Buong taong nagtatrabaho ang aming multilingual na outreach team na maikalat ang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng mga botante at proseso ng pagboto.
Tinututukan namin na maabot ang mga tao na:
- nagsasalita ng ibang wika bukod sa Ingles
- may mga kapansanan
- walang tirahan o nanganganib mawalan ng tirahan
- nasasangkot sa sistema ng hustisya
Magpa-schedule ng outreach event
Kayang magbigay ng aming mga kawani ng mga presentasyon tungkol sa mga sumusunod na paksa:
- pagpaparehistro ng mga botante
- mga opsiyon sa pagboto
- serbisyo para sa wika at isinaling mga materyales
- serbisyo para sa aksesibilidad at mga kagamitan
- ranked-choice voting
- serbisyo para sa mga manggagawa sa botohan
Maaari din kaming maglagay ng resource table sa inyong lugar.
Para anyayahan kami, gamitin ang aming Event Request Form o tumawag sa 415-554-5685. Tingnan ninyo rin ang aming Outreach Calendar para sa mga paparating pang kaganapan.
Kumuha ng mga materyales sa pag-abot
Maaari ninyong gamitin ang aming Form para Humiling ng mga Materyales para mag-order ng mga papel na kopya ng mga materyales na ito. Ipini-print namin ang mga ito sa Ingles, Tsino, Filipino, at Espanyol. Makukuha ang mga materyales na ito sa karaniwan at malalaking-imprenta na mga format.
- Flyer tungkol sa Marso 5, 2024 Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo
- Flyer tungkol sa Maging makakalikasan! Mag-paperless na!
- Flyer tungkol sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
- Kard tungkol sa mga Bagong Pinagbobotohang Distrito
- Kard para sa Paunang Rehistro
- Kard para sa Botanteng Walang Permanenteng Address
- Flyer para sa Botanteng Nasasangkot sa Hustisya
- Flyer tungkol sa Aksesibleng Pagboto
- Flyer tungkol sa Ranked-Choice Voting
- Kard para sa Katungkulan ng Manggagawa sa Botohan
Maaari din kayong mag-download ng mga gusto ninyong presentasyon ukol sa mga paksang pang-eleksyon:
- Pagboto para sa may Kriminal na Kasaysayan
- Mga Pagbabago sa Mapa ng Pinagbobotohang mga Distrito 2022
- Ranked-choice voting
- Mga rekurso para sa aksesibleng pagboto
- Mga alituntunin tungkol sa voter registration drive*
* Pagkatapos ng presentasyong ito, inaanyayahan ang mga dumalo na humiling ng mga kopya ng affidavit para sa rehistrasyon ng botante sa pamamagitan ng pagkumpleto sa Statement of Distribution (PDF), Digest of Penalties for Improper Voter Registration Actions (PDF), Statement of Circulator’s Responsibilities and Liabilities (PDF).
Magbigay ng mungkahi ukol sa aming pag-abot
Bago ang bawat eleksyon, humihingi kami ng mungkahi mula sa publiko para sa aming plano sa pag-abot. Bumalik sa panahon ng taglagas upang suriin at magkomento sa aming Plano sa Pag-abot para sa Marso 2024.
Nagtatrabaho ang aming Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Wika para mapabuti ang aksesibilidad ng lahat sa iba’t-ibang wika. Para sumali sa grupong ito, bisitahin ang pahinang Sumali sa mga Komite ng Tagapayo.
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated September 18, 2023