PAHINA NG IMPORMASYON

Mga FAQ sa Sertipikasyon ng LBE

Tingnan ang mga madalas itanong tungkol sa certification ng Local Business Enterprise (LBE).

Ano ang LBE Credit Restriction?

Ang LBE credit restriction ay isang kondisyong inilagay sa sertipikadong paglahok ng LBE upang matiyak ang integridad ng programa ng LBE; binibigyang-daan nito ang isang kompanya na makatanggap ng sertipikasyon habang lumilikha din ng mga pananggalang sa pagsunod. Maaaring lumitaw ang mga paghihigpit dahil sa iba't ibang kaugnayan o relasyon sa ibang entity (hal. karaniwang pagmamay-ari, dating trabaho, relasyon sa pamilya, atbp.). Ang mga LBE ay hindi kailanman pinaghihigpitan mula sa pakikipagtulungan sa ibang entity ngunit kung mayroong restricted affiliation, ang partisipasyon ng LBE firm sa trabahong kinasasangkutan ng restricted affiliation ay hindi mabibilang sa LBE participation credit.