SERBISYO

Mag-renew, magbago, o maghain ulit ng Fictitious Business Name (FBN)

Sabihin sa Lungsod kung gusto mong baguhin ang iyong nakarehistrong pangalan sa pakikipagkalakalan, address, o impormasyon ng pagmamay-ari.

Ano ang gagawin

Hakbang 1

Kumpetuhin ang aplikasyon para sa Fictitious Business Name. Parehas na form ang ginagamit ikaw man ang naghahain muli ng statement o nagpa-file sa unang pagkakataona. 

Hakbang 2

I-verify na ang iyong kasalukuyang Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Negosyo ay naaayon sa impormasyon sa pahayag para sa fictitious business name.

Hakbang 3

Isumite ang kumpletong form ng Fictitious Business Name (FBN). Nalalapat ang parehong bayarin, ito man ay Unang Pagpapatala o Mga Muling Pagpapatala.

*Epektibo sa Enero 1, 2014 (CA Business & Professions Code Sec. 17916), sinomang magpa-file ng Fictitious Business Name Statement ng personal ay kailangang magpakita ng valid na government-issued photo identification, tulad ng lisensiya ng driver, State-issued identification na car, o passport.

Magbibigay ng inendorsong kopya ng pahayag para sa FBN (karaniwang kulay dilaw) kasama ng resibo kapag naghain.

Hakbang 4

Kakailanganin mong tukuyin kung kailangan mong sundin ang mga kinakailangan para sa pag-publish.