PAHINA NG IMPORMASYON
Outreach sa mga botante
Tinutulungan namin ang mga lokal na residente na maintindihan ang proseso sa pagboto.
Buong taon, tumutulong sa mga tao ang aming multilingguwal na outreach team para matutunan ang tungkol sa mga paparating na eleksyon, paano magparehistro para bumoto, at ang proseso sa pagboto.
Tinututukan namin na maabot ang mga tao na:
- Nagsasalita ng ibang wika bukod sa Ingles
- May mga kapansanan
- Walang tirahan o nanganganib mawalan ng tirahan
- Nasasangkot sa sistema ng hustisya
- Mga botanteng bata pa
Manatiling May-Alam sa pamamagitan ng aming Buwanang Newsletter para sa Komunidad!
Alamin ang pinakahuling mga update, nalalapit na mga kaganapan, at mahalagang impormasyon sa pagboto!
Marso 2025 Edition - Basahin ngayon!
Pebrero 2025 na Edisyon – Basahin ngayon!
Enero 2025 na Edisyon – Basahin ngayon!
Magpa-schedule ng outreach event
Kaya naming magbigay ng mga presentasyon tungkol sa mga paksa gaya ng:
- Paano magparehistro para bumoto
- Inyong mga opsiyon sa pagboto – sa pamamagitan ng koreo, nang personal, at higit pa
- Suporta sa wika at naisaling mga materyales
- Mga serbisyo at kagamitan sa aksesibleng pagboto
- Paano gumagana ang pagboto sa pamamagitan ng pagraranggo
- Pagboto ng mga hindi-mamamayan sa lokal na mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon
- Paano maging manggagawa sa botohan at maglingkod sa inyong komunidad
Maaari din kaming maglagay ng resource table sa inyong lugar, kung saan ang aming pangkat ay sasagot sa mga katanungan at tutulong sa inyong komunidad na maging handa sa eleksyon.
Para anyayahan kami, gamitin ang aming Event Request Form o tumawag sa 415-264-9445. Maaari rin ninyong tingnan ang aming Outreach Calendar para sa mga paparating na kaganapan.
Kumuha ng mga materyales sa outreach
Maaari ninyong gamitin ang aming Form para Humiling ng mga Materyales para mag-order ng mga papel na kopya ng mga materyales na ito sa Ingles, Tsino, Filipino, at Espanyol. Ang ilang mga materyales ay mayroon rin sa malalaking-letra na mga format. Simula sa 2026, magkakaroon din ng mga materyales sa Vietnamese.
- Kard para sa Bumoto sa inyong Pinipiling Wika!
- Pahusayin ang Language Access para sa SF Voters Flyer
- Polyeto ng Mga Eleksyon sa San Francisco: Ligtas at may Seguridad
- Flyer tungkol sa Mag-Paperless! Maging Green!
- Flyer tungkol sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
- Kard tungkol sa mga Bagong Pinagbobotohang Distrito
- Kard para sa Paunang Rehistro
- Kard para sa Botanteng Walang Permanenteng Address
- Flyer para sa Botanteng Nasasangkot sa Hustisyan
- Flyer tungkol sa Aksesibleng Pagboto
- Flyer tungkol sa Ranked-Choice Voting
- Kard para sa Katungkulan ng Manggagawa sa Botohan
- Gabay para sa Rehistrasyon at Pagboto para sa mga Hindi-Mamamayang Magulang at Tagapangalaga (Mayroon sa unang bahagi ng 2026)
- Flyer tungkol sa Pagboto ng Hindi-Mamamayan sa San Francisco (Mayroon sa unang bahagi ng 2026)
- Kard para sa Botanteng Walang Permanenteng Address
- Flyer tungkol sa Aksesibleng Pagboto
Maaari din kayong mag-download ng mga gusto ninyong presentasyon ukol sa mga paksang pang-eleksyon:
- Pinasimpleng Pagboto
- Pagboto nang may Kriminal na Nakaraan
- Mga Pagbabago sa Mapa ng Pinagbobotohang mga Distrito 2022
- Ranked-Choice Voting
- Mga mapagkukunan para sa aksesibleng pagboto
- Mga alituntunin tungkol sa voter registration drive*
*Pagkatapos ng presentasyong ito, iniimbitahan ang mga dadalo na humiling ng mga kopya ng mga affidavit sa pagpaparehistro ng botante sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Statement of Distribution (PDF), Digest of Penalties for Improper Voter Registration Actions (PDF), Statement of Circulator's Responsibilities and Liabilities (PDF).
Magbigay ng mungkahi ukol sa aming outreach
Bago ang bawat eleksyon, humihingi kami ng mungkahi mula sa publiko para sa aming plano sa outreach.
Ipinopost ang mga planong ito sa pahinang ito mga tatlong buwan bago ang eleksyon.
Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Wika
Nagtatrabaho ang aming Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Wika para mapabuti at mapalawak ang aksesibilidad sa mga mapagkukunan ng botante at serbisyo sa eleksyon para sa mga residenteng pangunahing nagsasalita ng wika maliban sa Ingles. Para sumali sa grupong ito, bisitahin ang pahinang Sumali sa mga Komite ng Tagapayo.
Outreach archive
Tingnan ang mga nakaraang presentasyon at materyales dito. (Malapit na)