Mag-apply para sa isang gawad sa anchor storefront sa komunidad

Ang SF Relief Grant ay sarado at hindi na tumatanggap ng mga aplikasyon.

Anong gagawin

1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo

Ang inyong negosyo ay dapat na:

  • Maging isang storefront na bukas sa publiko
  • Mayroong mas mababa sa $2.5M na gross na kita noong 2020
  • Nawalan ng hindi bababa sa 25% ng inyong kita mula 2019 hanggang 2020
  • May hindi bababa sa average na 5 full-time na empleyado (FTE) mula Pebrero 2019 hanggang Pebrero 2020 

Ang mga empleyado ay mga manggagawa na iniuulat ang kita sa Employment Development Department (EDD) at nakakatanggap ng W2. Kinakalkula namin ang mga full-time na katumbas na mga empleyado (FTE) kung saan ang full-time ay 1 FTE at part-time ay 0.5 FTE.

Ang mga part-time na empleyado ay sinumang nagtatrabaho nang mas mababa sa 40 oras kada linggo sa karaniwan.

Dapat ding matugunan ng inyong negosyo ang kahit 1 sa mga kinakailangang ito:

  • Nagsimula bago sumapit ang Disyembre 31, 2006 o
  • Maging live entertainment venue o sinehan
  • Nagsimula bago sumapit ang Disyembre 31, 2016 at matatagpuan sa isang Cultural District o komersyal na daan sa Kapitbahayan ng Oportunidad ng Invest In Neighborhoods

2. Mangolekta ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo

Tatanungin namin kayo tungkol sa:

  • Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi ninyo ito alam, pwede ninyo itong hanapin
  • Inyong mga 2020 na gross na resibo
  • Ang inyong average na part-time at full-time na mga empleyado mula Pebrero 2019 hanggang Pebrero 2020

3. Complete and sign a W9

We need a completed and signed W9 to process your grant application.

It will be faster if you upload it with your application, but you can submit it later.

Here is a blank W9 form (PDF).

You can upload it in the form.

3. Mag-apply

Mayroon kaming ilang tanong sa inyo para suriin kung karapat-dapat kayo para sa gawad.

Mayroon din kaming mga tanong sa inyo para suriin kung karapat-dapat kayo para sa ibang gawad na kasalukuyang bukas.

Aabutin ito nang humigit-kumulang 15 minuto.

4. Hintayin ang aming email

Mag-e-email kami sa inyo sa loob ng 30 araw para ipaalam sa inyo ang katayuan ng inyong aplikasyon.

5. Kolektahin ang mga dokumento mula sa inyong email ng kumpirmasyon

Kung karapat-dapat kayo, ie-email namin sa inyo ang mga dokumentong kailangan ninyong isumite para matapos ang pag-a-apply.

Kakailanganin ninyong kolektahin ang:

  • Patunay ng 25% pagbaba sa kita gaya ng mga bank statement, dokumento sa pabubuwis, o ulat mula sa inyong accounting software o sistema ng point of sale
  • Dokumentasyon mula sa Employment Development Department (EDD) para sa inyong mga empleyado simula Pebrero 2020

6. Isumite ang inyong mga dokumento

Gamitin ang link sa inyong email ng kumpirmasyon para isumite ang inyong mga dokumento.

Kakailanganin din ninyong sabihin sa amin ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at ang inyong BAN.

Humingi ng tulong

Phone

Opisina ng Maliliit na Negosyo

Last updated November 23, 2021