Mga Kandidato

Pinaglilingkuran ng aming tanggapan ang mga kandidato para sa lahat ng panlokal na katungkulan.

Tingnan ang listahan ng mga Kandidato sa Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo, Marso 5, 2024

Tingnan ang listahan ng mga Kandidato sa Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon, Nobyembre 5, 2024

Dapat sumunod sa maraming batas ang mga tumatakbo para sa katungkulan sa San Francisco. Tinutulungan ng aming tanggapan ang mga lokal na kandidato na maintindihan ang mga batas na iyon. Sinusubaybayan din namin ang pag-file ng mga papeles. (Maraming mga form ang makukuha sa ibaba.)

Hinihikayat namin ang mga lokal na kandidato na kompletuhin ang lahat ng kinakailangang hakbang sa pag-file bago ang mga deadline. Bibigyan kayo nito ng sapat na oras upang itama ang anumang kamalian. Maaari kayong magpa-iskedyul ng appointment o tumawag sa amin sa 415-554-4375 para sa anumang mga katanungan.

Pangkalahatang mga Rekurso para sa mga Kandidato

  • Iskedyul ng mga workshop para sa mga kandidato (paparating na). Nagaalok kami ng mga workshop para sa mga usapin tulad ng pirma kapalit ng mga bayarin sa pag-file, paraan ng pag-nomina, mga drive para sa pagpaparehistro ng mga botante.
  • Marso 5, 2024 - Kalendaryo. Nililista namin sa kalendaryong ito ang lahat ng mga kaganapan para sa eleksyon na may petsa ng pagsisimula at pagtatapos, maikling paglalarawan, at ang legal na batayan nito. Gamitin ang dropdown para salain ang kalendaryo batay sa katungkulan.
  • Marso 5, 2024 - Gabay para sa Kandidato ng mga Sentral na Komite ng County at Konseho ng County (PDF). Ipinapaliwanag ng gabay na ito kung sino ang maaaring tumakbo para sa Sentral na Komite ng County o Konseho ng County ng isang politikal na partido sa San Francisco at kung paano ito gagawin. Kasama rito ang impormasyon tulad ng elihibilidad, mga bayarin sa paghahain ng kandidatura, mga form, at mga deadline.
  • Marso 5, 2024 - Gabay para sa Kakandidato bilang Hukom ng Korte Superyor (PDF). Ang gabay na ito ay nagpapaliwanag kung sino ang maaaring tumakbo para sa Hukom ng Korte Superyor sa San Francisco at kung paano ito gagawin. Kasama rito ang impormasyon tulad ng elihibilidad, mga bayarin sa paghahain ng kandidatura, mga form, at mga deadline.
  • Nobyembre 5, 2024 - Kalendaryo. Nililista namin sa kalendaryong ito ang lahat ng mga kaganapan para sa eleksyon na may petsa ng pagsisimula at pagtatapos, maikling paglalarawan, at ang legal na batayan nito. Gamitin ang dropdown para salain ang kalendaryo batay sa katungkulan.
  • Nobyembre 5, 2024 - Gabay para sa Kakandidato para sa Lupon ng mga Superbisor at Mayor (PDF). Ipinapaliwanag ng mga gabay na ito kung sino ang maaaring tumakbo para sa katungkulan at kung paano ito gagawin. Kasama rito ang impormasyon tulad ng elihibilidad, mga bayarin sa pag-file, mga form, at mga deadline.
  • Nobyembre 5, 2024 - Gabay para sa Kakandidato sa iba pang Panlokal na Katungkulan (PDF)Ipinaliliwanag ng Gabay na ito kung sino ang maaaring tumakbo para sa iba pang lokal na katungkulan at kung paano ito gagawin. Kasama rito ang impormasyon tulad ng elihibilidad, mga bayarin sa pag-file, mga form, at mga deadline.
  • Aplikasyon para sa impormasyon ukol sa rehistrasyon ng mga botante (PDF).  Maaaring makuha at magamit ng mga kandidato ang datos na ito para sa mga partikular na layuning kaugnay ng eleksyon. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mismong aplikasyon. Kung hindi kayo sigurado kung kuwalipikado kayong tumanggap ng datos na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.

Pinangangasiwaan ng Kalihim ng Estado ang proseso ng pag-file para sa mga katungkulang pang-estado at pampederal. Bisitahin ang website ng SOS para sa impormasyon, mga deadline, at patnubay.

Mga Rekurso ukol sa Pagpipinansiya para sa mga Kandidato

Tumutulong ang Fair Political Practices Commission (FPPC) sa pangangasiwa at pagpapatupad sa mga batas sa pananalapi at pagpipinansiya ng kampanya.

Dapat kompletuhin ng lahat ng lokal na kandidato ang mga form ng FPPC upang ibunyag ang ilan sa partikular na detalye sa kanilang pananalapi. Kabilang dito ang mga kontribusyon at paggasta sa kampanya, mga salungatan ng interes, at mga gastusin sa lobbying. Ang ilan sa mga form ay dapat isumite sa aming tanggapan, at ang iba naman sa San Francisco Ethics Commission o sa Kalihim ng Estado ng California.                   

Gumagawa ang FPPC ng mga rekurso para sa mga kandidato tulad ng Campaign Disclosure Manual 2 at Filing Schedule. Dagdag pa rito, naglalathala ang San Francisco Ethics Commission ng pangkalahatang gabay na may impormasyon tungkol sa pananalapi ng kampanya at mga paglalantad.

Mga form ng FPPC na isusumite sa Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco (mga orihinal) o sa San Francisco Ethics Commission (mga orihinal)

Mga form ng FPPC na isusumite sa Kalihim ng Estado ng California (mga orihinal) at sa Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco (mga kopya)

Mailer organization forms ng FPPC Slate na isusumite sa Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco (mga orihinal)

Iba pang mga Rekurso

 

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated September 14, 2023