NEWS
Tungkol sa SF travel quarantine (Disyembre 18 hanggang Peb 23) - mga bagong alituntunin para sa mga nabakunahang indibidwal
Sa pagitan ng Disyembre 18, 2020 at Pebrero 23, 2021, ang mga taong papasok mula sa labas ng mga county ng Bay Area ay kinakailangang magkuwarentina sa loob ng 10 araw. Update para sa mga nabakunahang indibidwal Abril 2, 2021: Ang mga indibidwal na ganap na nabakunahan ay hindi kailangang mag-quarantine pagkatapos maglakbay.
Update: Naging rekomendasyon ang travel quarantine noong Pebrero 23, 2021,
Inalis ang mandatory travel quarantine noong Pebrero 23, 2021 . Pagkatapos nito, ang sinumang naglalakbay mula sa labas ng California ay mahigpit na inirerekomenda na mag-quarantine sa loob ng 10 araw.
Update noong Abril 2, 2021: Ang mga indibidwal na ganap na nabakunahan ay hindi kailangang magpasuri o mag-quarantine bago o pagkatapos ng paglalakbay maliban kung mayroon silang mga sintomas ng COVID-19.
Ang lahat ng mga manlalakbay ay dapat pa ring sumunod sa mga lokal at pang-estado na alituntunin ng kanilang destinasyon sa paglalakbay. Ang mga hindi nabakunahan ay hinihimok na ipagpaliban ang hindi kinakailangang paglalakbay hanggang sa sila ay ganap na mabakunahan (2 linggo pagkatapos ng huling pagbabakuna). Ang bawat isa ay dapat pa ring magsuot ng maskara at gumawa ng iba pang pag-iingat habang naglalakbay.
Higit pang mga detalye tungkol sa travel quarantine
Tingnan ang opisyal na patnubay , kabilang ang mga pagsasalin, mula sa Department of Public Health.
Hindi na aktibo: Ang mga taong naglalakbay mula sa labas ng Bay Area ay dapat mag-quarantine sa loob ng 10 araw
Dapat kang manatili, sa iyong bahay o silid ng hotel. Huwag umalis, maliban upang makakuha ng pangangalagang pangkalusugan. Magpahatid ng pagkain o mga pamilihan. Tingnan ang gabay tungkol sa pag-quarantine .
Nalalapat ang panuntunang ito sa mga taong pumapasok sa San Francisco mula sa labas ng Bay Area (Alameda, Contra Costa, Marin, Napa, Santa Clara, Santa Cruz, San Mateo, Solano, Sonoma).
Hindi mo kailangang mag-quarantine kapag naglalakbay sa:
- Gumawa ng mahahalagang gawain
- Trabaho sa isang negosyo na pinapayagang maging bukas (kung hindi man ay kulang sa kawani)
- Kumuha ng kinakailangang pangangalagang pangkalusugan
- Pag-aalaga sa isang tao
- Sumunod sa utos ng hukuman
- Maglaro ng sports sa isang aprubadong koponan
- Magtrabaho sa isang aprubadong tauhan ng pelikula o media
- Sumakay sa isang connecting flight sa SFO
- Dumaan sa SF at hindi magdamag
Dapat ka pa ring mag-quarantine kapag hindi mo aktibong ginagawa ang alinman sa mga nabanggit.
Iwasang maglakbay kahit sa loob ng Bay Area
Dapat mong iwasan ang paglalakbay sa labas ng San Francisco. Mayroong malaking surge sa buong bansa. Maaari kang magdala ng higit pang COVID-19 pabalik sa SF.