Mga building permit sa panahon ng outbreak ng coronavirus

Tumatanggap na ang Departamento ng Pag-iinspeksyon ng Gusali (Department of Building Inspection) at ang Permit Center ng mga aplikasyon sa ilang building permit online.

Pinapayagan ang lahat ng konstruksyon

Puwedeng magpatuloy ang mga proyekto sa konstruksyon kung ang lahat ng trabaho ay sumusunod sa physical distancing at iba pang ipinag-aatas sa kaligtasan ng Mga Protocol sa Kaligtasan sa Konstruksyon, gaya ng iniaatas sa Kautusan. Makakuha ng impormasyon tungkol sa mga proyekto sa konstruksyon sa panahon ng outbreak ng coronavirus.

Impormasyon sa Plano sa Kaligtasan

Ang mga contractor at may-ari ng kumpanya na nagsasagawa ng gawain sa konstruksyon sa panahon na ito ay dapat magsagawa ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga lugar ng trabaho:

  • Kunin ang lahat ng kinakailangang permit bago magsimula ng anumang gawain sa pamamagitan ng pag-apply para sa isang building permit online.
  • Sundin ang mga hakbang sa kaligtasan sa konstruksyon, gaya ng iniaatas sa kodigo.
  • Magpatupad ng Mga Protocol sa Kaligtasan sa Konstruksyon, gaya ng iniaatas sa Kautusan ng Opisyal sa Kalusugan Blg. C19-07c.
  • Puwedeng isagawa ang gawain sa konstruksyon mula 7 am hanggang 8 pm, pitong araw sa isang linggo. Ang anumang gawain sa konstruksyon na isinasagawa sa labas ng mga oras na iyon ay nangangailangan ng espesyal na permit sa ingay sa gabi para mapalawig ang mga oras ng gawain.
  • Magsagawa ng mga kasanayan sa kaligtasan sa lugar ng trabaho, kung saan kasama ang Mga Ipinag-aatas sa Social Distancing:
    • Magpanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo
    • Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
    • Magtakip kapag umuubo o bumabahing
    • Punasan ang mga kasangkapan, cab ng sasakyan sa trabaho, at iba pang surface na madalas hawakan gamit ang disinfectant

Nagsasagawa ang mga inspector ng mga hakbang sa social distancing kapag nagsasagawang mga inspeksyon.

Proseso ng permit

Nililimitahan namin ang mga uri ng aplikasyon sa permit na tinatanggap namin online. Tumatanggap lang kami ng:

Para sa lahat ng iba pang permit, tingnan ang aming available na in-person na limitadong serbisyo at iba pang impormasyon sa pagsusumite ng permit.

Kung nagsumite ka kamakailan ng aplikasyon online, maghintay habang sumasailalim ang aplikasyon sa aming pagsusuri ng plano. Nagpoproseso kami ng mga application sa pagkakasunod-sunod kung paano na tanggap ang mga ito.

Makikipag-ugnayan kaagad kami habang kapag nasuri na namin ang iyong aplikasyon.

Tingnan ang aming mga update sa status ng aplikasyon sa building permit.

Over the counter (OTC)

Nag-aalok kami ng limitadong Over-the-Counter na serbisyo sa permit sa 49 South Van Ness.

Mga inaasahan sa extension at timeline

Puwede kang humiling ng pag-renew ng iyong nag-expire na permit o extension ng iyong aktibong permit. Sa pangkalahatan, may bisa ang mga pag-renew at extension na ito sa loob ng karagdagang 365 araw.

Humiling ng extension para sa iyong permit sa pamamagitan ng pagkumpleto ng form sa Kahilingan sa Serbisyo at pagpapadala rito kasama ng tseke sa Department of Building Inspection, 49 South Van Ness Avenue, San Francisco CA 94103. Para makuha ang tamang halaga ng bayarin o para sa higit pang impormasyon, tumawag sa 415-558-6570 sa pagitan ng 7:30 am at 3 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Para sa pag-renew ng mga nag-expire nang permit, tumawag sa 415-558-6570.

Pagbibigay at mga pagbabayad ng permit

Kung kailangan mong bayaran at kunin ang iyong permit para sa isang proyektong naaprubahan na ng lahat ng kinakailangang departamento, tumawag sa DBI sa 415-558-6088 o mag-email sa dbicustomerservice@sfgov.org.

Makikipag-ugnayan kami para mag-iskedyul ng appointment para sa iyo para kunin ang iyong mga natatakan nang plano.

Mga Pagbabayad

Kapag handa na para sa pagbabayad ang iyong permit, makikipag-ugnayan sa iyo ang kawani ng DBI para kumpletuhin ang proseso ng pagbabayad. Puwede kang magbayad para sa iyong permit sa pamamagitan ng tseke, ACH payment, o wire transfer.

Mga Pag-inspeksyon

Nagsasagawa kami ng mga inspeksyon ng mga proyekto sa konstruksyon ayon sa pinapahintulutan ng Kautusan sa Kalusugan. Kasama rito ang mga pag-inspeksyon sa gusali, pagtutubero, at kuryente.

Nagsasagawa ang mga inspektor ng physical distancing sa mga lugar ng trabaho. Mag-iskedyul ng kinakailangang pag-inspeksyon ng iyong proyekto sa konstruksyon.

Araw-araw na ina-update ng pinakabagong impormasyon ng aming kawani ang aming sistema sa pagsubaybay ng permit (permit tracking system, PTS). Ito ang pinakamagandang mapagkukunan para sa kasalukuyang status ng iyong mga permit at pag-inspeksyon.

Online na trade permit at serbisyo sa pag-inspeksyon

Kung isa kang contractor na nakarehistro sa DBI, puwede kang mag-apply online para sa mga permit sa pagtutubero, kuryente, at Boiler-to-Operate. Kapag ibinigay na namin ang iyong permit para masimulan ang iyong gawain, puwede mong ipaiskedyul ang iyong pag-inspeksyon online gamit ang iyong contractor account.

Kung gusto mong magbukas ng account, pakisuri ang kinakailangang dokumentasyon bago makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo sa Impormasyon sa Pamamahala ng DBI. Puwede mong isumite ang mga kinakailangang dokumento sa dbionlineservices@sfgov.org o i-fax ang mga ito sa 415-558-6464.

Pamamahala ng mga talaan

Nagpoproseso ang aming mga kawani sa Dibisyon ng Pamamahala ng Talaan ng mga talaan, 3R report, at duplikasyon ng mga plano. Kung mayroon kang mga kahilingan sa mga talaan o 3R, pakibisita ang website ng aming Dibisyon ng Pamamahala ng Mga Talaan para sa higit pang impormasyon o i-email ang iyong sinagutang form ng kahilingan sa talaan sa dbi.records3r@sfgov.org

Puwedeng isumite online ang Mga Kahilingan para sa Mga 3R Report. Puwede mo ring isumite ang iyong Kahilingan sa 3R sa pamamagitan ng koreo nang may kasamang tseke sa bayad na nagkakahalaga ng $148.00.

Iba pang departamento

Para sa Komisyon ng Mga Pampublikong Ulitidad ng SF (SF Public Utilities Commission), tumawag sa serbisyo sa customer sa 415-551-3000 o mag-email sa customerservice@sfwater.org.

Para sa Mga Pagawaing Bayan, mag-apply para sa mga bagong permit sa electronic na paraan o sa pamamagitan ng pag-email sa bsmpermitdivision@sfdpw.org.

Last updated September 1, 2020