SERBISYO
Ipaalam sa iyong mga tenant tungkol sa iyong intensyon na mag-apply sa Fix Lead SF
Makipag-usap sa iyong mga tenant at ibigay sa kanila ang mga kailangang mga dokumento
Ano ang dapat malaman
Magdala ng tatlong dokumento kapag nakipag-usap kayo sa mga nangungupahan:
- Tenant Notification and Agreement (Abiso at Kasunduan sa Nangungupahan) (tinatawag ding Appendix A ng aplikasyon)
- Renovate Right (Wastong Pagpapaayos)
- Listahan ng Mga Kalahok na Nangungupahan (tinatawag ding Appendix B ng aplikasyon)
Impormasyon tungkol sa mga dokumento ng abiso:
- Ipinapaliwanag ng Appendix A kung ano ang kailangang gawin ng mga nangungupahan sa panahon ng proyekto
- Lalagda ang mga nangungupahan sa Appendix B kung sumasang-ayon silang makipagtulungan
- Kakailanganin ninyong isumite ang Appendix B kasama ng inyong aplikasyon.
- Ipinag-aatas ng pederal na batas na bigyan ninyo ang inyong mga nangungupahan ng booklet na Wastong Pagpapaayos
Ano ang gagawin
Maghandang abisuhan ang inyong mga nangungupahan
Kunin ang mga dokumentong kakailanganin ninyo para sa pakikipag-usap sa inyong mga nangungupahan.
Maghanda ng sapat na mga kopya para sa master at sa sinomang subtenant sa bawat unit. (Halimbawa, kung mayroong apat na pamilyang nakatira sa isang apartment unit, kailangan mong kausapin ang apat na pamilya at kunin ang apat na mga pirma.)
Kung wala kayong printer, maaari kayong padalhan ng Fix Lead SF ng mga kopya ng mga dokumentong ito. Sabihin sa amin ang mga wika at bilang ng mga kopyang kakailanganin ninyo
Abisuhan ang bawat pamilya
- Suriin ang dokumentong Abiso at Kasunduan sa Nangungupahan (Appendix A)
- Magbigay ng kopya ng booklet na Wastong Pagpapaayos
- Hilingin sa isang kinatawan mula sa bawat pamilya na lagdaan ang form (Appendix B)
Sa pamamagitan ng mga lagda ng kasunduan sa Appendix B, handa na kayong magsumite ng packet ng aplikasyon.
Humingi ng tulong
Mga ahensyang kasosyo