PAHINA NG IMPORMASYON

2020 Census at redistricting

2020 Census

Kinakailangan ng Konstitusyon ng Estados Unidos na magsagawa ang pamahalaang pederal ng kumpletong bilang at demograpikong impormasyon ng lahat ng naninirahan sa bansa kada sampong taon. Ang proyektong pagbilang na ito, o “Federal Decennial Census,” ay isinasagawa ng “United States Census Bureau” at huling isinagawa noong 2020. Inaasahan ng Census Bureau na ilabas ang data sa Setyembre 2021, may delay ng ilang buwan dahil sa COVID-19. Alamin pa ang tungkol sa 2020 Census.

Redistricting

Kasunod ng paglalabas ng 2020 Federal Decennial Census data, kailangang i-adjust ang mga boundary line ng iba't ibang bumubotong distrito para manatiling relative ang bilang ng mga residente ng bawat distrito. Tinatawag ang prosesong ito na “redistricting”.

Sa California, ang redistricting ay magpapaloob ng muling pagguhit ng mga state legislative at congressional district line. Sa San Francisco, ang redistricting ay magpapaloob ng muling pagguhit ng mga Supervisorial district line. Tingnan ang kasalukuyang mapa ng distrito ng San Francisco (PDF).

Mga state at federal district line

Noong Nobyembre 2008, ipinasa ng mga botante sa California ang Voters FIRST Act, na nagbigay awtorisasyon sa pagbuo ng state Independent Citizens Redistricting Commission (ICRC). Sa 2021-2022, muling iguguhit ng ICRC ang mga linya ng Congressional, Senate, Assembly, at Board of Equalization districts ng California. Ang ICRC, na binubuo ng 14 na miyembro (5 Republican, 5 Democrat, at 4 na hindi kabilang sa alinman sa dalawang partido), ay inaasahang matatapos ang proseso ng redistricting ng estado sa Pebrero 2022. Alamin pa ang tungkol sa ICRC.

Mga supervisorial district line sa San Francisco

Ayon sa Charter ng San Francisco, kapag nagpapakita ang bagong census data na hindi pantay ang populasyon sa mga Supervisorial district ng San Francisco, dapat ipaalam ito ng Direktor ng Halalan sa Lupon ng Mga Superbisor.  Kinakailangan naman na magtipon ang Lupon ng mga Superbisor ng isang Redistricting Task Force (RTF) para ayusin ang mga Supervisorial District line. Ang RTF, na bubuoin ng 9 na miyembro (ang Mayor, ang Lupon ng mga Superbisor, at ang Komisyon ng Halalan na magtatalaga ng tig-3 miyembro), ay dapat makumpleto ang prosesong ito bago ang Abril 15 ng taon kung kailan magaganap ang susunod na naka-iskedyul na halalan para sa mga miyembro ng Lupon ng mga Superbisor. Dahil nakatakda ang susunod na eleksyon para sa Nobyembre 8, 2022, inaasahan ang RTF na maglabas ng nirebisang lokal na mga mapa ng distrito bago ang Abril 15, 2022.

Partisipasyon

Hinihikayat ang mga miyembro ng publiko na makilahok sa anumang pagpupulong na gagawin ng San Francisco Redistricting Task Force — bukod sa pagbibigay ng mga general comment, inaanyayahan ang sinuman na magsumite ng proposed boundary lines sa alinman o lahat ng Supervisorial district ng Lungsod.

Hinihikayat din ang mga miyembro ng publiko na makilahok sa anumang “public input hearings” na gagawin ng California Independent Citizens Redistricting Commission. Makakuha ng higit pang impormasyon kung paano makilahok sa mga public input hearing.

Pakitandaan na ang redistricting process para sa San Francisco Police Department Station Boundaries ay hindi pinamamahalaan ng San Francisco Redistricting Task Force.  Ang San Francisco Police Department at San Francisco Police Commission ang namamahala sa proseso para sa iminumungkahing mga update sa mga district station boundary at ang pag-solicit ng input mula sa publiko.

Pagboto pagkatapos ng redistricting

Maaaring magbago ang mga boundary ng isa o higit pang distrito kung saan ka nakatira (gaya ng iyong supervisorial o congressional district). Sa kasong iyon, maaaring magbago ang isa o higit pang political representative mo. Hanapin ang iyong kasalukuyang mga political representative.

Puwede mong i-review ang bagong impormasyon ng voting district sa sfelections.org/mydistrict kapag natapos ng Independent Citizens Redistricting Commission at ng Redistricting Task Force ang kanilang trabaho sa Pebrero 2022 at April 2022.

Mga paksa