Community Ambassadors Program

Ang Community Ambassadors Program (CAP) ay programa ng San Francisco para sa pakikipag ugnayan sa kapitbahayan at para sa pang kaligtasan ng komunidad.

Community Ambassador Schevonne smiles at the camera

Kung ano ang ginagawa namin

Ang Community Ambassadors Program (CAP) ay programa para sa  pakikipag ugnayan sa kapitbahayan at pangkaligtasan ng komunidad. Kami ay nakikipag ugnayan, nagbibigay kaalaman, at tumutulong sa mga miyembro ng komunidad ng San Francisco. Ang CAP ay nagsisilbing presensya sa mga komunidad na madaling makita, subalit hindi tagapagpatupad ng batas. Ang pagtutok na ito sa kaligtasan ng komunidad ay tumutulong sa amin na bumuo ng tiwala, magpahinahon ang mga tensyon, at iwasan ang karahasan.

Mga serbisyo:

  • Magsilbing safety escorts: Ang mga residente ay maaaring humiling ng kasama sa paglalakad (safety escort) sa mga kapitbahayan kung saan kami nagtatrabaho
  • Mag ulat patungkol sa emergensiya: nakikipag ugnayan kami sa mga serbisyong pang medikal at emergensiya para sa mga miyembro ng komunidad na nasa krisis
  • Mag ulat sa mga panganib: Tinatawagan namin ang SF311 at mga kagawaran ng Lungsod para ipaalam sa kanila ang mga panganib, mga lansangang nangangailangan ng paglilinis, graffiti at iba pang mga problema 
  • Magsagawa ng wellness checks: kinakamusta at inaalam namin ang kalagayan ng mga indibidwal na nasa pampublikong lugar 

 

Kung saan kami naglilingkod

Ang mga Community Ambassador ay naglilingkod sa mga kapitbahayan na binubuo ng iba't ibang lahi, upang itaguyod ang kaligtasan at para mai ugnay ang naninirahan dito sa kaukulang serbisyo. Tumutulong kami sa mga taga San Francisco na maliit ang sahod, na nakararanas ng kawalan ng tirahan, nagsasalita ng wika maliban sa Ingles, mga matatanda at iba pa.

Kasalukuyang naglilingkod ang programa ng Community Ambassadors sa mga sumusunod na kapitbahayan:

  • Bayview/Visitation Valley/Portola
  • Chinatown
  • Haight-Ashbury, Lower Haight, Hayes Valley at Fillmore
  • Mid-Market/Tenderloin
  • Mission
  • Outer Sunset

Kung sino sila

Ang aming mga Community Ambassador ay kadalasang nakatira sa mga kapitbahayan kung saan sila naninilbihan. Dala nila ang sari-saring mga karanasan na hango sa buhay sa kanilang gawain. Marami ang matagal nang taga San Francisco, mga imigrante, dating mga walang tirahan, o mga nag babagong buhay at pabalik sa kawan ng mga nagtatrabaho.

Kapag pinagsama-sama, ang mga miyembro ng koponan ay nagsasalita ng mahigit sa 8 wika, kabilang ang: Kastila, Cantonese, Mandarin, Filipino, Ruso, Vietnamese at Samoan.

Gumagamit  ang CAP ng kaalaman tungkol sa trauma at mga pamamaraang nakasentro sa komunidad sa pagharap sa kanilang mga gawain.

Bilang isang programa sa ilalim ng workforce development, binibigyan ng pagsasanay ang mga Ambassadors sa iba't ibang paksa. Ang mga pagsasanay na ito ay pinamumunuan ng mga lokal na dalubhasa sa komunidad na ang trabaho ay tungkol sa pag iwas sa  karahasan, kung paano mamagitan sa krisis, kawalan ng tirahan, pagpapa hinahon ng mga alitan, at higit pa

 

Ilan sa mga pagsasanay at sertipikasyon na tinapos ng bawat  miyembro ng koponan sa CAP ay: 

  • Alive & Free Prescription pagsasanay sa pag iwas sa karahasan  
  • Pagsasanay sa pagiging sensitibo sa damdamin ng mga walang tirahan at sa mga may karamdaman sa pag iisip
  • Mga hakbang para sa pag papahinahon gamit ang kaalamang hango sa trauma 
  • Implicit bias, kaalaman tungkol sa mga mag kakaiba at pagkakaiba ng  kultura, at pag iwas sa panliligalig 
  • Propesyonal na pag-unlad (Professional development) at mga kasanayan sa kompyuter (computer skills)
  • CPR at First Aid 
  • Pagsasanay sa NARCAN / pag babawas sa pinsala 
  • Pagsasanay sa Neighborhood Emergency Response Team (N.E.R.T)
     

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa overdose prevention programs and resources sa San Francisco. 

San Francisco Community Ambassador puts a paper wristband on person at an event.

Ang aming kasaysayan

Ang CAP ay programa ng Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA). Nagsimula ang CAP nuong 2010 sa kapitbahayan ng Bayview at Visitacion Valley para tugunan ang tensyon mula sa magkakaibang kultura at wika, pagtaas ng karahasan, at nang pangangailangan para sa mas mabuting mga paraan para sa kaligtasan ng komunidad.

Mula nuon, ang programa ay pinalawak sa  maraming kapitbahayan at patuloy sa pag unlad. Ang aming mga Ambassador ay taga San Francisco na sumasalamin ng mga mag kakaibang komunidad ng lungsod 

Panoorin ang SFGovTv's "Being SF / Community Ambassadors" feature para makita para sa iyong sarili kung ano ang itsura ng isang araw sa buhay ng mga Ambassador.

Maging Community Ambassador

Kami ay patuloy na tumatanggap ng mga bagong Ambassador. Alamin kung paano kayo makaka pag apply para maging Community Ambassador.

O kaya naman ay makipag ugnayan sa amin sa  community.ambassadors@sfgov.org

Two Community Ambassadors guide students across the street in the Tenderloin neighborhood
Last updated May 19, 2022