PAHINA NG IMPORMASYON

Pagprotekta ng Mahahalagang Imprastraktura ng Eleksyon

Nagsisimula ang pagpapanatili ng integridad sa mga proseso ng eleksyon sa pag-secure ng mahahalagang imprastraktura ng eleksyon, kasama na dito ang sistema ng pagboto ng Lungsod, mga balotang binoto, at mga sistemang pang-IT. Basahin para malaman ang tungkol sa matataas na mga pamantayan at mahigpit na mga protokol na ginagamit para maprotektahan ang mahalagang imprastraktura ng eleksyon.

Mga Pananggalang sa Sistema ng Pagboto

Ang sistema ng pagboto ng San Francisco ay sertipikado ng Kalihim ng Estado ng California at ganap na sumusunod sa Mga Pamantayan sa Sistema ng Pagboto ng California. Ang mga bahagi ng sistema ng pagboto ay ang ImageCast Evolution Ballot-Scanning Machine, ang ImageCast X Ballot-Marking Device, at ang ImageCast Central Scanner. Sumusunod ang Departamento sa mahigpit na mga protokol para sa pangpisikal na seguridad upang hindi mapakialaman ang pamboto na kagamitan ng lungsod. Walang bahagi ng sistema o kagamitan ng pagboto ang nakakonekta sa panlabas na network o sa internet, at wala itong kakayahan kumonekta sa wireless na teknolohiya.

Bago mag-umpisa ang bawat eleksyon, nagsasagawa ang Departmento ng mga Eleksyon ng pagsusuri sa Logic and Accuracy (L&A) para matiyak na ang lahat na makina ay maayos nagtatala at nagta-tabulate ng mga boto. Ang Lupon sa Pag-Test ng L&A, na binubuo ng maraming miyembro ng publiko, ay nagsusuri at nag-aapruba sa L&A plan at sa mga resulta ng L&A para sa bawat eleksyon. Upang kumpirmahin ang pagiging tumpak ng bilang ng boto pagkatapos ng bawat eleksyon, nagsasagawa ang Departamento ng manu-manong pagbibilang ng lahat ng mga karaniwang balota na isinumite sa 1% ng random na piniling mga presinto, pati na rin sa 1% ng random na piniling vote-by-mail at pansamantalang na mga balota. Ang Departamento ay nagsasagawa rin ng pag-audit na naglilimita sa panganib pagkatapos ng halalan bilang karagdagang pag-check. Kahit sinumang miyembro ng publiko ay maaaring makapag-obserba ng mga proseso na ito.

Para makapagbigay ng kabuuang transparency sa mga operasiyon ng sistema ng pagboto, naga-post ang Departamento ng mga transaction log mula sa ballot scanning equipment na nagpapakita ng panloob na mga operasyon ng makina tuwing eleksyon, at mga imahe ng bawat isang balota na may kasamang pagpapaliwanag kung paano binibilang ng sistema ang bawat isang boto. Maaaring tingnan at ayusin ng mga miyembro ng publiko ang mga imahe ng mga balotang ito para maihambing sa opisyal na mga resulta ng eleksyon.

Pagbibigay-seguridad at Pagproseso ng Nabotong mga Balota

Sumusunod ang Departamento sa lahat na mga batas ng lokat at estado na namamahala sa pagdadala, pag-imbak, at pagbilang ng mga balotang binoto sa bawat eleksyon.

Gumagamit ang lahat ng papel na mga balota, na kung saan ito ang pinaka-secure na uri ng pagboto. Maaaring makapagmarka ang mga botante na may kapansanan, o yung mas gusto ng audio o touchscreen na mga interface ng balota sa tahanan gamit ang aksesibleng vote-by-mail na sistema o ang pangmarka-ng-balota sa lugar ng botohan. Ang dalawang sistema ay lumilikha ng mga papel na balota at hindi umiimbak, nagsusubaybay, o bumibilang ng mga boto. Pinagbabawal ng batas ng estado ang online na pagboto.

Sumusunod ang Departamento sa lahat na mga patakaran tungo sa pagdisenyo, paglagay, pagpapanatili, at paggamit ng mga opisyal kahon na hulugan ng balota. Lahat ng mga kahon ng balota ay gawa sa matibay na materyal, naka-bolt sa lupa, tamper-resistant, at may naitalagang mga natatanging numero ng pagkakakilanlan. Inililipat ng mga Katuwang Sheriff ng San Francisco ang vote-by-mail na mga balota mula sa opisyal na kahon na hulugan ng lungsod patungo sa Departamento ng mga Eleksyon.

Kapag nagpoproseso ng mga balota, sumusunod ang mga kawani ng Departamento sa pare-pareho at komprehensibong mga panloob na alituntunin, na nakaugat sa mga nauugnay na regulasyon ng estado. Ang mga regulasyong ito ay sumasaklaw sa iba't ibang aspeto ng pagpoproseso sa eleksyon, kabilang ang, halimbawa, patakaran para patunayan ang mga pirma, pagproseso ng mga balota at pagbilang ng mga balota. Lahat na sobre ng mga balota ay inu-audit laban sa database ng botante sa buong estado bago ito binubuksan para maiwasan na dalawang beses bumoto. Kung mangyaring nakabalik ng pangalawang balota ang botante, tatanggihin ang pangalawang balotang ito. Masubaybayan ng mga botante ang kanilang mga balota gamit ang Voter Portal (Portal para sa Botante), mag-sign up para sa mga notipikasiyon sa pagsubaybay, o makipag-ugnayan sa Departamento.

Alinsunod sa batas, ini-a-archive namin ang lahat ng mahahalagang mga materyales pagkatapos ng bawat eleksyon, kabilang na ang mga balota, para sa mga yugto ng panahon na tinutukoy ng batas.

Imprastraktura ng IT

Gumagamit ang website ng Departamento ng mga pinakamahusay na proteksiyon ng industriya laban sa mga Denial-of-Service (DDoS) attacks, pagnanakaw ng data, masamang mga bot, at mga isyu sa pagiging available ng website. Patuloy nagsusubaybay ang pinag-isang Cyber Command ng Lungsod sa mga teknolohiya ng Lungsod para sa posibleng panganib o hindi awtorisadong pagpasok sa mga website at mga server.

Para mapahintulutan ang publiko na mapatunayan ang integridad ng mga resulta ng eleksyon na naka-post sa website nito, ginagawan ng cryptography hash ang pauna at huling mga resulta.

Gumagamit ang Departamento ng Election Management System (EMS) na nasertipika ng Kalihim ng Estado para mapanitili ang mga record ng botante at ibang mahahalagang data ng eleksyon. Sunud-sunod nagtatrabaho ang sistema na ito sa Vote Cal, ang sistema ng pag-ulat ng buong estado, para mapanatili ang pagkatumpak ng impormasiyon ng botante, makita ang mga duplikadong record ng rehistrasyon, at alisin ang mga hindi elihibleng botante sa mga listahan ng botante. Upang mapangasiwaan ang pagboto ng hindi-mamamayan sa mga lokal na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, na pinapantulutan ng lokal na batas, gumagamit ang Departamento ng hiwalay na EMS para mapanatili ang mga rekord ng botanteng hindi-mamamayan.