Nagpositibo ka sa COVID-19

Kung mayroon kang COVID-19, mag-isolate. Kung nagkaroon ka ng malapit na pakikiugnay sa isang taong may COVID-19, pag-isipang mag-mask at magpa-test.

Anong gagawin

Kung may sakit ka

  1. Magsimula ng paggamot sa loob ng 5 araw mula nang sumama ang pakiramdam. Maaaring pigilan ng gamot ang paglala ng sakit. Inirerekomenda ang gamot sa COVID-19 para sa karamihan ng mga nasa hustong gulang at ilang kabataan.
  2. Manatili sa bahay hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo at 24 na oras ka nang hindi nilalagnat nang hindi gumagamit ng gamot na pampababa ng lagnat.
  3. Kapag bumalik ka sa iyong mga normal na aktibidad, dagdagan ang pag-iingat sa loob ng susunod na 5 araw. Kabilang dito ang paggawa ng mga hakbang para sa mas malinis na hanginpaghuhugas ng kamay, pagtatakip ng iyong bibig para umubo o bumahing, mga maskpisikal na pagdistansya, at pagpapasuri kapag may makakasama kang ibang tao sa loob ng isang lugar.

 

Matuto nang higit pa tungkol sa pagpigil sa pagkalat kapag ikaw ay may sakit

Matuto pa mula sa CDC.

Alamin ang tungkol sa mga rekomendasyon para sa mga setting na may mataas na panganib

Alamin ang tungkol sa mga rekomendasyon para sa mga setting na may mataas na panganib

 

Ang mga kawani sa mga setting ng pangangalagang pangkalusugan ay dapat na sumunod sa mga rekomendasyon sa AFL 21-08.9.

Ang mga setting na hindi para sa pangangalagang pangkalusugan na may mas mataas na panganib ng transmisyon at mga outbreak ng COVID-19 (hal. mga pasilidad para sa tirahan, nasa hustong gulang, at pangangalaga sa mas nakakatandang tao, silungan, at kulungan) ay maaaring patuloy na magpatupad ng mga karagdagang kinakailangan na higit na nagpoprotekta kaysa sa patnubay para sa pangkalahatang publiko.

Last updated June 18, 2024