Ano ang dapat gawin kapag nalantad sa COVID-19

Magpasuri nang 3 hanggang 5 araw pagkatapos ng iyong malapit na pakikipag-ugnayan at magsuot ng mask kapag nasa paligid ka ng ibang tao sa loob ng 10 araw.

Anong gagawin

Kapag nagkaroon ka ng malapit na pakiki-ugnay, o may kasama ka sa bahay na may COVID-19, maaari mong piliing manatili sa bahay at lumayo sa iba kung kaya mo, lalo na sa mga taong nasa malaking panganib na magkasakit sa COVID-19. Ngunit hindi mo kinakailangang gawin ito.

Magpasuri

Magpasuri sa loob ng 3 hanggang 5 araw pagkatapos mong unang malantad. Maaari kang kumuha ng antigen o PCR test pagkatapos ng malapit na pakiki-ugnay. Kung makakakuha ka ng positibong test, dapat kang lumayo sa ibang tao sa loob ng 5 araw..

Dapat mong isaalang-alang na magpasuri nang mas maaga sa 3 hanggang 5 araw upang malaman kung positibo ka upang magawa mong:

  • Makakuha ng maagang paggamot, lalo na kung nasa panganib kang magkaroon ng malubhang sakit sa COVID-19
  • Ipaalam nang mas maaga sa mga tao na maaaring nalantad sila

Magsuot ng mask

Dapat kang magsuot ng mask na maayos ang pagkakalapat kapag napapaligiran ka ng mga tao sa loob ng 10 araw pagkatapos ng iyong malapit na pakikipag-ugnayan. Lubos na mahalaga ang pagsusuot ng mask kapag:

  • Indoors, kabilang ang kapag napapaligiran ng ibang tao sa bahay
  • Nasa paligid ng mga taong may malaking panganib ng malubhang sakit sa COVID-19

Mas malamang na kakalat ang virus sa loob ng unang 10 araw. Ang pagsusuot ng mask kapag napapaligiran ng ibang tao sa loob ng 10 araw ay magpapaliit ng panganib na makalat mo ang virus (sakit), kung sakaling mayroon ka nito.

Kung magpopositibo ka o sasama ang pakiramdam mo

Kung makakakuha ka ng positibong test, dapat kang lumayo sa ibang tao upang mapigilan ang pagkalat ng virus (sakit).

Kung magkakaroon ka ng mga sintomas ng COVID-19, lubos na inirerekomendang lumayo ka sa ibang tao hanggang sa masuri ka.

Ang mga panganib ng pagkakaroon at pagkalat ng COVID-19

Nasa panganib ka ng pagkakaroon ng virus kung:

  • Nakasama mo indoors ang isang taong may COVID-19
  • 15 minuto o mas matagal ang tagal indoors

Nasa panganib ka kahit na nakasuot ka at ang ibang tao ng mga mask sa panahon ng paglapit.

Maaaring mayroong COVID-19 ang isang tao sa loob ng 2 araw bago magsimulang sumama ang pakiramdam niya o bago siya makakuha ng positibong test. Sa panahong ito, maaari niyang mahawahan ang ibang tao.

Nasa panganib siyang maikalat ang COVID-19 nang hanggang 10 araw mula noong nagsimulang sumama ang pakiramdam niya o mula noong makakuha siya ng positibong test, maliban kung makakakuha siya ng negatibong test sa mga araw 5 hanggang 9.
 

Espesyal na mga kaso

COVID-19 sa mga paaralan, pangangalaga sa bata, at programa para sa kabataan

COVID-19 sa mga paaralan, pangangalaga sa bata, at programa para sa kabataan

Kung ang isang tao sa paaralan, pangangalaga sa bata, o programa para sa kabataan ay may COVID-19 o kung may posibilidad ng exposure (pagkalantad), sundin ang aming patnubay para sa mga tauhan at pamilya.

Maaaring piliin ng mga indibidwal na paaralan na magkaroon ng mga karagdagang panuntunan o patakaran na dapat ding sundin ng mga pamilya.

Mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na may mataas na panganib

Mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na may mataas na panganib

Ang mga healthcare worker at mga taong nakatira at nagtatrabaho sa ilang lugar na may malaking panganib (mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, silungan, kulungan) ay maaaring may iba't ibang panuntunan para sa mga tao pagkatapos ng malapit na pakiki-ugnay.

Humingi ng tulong

Phone

311

Magpatulong sa pagkain, pabahay, o iba pang pangangailangan.

Suporta sa Pag-isolate at Pag-quarantine

Humingi ng libreng tulong sa pag-quarantine nang mag-isa.

Last updated March 3, 2023