PAHINA NG IMPORMASYON
Access sa wika
Alamin ang tungkol sa mga serbisyo at mga materyales sa wika upang makatulong sa bawat botante na bumoto sa kanilang pinipiling wika.
Alamin ang mga serbisyong mayroon sa:
Personal na tulong
Ang aming mga bilingguwal na mga manggagawa sa botohan ay handang tumulong buong taon. Maaari kayong tumawag, mag-email, o makipag-usap sa isa sa amin nang personal sa inyong wika. Kung wala sa amin ang nakapagsasalita ng inyong wika, maaari din kaming makipag-usap sa pamamagitan ng interpreter sa mahigit 200 wika.
Sa mga lugar kung saan makaboboto nang personal, ang aming mga manggagawa sa botohan ay nagsusuot ng mga nametag na may mga wikang kanilang sinasalita.
Mga Balota at Pamplet ng Impormasyon para sa Botante
Nagaalok kami ng mga opisyal na balota at mga Pamplet ng Impormasyon para sa Botante sa Tsino, Espanyol, o Filipino. Simul asa 2026, magkakaroon din ng mga materyales sa Vietnamese.
Mga isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon, ipadadala namin sa inyo ang isang balota at pamplet para sa botante sa Ingles atsa wikang inyong pinili.
Maaari kayong humiling na makatanggap ng mga materyales sa eleksyon sa pinipili ninyong wika sa pamamagitan ng aming Portal ng Botante.
Maaari din ninyong makuha ang balota sa wikang gusto ninyo sa pamamagitan ng sistema ng aksesibleng vote-by-mail o sa pagtatanong sa isang manggagawa sa botohan sa anumang lugar ng botohan.
Maaari ninyong basahin o hilinging makuha ang gabay ng estado para sa botante sa maraming wika sa website ng Kalihim ng Estado.
Mga sangguniang balota
Nagaalok kami ng mga sangguniang balota sa wikang Koreano, Hapones, Thai, at Burmese sa bawat lugar ng botohan. Maaari kayong sumangguni sa sangguniang balota habang minamarkahan ninyo ang inyong opisyal na balota.
Maaari kayong humiling na makatanggap ng isang sangguniang balota sa pamamagitan ng koreo o email sa pamamagitan ng aming Portal ng Botante. Maaari din kayong magtanong sa manggagawa sa botohan.
Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Wika
Nagtatrabaho ang Komiteng ito para gawing mas madali ang pagboto ng mga indibidwal na hindi nagsasalita ng Ingles. Para makasali sa grupong ito, bisitahin ang pahina na Sumali sa mga Komite ng mga Tagapayo.