Tumanggap ng tulong para sa legal na serbisyo sa imigrasyon

Humanap ng mga libre o murang legal na serbisyo sa imigrasyon na nasa inyong wika.

Anong gagawin

1. Alamin kung anong tulong ang kailangan ninyo

Sumagot ng ilang tanong tungkol sa kung nasaan kayo at ano ang inyong status. Hindi namin hihingin ang inyong pangalan o hindi namin itatabi ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa amin.

Kung alam na ninyo kung ano ang hinahanap ninyo, maaari kayong pumunta nang direkta sa uri ng serbisyo sa imigrasyon na kailangan ninyo.

2. Kumuha ng listahan ng mga organisasyong makakatulong sa inyo

Makakakuha kayo ng listahan ng mga organisasyong pangkomunidad na makakatulong sa inyo. Makakahanap kayo ng tulong sa inyong sariling wika at grupong malapit sa inyo.

Para humingi ng tulong sa inyong wika, tumawag sa 415-581-2360.

Kung mayroon kayong kaugnayan sa San Francisco, maaari kayong magpa-screen para sa imigrasyon, makakuha ng tulong sa aplikasyon para maging mamamayan o tulong sa pag-renew ng Naipagpalibang Aksyon para sa mga Dumating sa US bilang Bata (Deferred Action for Childhood Arrivals, DACA) nang walang bayad.

Pagtulong sa ibang tao

Kung may tinutulungan kayong imigrante, maaari kayong mag-print ng listahan ng mga organisasyon sa komunidad at maaari ninyo silang tulungang makakuha ng appointment.

Bakit natin sinusuportahan ang mga imigrante?

Dahil pinapahalagahan at tinatanggap natin ang ating mga komunidad ng mga imigrante, nagbibigay ang San Francisco ng mga naa-access at abot-kayang resource at serbisyo sa imigrasyon.

Humingi ng tulong

Immigrant Support Hub

Phone

Pangunahing linya ng Tanggapan ng Mga Kaganapan sa Pakikipag-ugnayang Sibiko at Pang-imigrasyon (Office of Civic Engagement & Immigration Affairs, OCEIA)

Last updated June 30, 2022