Seal ng Notaryo Publiko

Last updated December 16, 2022