Tulong para sa mga immigrant sa panahon ng coronavirus

Mga update sa imigrasyon at pinansyal na resource para sa mga immigrant sa panahon ng outbreak ng coronavirus.

Mga update sa imigrasyon

Mga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho 

Ang mga DACA holder ay puwedeng makatanggap ng mga benepisyo sa California. Available ang mga benepisyong ito kung ikaw ay natanggal sa trabaho o nawalan ng mga oras dahil sa krisis sa coronavirus. Tingnan kung ikaw ay kwalipikadong mag-apply para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho.

Walang Epekto sa Pampublikong Singil

HINDI epektibo ang panuntunan sa pampublikong singil sa panahon ng COVID-19 pandemic. Hindi isasaalang-alang ang mga pagsusuri para sa COVID-19 alinsunod sa bagong panuntunan sa pampublikong singil. Walang sinuman ang dapat umiwas sa pag-access sa paggamot dahil sa takot sa pagkakaroon ng pampublikong singil.

Hindi rin isinasaalang-alang ang mga benepisyo sa kawalan ng trabaho alinsunod sa pagsusuri sa pampublikong pagsingil. 

Pagpapatupad ng ICE 

Sa panahon ng outbreak ng coronavirus, sinabi ng Pagpapatupad ng Imigrasyon at Customs (Immigration and Customs Enforcement, ICE) na hindi magpapatupad ng mga operasyon sa pagpapatupad sa o malapit sa mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan. Kasama rito ang mga ospital, opisina ng mga doktor, pangkalusugang klinika, at pasilidad sa pangangalaga sa emergency o pasilidad sa aragang pangangalaga. Dapat kang kumuha ng medikal na tulong kung kailangan mo ito.

Mahalagang malaman ang iyong mga karapatan sa Immigration and Customs Enforcement (ICE). 

Kung sa palagay ninyo ay may nakikita kayong Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa San Francisco, maaari mong tawagan ang hotline ng Mabilis na Tugon.

Tulong para sa legal na serbisyo sa imigrasyon 

Ang mga provider ng legal na serbisyo ng komunidad ay nagpapatakbo pa rin sa panahon ng outbreak ng coronavirus. Available sila sa pamamagitan ng telepono at email. Tumawag sa isang organisasyon para makatanggap ng legal na tulong sa iyong sariling wika.

Tulong-pinansyal para sa mga immigrant sa Bay Area

Ang panukalang batas sa coronavirus stimulus ay tumulong na sa milyon-milyong American. Pero, hindi nagbigay ang panukalang batas na ito ng tulong para sa maraming residente, kasama ang mga hindi dokumentadong immigrant.

Maraming iba pang paraan para makatanggap ka ng tulong. Kailangan mong magsagot ng aplikasyon sa karamihan ng resource na ito. Kung hindi available ang isang resource, dapat kang bumalik ulit para sa updated na impormasyon.

Undocufund SF

Tumutulong ang Undocufund SF sa mga hindi dokumentadong manggagawa at pamilya. Puwede kang tumanggap ng tulong kung ikaw ay nakatira, nagtatrabaho, o kamakailang nawalan ng trabaho sa San Francisco dahil sa COVID-19.

Pondo ng Mission Asset (Mission Asset Fund) Pondo para sa Mga Immigrant na Pamilya (Immigrant Families Fund)

Ang pondong ito sa mabilis na pagtugon ay nagbibigay ng tulong sa emergency para sa mga immigrant, mag-aaral, at manggagawa. Mag-apply ngayon

Pondo sa Pagtugon ng Mga Konseho sa Paggawa ng Bay Area (Bay Area Labor Councils Response Fund)

Ang mga miyembro ng unyon ng SF na hindi kwalipikado para sa EDD o SDI ay puwedeng makatanggap ng isang beses na tulong sa pagbabayad ng renta, bayarin sa utilidad, o mga grocery, na hanggang $500. Tumawag sa 415-440-4907 at mag-iwasn ng mensahe para mag-apply.

California Disaster Relief Assistance for Immigrants (DRAI)

Natapos ang mga aplikasyon noong Hunyo 30, 2020. Hindi na tumatanggap ng mga bagong aplikasyon. 

Pondo sa Relief para sa Migrant na Kabataan (Migrant Youth Relief Fund) (Bay Area)) 

Tumutulong ang pondong ito sa mga migrant na kabataan sa Bay Area, na 15-30 taong gulang. Tumutulong din ito sa isang tagapag-alaga ng migrant na kabataan, na 0-20 taong gulang. Mag-apply ngayon.

Mutual na Pondo sa Relief sa SF Bay Area (SF Bay Area Mutual Relief Fund) 

Puwede kang makatanggap ng pinansyal o iba pang tulong, tulad ng pagpapadala ng grocery, kung isa kang residente ng Bay Area. Sagutan ng form na ito para makatanggap ng tulong.

Pondo sa COVID-19 ng Somos Familia para sa mga LGBTQI+ Latinx na indibidwal (Somos Familia COVID-19 Fund for LGBTQI+ Latinx individuals) 

Makakatanggap ka ng tulong-pinansyal kung itinuturing mo ang iyong sarili na LGBTQI+ at Latinx. 

Pondo sa COVID-19 ng Techqueria para sa mga hindi dokumentadong manggagawa

Puwede kang makatanggap ng  tulong-pinansyal kung isa kang hindi dokumentadong immigrant sa Bay Area. 

Pondo sa Relief para sa Mga Hindi Dokumentado sa Oakland (Oakland Undocumented Relief Fund)

Puwede kang makakuha ng tulong kung isa kang hindi dokumentadong manggagawa na nakatira sa Oakland.

Pondo para sa Mga Hindi Dokumentado sa Sonoma County 

Puwede kang makakuha ng tulong kung isa kang hindi dokumentadong manggagawa na nakatira sa Sonoma County.

Pondo sa COVID-19 ng Root & Rebound (Root & Rebound COVID-19 Fund)

Puwede kang makatanggap ng tulong kung naikulong ka kamakailan sa California. Nag-aalok ang Root & Rebound ng mga gift card na hanggang $100 para sa mga pangunahing pangangailangan. 

Iba pang pinansyal na resource

Iba pang kapaki-pakinabang na resource

Mga benepisyo para sa publiko 

Available ang isang malawak na pagpipilian ng mga benepisyo sa publiko para sa mga immigrant, kasama ang pagkain, pangangalaga sa bata, at tulong sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng Ahensya ng Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency).

Mga Resource sa Latino Task Force

Kalusugan, pagkain, trabaho, edukasyon, at iba pang resource na nauugnay sa COVID-19. Available ang mga resource sa English, Spanish, at Maya.

Mga libreng pagkain o meal 

Kalusugan ng pag-iisip 

Healthy San Francisco

Puwede mong gamitin ang Healthy San Francisco anuman ang status mo sa imigrasyon. Puwede ka pa ring makatanggap ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng coronavirus outbreak Matuto pa.

Last updated August 3, 2020