Anong gagawin
1. Magpasya kung gusto ninyong maging equity incubator
Dapat makisosyo ang Mga Equity Incubator sa Equity Applicant sa kahit isa sa 2 paraan sa loob nang kahit 3 taon lang, sa pamamagitan ng pag-aalok ng:
- Espasyong libre ang upa. Dapat ninyong matugunan ang mga pamantayan para sa onsite o offsite na pagbibigay ng espasyo.
- Teknikal na tulong upang tulungan ang Mga Equity Applicant na patakbuhin ang kanilang negosyo.
Ang Mga Equity Incubator ay dapat ding:
- Kumuha ng mga lokal na tauhan na magtatrabaho nang hindi bababa sa 30% ng mga oras ng negosyo
- May mga tauhan kung saan ang kalahati sa kanila ay nakakatugon sa mga kundisyon para sa pagiging Equity Applicant
2. Sabihin sa Lungsod na gusto ninyong maging Equity Incubator
Pagkatapos ninyong magparehistro
- Makisosyo sa na-verify na Equity Applicant. Kapag nakapagparehistro na kayo, maaari na kayong humingi ng listahan ng mga na-verify na Equity Applicant mula sa Office of Cannabis.
- Padadalhan namin kayo ng numero ng pag-verify ng incubator. Bibigyan din namin kayo ng link sa bahagi 1 ng Aplikasyon ng Permit ng Negosyo ng Cannabis.
- Maghandang mag-apply para sa permit ng negosyo ng cannabis.
- Mag-apply para sa Permit ng Negosyo ng Cannabis (bahagi 1).
- Gumawa ng draft ng kasunduan ninyo ng Equity Applicant. Dapat matugunan ng kasunduang ito ang lahat ng Pag-aatas ng Lungsod para sa incubation.
- I-email ang kasunduang iyon sa Office of Cannabis para sa pagsusuri.
Humingi ng tulong
Office of Cannabis
Last updated June 30, 2022