Kung kailan mainam ang mga mask
Nakakatulong ang mga mask na pabagalin ang pagkalat ng virus. Nakakatulong ang mga ito para maprotektahan ang mga may sakit at ang mga hindi makapagpabakuna.
Mainam na isuot ang mga mask bilang proteksyon laban sa pagkuha o pagkalat ng COVID-19 kapag:
- Mataas ang pagkalat sa komunidad, tulad ng kapag may mga surge
- Gusto mo ng proteksyon sa mga pampublikong lugar na nasa loob ng gusali, o sa mga lugar na matao o hindi maganda ang ikot ng hangin
- Ikaw, o ang isang taong kasama mo sa bahay o nakakasama mo, ay nasa panganib ng malubhang sakit o pagkamatay dahil sa COVID-19
- Pakiramdam ninyo ay nasa panganib kayo
- Nag-aalala ka tungkol sa pangmatagalang COVID
Maaari magsuot ng mask ang mga tao, kahit na hindi ito kinakailangan. Respetuhin ang mga desisyon ng ibang tao kaugnay ng kanilang kalusugan.
Kailan ka dapat magsuot ng mask
Hindi na kinakailangan ang mga mask sa karamihan ng tao. Anuman ang iyong status sa pagpapabakuna, dapat mong sundin ang mga rekomendasyon ng estado sa pagsusuot ng mask.
Ang mga taong nagtatrabaho sa mga pangangalagang pangkalusugan na setting at kulungan ay kinakailangan pa ring magsuot ng mga mask kapag nasa paligid ng mga pasyente o taong nakatira sa mga kulungan.
Dapat ka ring magsuot ng mask saanman ito kinakailangan ng isang negosyo, operator ng venue, host, o organisasyon ng transportasyon. Palaging magdala ng mask sakaling kailangan ninyo ito.
Mga mask at transportasyon
Inirerekomenda ang mga mask kapag ikaw ay:
- Sa pampublikong transportasyon (o mga looban)
- Nagmamaneho ng o nakasakay sa isang taxi o rideshare na sasakyan
Posibleng gustuhin ng isang organisasyon ng transportasyon ng higit pang proteksyon at hilingin sa lahat na magsuot ng mask. Dapat ninyong sundin ang mga kinakailangan ng organisasyon sa pagsusuot ng mask.
Isiping magsuot ng mask kapag masama ang pakiramdam mo
Matuto tungkol sa paglayo sa ibang tao, pagpapa-test, at kung kailan dapat magsuot ng mask kung kayo ay:
- May masamang pakiramdam at posibleng may COVID-19
- Nagpositibo
- May nakadikit na taong may COVID-19
Mga bata at mask
Hindi kailanman dapat magsuot ng mask ang mga batang wala pang 2 taong gulang. Maaaring hindi sila makahinga.
Hindi kinakailangan ang mga mask sa personal na pinapasukang paaralan, mga programa ng kabataan, at mga programa sa pangangalaga ng bata maliban kung pipiliin ng inyong paaralan o programa na iatas ito. Makipag-ugnayan sa inyong paaralan o programa para alamin kung kailangan ninyong magsuot ng mask.
Sino ang hindi kinakailangang magsuot ng mask
Hindi ninyo kailangang magsuot ng mask kapag kinakailangan ito kung:
- Wala ka pang 2 taong gulang
- Ikaw ay may pisikal, intelektuwal, o developmental na kapansanan na dahilan kung bakit hindi ka makapagsuot ng mask.
- Mayroon kang sulat mula sa isang medikal na propesyonal na nagsasabing hindi mo kailangang magsuot nito dahil sa iyong kundisyon. Hindi kailangang ipaliwanag ng dokumento ang iyong medikal na kundisyon. Dapat kasama sa dokumentasyon ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at lisensya ng medikal na propesyonal.
- Magiging dahilan ka ng panganib sa kaligtasan sa trabaho (ayon sa mga itinalagang gabay sa kalusugan at kaligtasan) sa pamamagitan ng pagsusuot ng kahit ano sa iyong mukha habang nasa trabaho.
- Ikaw ay nahihirapang huminga o hindi nakakapag-alis ng iyong mask nang hindi nagpapatulong.
- Ikaw ay bingi at gumagamit ng mga paggalaw ng mukha at bibig bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan. Dapat mong alisin ang iyong mask habang nakikipag-ugnayan.
Magsuot ng mga mask na maayos ang pagkakalapat at nagsasala ng virus (sakit)
Para maging epektibo, dapat ganap na matakpan ng mga mask ang iyong ilong at bibig.
Magsuot ng mga mask na may magandang filtration. Hinaharangan ng mga ito ang mga particle ng virus (sakit) para hindi ito lumusot sa mask mismo.
Narito ang mga uri ng mask na pinakamahusay na gumagana:
- Mga N95, KN95, at KF94 respirator
- Mga medical mask na maayos ang pagkakalapat
Pagsusuot ng dobleng mask
Ang pagsusuot ng dobleng mask ay isang epektibong paraan para mapaganda ang filtration at pagkakalapat.
Magsuot muna ng medical mask dahil mas mahusay ang materyal nito sa pagharang sa mga particle ng virus (sakit). Pagkatapos ay magsuot ng masikip na mask na gawa sa tela sa ibabaw nito para mapaganda ang pagkakalapat ng mask sa iyong mukha.
Kailan dapat magsuot ng mas epektibong mask
Mas mainam na magsuot ng N95, KN95, KF94, dobleng mask, o nakalapat na medical mask kapag ikaw ay:
- May mga kasamang taong mas may mataas na panganib na magkaroon ng malalang sakit mula sa COVID-19
- Nag-aalaga o nakatira kasama ng mga taong may COVID-19 o nalantad dito
- Nasa loob kasama ng mga taong hindi nabakunahan o kung saan hindi mo alam kung nabakunahan ba sila
- Nasa loob na may hindi magandang bentilasyon
- Sa mga mataong lugar kung saan hindi ka makakalayo sa ibang tao
Panatilihin itong malinis
Kung nasa labas ka ng iyong bahay at nabasa ang iyong pantakip sa mukha, maghanda ka ng isa pang pantakip sa mukha upang mapalitan ito.
Labhan nang madalas ang iyong mga reusable na pantakip sa mukha, pinakamainam pagkatapos ng bawat paggamit. Labhan ang mga ito sa pinakamaligamgam na tubig na posible, patuyuin ang mga ito sa pinakamataas na heat setting, at iwanan ang mga ito sa dryer hanggang sa tuluyang matuyo.
Linisin ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang iyong mukha, mask, o pantakip sa mukha.
Ang CDC ay may mga tagubilin kung paano suotin at linisin ang iyong pantakip sa mukha.