Irehistro ang iyong bakanteng gusali

Dapat mairehistro ang mga bakanteng gusali sa loob ng 30 araw mula nang mabakante at dapat muling irehistro ang mga ito bawat taon.

Anong gagawin

1. Sagutan at i-print ang PDF na aplikasyon

Hihilingin namin sa iyo na:

  • Impormasyon ng may-ari ng ari-arian
  • Paano mo nilagyan ng seguridad ang ari-arian laban sa hindi awtorisadong pagpasok
  • Ang iyong mga plano para sa ari-arian sa hinaharap
  • Pangalan ng iyong provider ng insurance sa sunog at pananagutan
  • Impormasyon ng tagapagpautang kung ang ari-arian ay may abiso ng pag-default o pagreremata

2. Ibigay sa amin ang iyong aplikasyon, mga dokumento, at bayad

Isama ang:

  • PDF na aplikasyon para sa bakanteng gusali
  • Isang kopya ng iyong mga policy ng insurance sa sunog at pananagutan
  • Bayad — kung cashier’s check o money order ang gagamitin mo, ipangalan ito sa "SF Department of Building Inspection" o "CCSF_DBI"

Maaari mong ipadala sa koreo ang packet o ihatid ito nang personal sa aming opisina.

Department of Building Inspection

Code Enforcement Section
49 South Van Ness
Suite 400
San Francisco, CA 94103

Pagkatapos mong magparehistro

Makikipag-ugnayan kami sa iyo para mag-iskedyul ng inspeksyon para matiyak na natutugnan ang mga kinakailangan sa bakanteng gusali.

Espesyal na mga kaso

Nakabinbing pag-upa o bentahan

Nakabinbing pag-upa o bentahan

Hindi mo kailangang magparehistro kung may nakabinbing pag-upa o bentahan sa ari-arian. Kakailanganin mong magpadala ng patunay na nagsasadokumento ng pag-upa o nakabinbing bentahan, tulad ng MLS number o kopya ng pag-upa.

Humingi ng tulong

Phone

Seksyon ng Pagpapatupad ng Kodigo

Last updated August 29, 2023