Anong gagawin
You cannot reschedule a civil marriage or domestic partnership ceremony appointment. You must cancel your appointment in-person or through the online booking system. You will NOT get your money back.
1. Magpa-appointment
Dapat ninyong bayaran ang inyong seremonya sa pamamagitan ng credit card sa oras ng pag-iiskedyul.
Available ang mga appointment para sa seremonya kada kalahating oras sa pagitan ng 9 am at 3:30 pm, Lunes hanggang Biyernes.
Hindi kayo makakapili ng lokasyon ng inyong seremonya. Itatalaga kayo sa isang kuwarto batay sa kung ano ang available. Kasama sa mga posibleng kuwarto ang aming pribadong kuwarto ng seremonya o ang rotunda sa City Hall.
2. Imbitahan ang inyong mga bisita at saksi
Pinapayagan kayong magkaroon ng hanggang 6 na bisita sa kabuuan. Kasama sa bilang ng bisita ang sinumang photographer, videographer, bata, saksi, atbp.
Para sa Pampublikong Seremonya ng Kasal, dapat ay mayroon kayong 1 saksi sa inyong seremonya.
Para sa Kumpidensyal na Seremonya ng Kasal, walang kailangang saksi.
*Hindi maaaring magsilbing saksi para sa mga seremonya ng kasal ang tauhan ng County Clerk. Kayo ang responsable sa pagbibigay ng sarili ninyong saksi.
3. Dalhin ang inyong lisensya sa pagpapakasal
Dalhin ang inyong original na lisensya sa pagpapakasal na ibinigay ng pamahalaan sa araw ng inyong seremonya. Hindi mabibili ang mga ito sa parehong araw ng inyong seremonya.
4. Pumunta sa araw ng inyong seremonya
Dumating 15 minuto bago ang inyong naka-iskedyul na appointment.
Maging handa para sa inyong appointment ng kasal sa huwes dala ang mga sumusunod:
- Valid, tunay, at legal na photo identification na ibinigay ng pamahalaan para sa bawat tao
- Isang valid at hindi pa nag-expire na lisensya sa pagpapakasal na ibinigay ng County ng California. Hindi tinatanggap ang mga photocopy.
- 1 saksi kung magpapakita kayo ng pampublikong lisensya sa pagpapakasal.
- Hindi kailangan ng saksi kung magpapakita ng kumpidensyal na lisensya sa pagpapakasal.
Inaanyayahan ng Administrador ng Lungsod ng San Francisco na si Carmen Chu at ng Opisina ng County Clerk ang mga magkatipan na ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan at magpakasal sa isang espesyal na pagdiriwang ng LGBTQ+ Pride sa San Francisco City Hall. Ang County Clerk ay magbubukas ng dagdag na mga appointment sa seremonya ng kasal sa Biyernes, Hunyo 23, 2023—ang Biyernes bago ang sikat sa buong mundo na San Francisco Pride Parade and Celebration.
Humingi ng tulong
Office of the County Clerk
Opisina ng County ClerkCity Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 4:00 pm
Mga Oras ng Pagpoproseso
Sarado sa mga pista opisyal.
Phone
Mga Opsyon sa Venue ng Kasal sa San Francisco
Last updated September 18, 2023