PAHINA NG IMPORMASYON

Pagboto nang personal

Maaari kayong bumoto sa isang lugar ng botohan o sa Sentro ng Botohan.

Bumoto sa Sentro ng Botohan sa City Hall

Bukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall sa lahat ng mga botante ng San Francisco at matatagpuan ito sa unang palapag ng City Hall.

Simula 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon, bukas ang Sentro ng Botohan:

  • Lunes hanggang Biyernes: 8 am hanggang 5 pm
  • 2 Sabado at Linggo bago ang Araw ng Eleksyon: 10 am hanggang 4 pm
  • Araw ng Eleksyon (laging Martes): 7 am hanggang 8 pm

Bumoto sa itinalaga para sa inyong lugar ng botohan

Sa bawat eleksyon, ang bawat lokal na botante ay itatalaga sa isa sa 501 na lugar ng botohan. Ipo-post namin ang listahan ng mga lugar ng botohan sa pahinang ito mga dalawang buwan bago ang susunod na eleksyon. Upang mahanap ang inyong lugar ng botohan, maaari ninyong gamitin ang aming Voting Site Wait Times Lookup Tool. (Ang tool na ito ay magagamit dawalang buwan bago ang susunod na eleksyon. Bumalik muli sa susunod.), i-check ang likod ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante o gamitin ang Portal para sa Botante.

Mga Isinalin na Materyales at Tulong sa Wika

Sa alinmang lugar ng botohan, maaaring humiling ang mga botante ng opisyal na balota sa Ingles at Tsino, Filipino, o Espanyol. Simula 2026, ang opisyal na mga balota ay magkakaroon din sa Ingles at Vietnamese.

Mayroon ding mga balotang facsimile sa Burmese, Hapones, Koreano, at Thai. Nakatutulong ang mga kagamitang ito para sa mga botante na mas gustong suriin ang impormasyon sa eleksyon sa kanilang wika bago markahan ang kanilang opisyal na balota.

Mayroong mga bilingguwal na mga manggagawa sa botohan para magbigay ng personal na tulong sa wika sa maraming mga lugar ng botohan. Kung wala sa lokasyon ang nakapagsasalita ng inyong wika, maikokonekta namin kayo sa isa sa aming mga tagasalin, na nakapagsasalita ng daan-daang mga wika, kabilang na ang American Sign Language.

Mga serbisyong aksesible

Aksesibleng mga pasukan

Aksesible ang Sentro ng Botohan sa City Hall at karamihan sa mga lugar ng botohan. Para kumpirmahin ang pagka-aksesible ng inyong lugar ng botohan, tingnan ang likod ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa botante.

Mga aksesibleng kagamitan

Bawat lugar ng botohan ay mayroong magagamit na lente para sa mga pahina, panghawak ng panulat, mauupuang puwesto sa pagboto, at aksesible sa wheelchair na mga voting booth. Mayroon ding aksesibleng ballot-marking device na may audio at touchscreen na balota ang bawat botohan.

Personal na tulong

Maaari ninyong pakiusapan ang manggagawa sa botohan na tulungan kayong markahan ang inyong balota. Puwede rin kayong magdala ng 1 o 2 tao (na hindi ninyo tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon) para tulungan kayo. Tandaan, walang ibang dapat na gumawa ng desisyon sa pagboto para sa inyo.

Pagboto sa gilid ng daan

Para bumoto sa gilid ng daan, tumawag sa 415-554-4310 o pakiusapan ang iba na pumasok sa botohan para gumawa ng hiling para sa inyo. Dadalhin ng manggagawa sa botohan ang inyong balota sa labas.

Mga hakbang sa pagboto nang personal

  1. Mag-check in sa isang manggagawa sa lugar ng botohan. Ibigay ang inyong pangalan at address sa manggagawa ng eleksyon na may hawak ng listahan ng mga botante.
  2. Piliin ang gusto ninyong wika at format ng balota. Kung wala kayong pinili, makakukuha kayo ng papel na Ingles/Tsino na balota.
  3. Pumunta sa puwesto para markahan ang inyong balota.Dalhin ang inyong mga materyales sa pagboto sa voting booth o sa isang aksesibleng estasyon ng botohan. Gawin ang inyong mga pagpili.
  4. Bumoto. Ipasok ang inyong balota sa scanning machine sa inyong lugar ng botohan.

O kung nakatanggap kayo ng pambalik na sobre, ipasok ang balota sa loob ng sobre. Punan ang sobre, at ihulog sa ballot box.

Bago kayo lumabas, kunin ang inyong “Bumoto ako!” na sticker at buong pagmamalaking isuot ito!

Sa pangkalahatan, hindi ninyo kailangang magpakita ng identipikasyon para makaboto. Tanging mga botante na hindi nagbigay ng identipikasyon noong sila ay nagparehistro ang kailangang magpakita nito o bumoto sa isang probisyonal na balota.

Pagboto nang Probisyonal

Makikita ninyo ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante sa nakatalaga ninyong lugar ng botohan lamang. Kapag pumunta kayo sa ibang lugar ng botohan, hindi ninyo makikita doon ang inyong pangalan sa listahan. Maaari pa rin kayong bumoto nang probisyonal sa balota doon, ngunit maaaring hindi nito nililista ang lahat ng mga labanan na nasa balota sa nakatalaga ninyong lugar ng botohan.

Kakailanganin din ninyong bumoto nang probisyonal kung:

  • Ipinapakita ng aming mga record na kayo ay nakaboto na sa eleksyon
  • May kulang na kinakailangang impormasyon sa inyong rehistrasyon

Kung kayo ay boboto nang probisyonal, makatatanggap kayo ng balota at probisyonal na sobre. Kailangang punan ninyo ang form ng rehistrasyon sa harap ng sobre at selyuhang mabuti ang mga kard ng inyong balota sa loob nito.

Ipo-proseso namin ang inyong form ng rehistrasyon at balota matapos ang Araw ng Eleksyon. Maaari ninyong masubaybayan ang inyong balota gamit ang Portal para sa Botante o ang Provisional Ballot Lookup tool. (Magagamit ang tool na ito dalawang araw pagkatapos ng Araw ng Eleksyon.)