PAHINA NG IMPORMASYON
Mga kinakailangan para sa pagtatrabaho sa Fix Lead SF
Nasa ibaba ang mga kuwalipikasyong kinakailangan para maging bahagi ng team ng mga lead professional.
Mga Certified Inspector
Ang mga provider ng mga serbisyong inspeksyon para sa Fix Lead SF ay dapat na:
- Maging isang California Department of Public Health Lead-Certified Inspector Risk Assessor.
- Mayroon at napapanatili ang lahat ng kinakailangang lisensya mula sa Lungsod at sa County.
- Mayroon at napapanatili ang general commercial liability coverage na may isang limitasyon na $1,000,000 o higit pa sa bawat insidente para sa Injury sa Katawan at Pinsala sa Ari-arian, kabilang ang Contractual Liability. Personal Injury, Mga Produkto at Natapos na Operasyon. Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang kanilang mga opisyal, kinatawan, at mga empleyado bilang karagdagang may seguro sa policy; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103.
- Mayroon at napapanatili ang Workers’ Compensation (kung naaangkop).
- Sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon mula sa pederal, pang-estado, at lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng negosyo sa San Francisco, CA. (halimbawa, may IRS W-9)
- May kakayahang mag-test ng mga sample ng pintura, alikabok, at lupa alinsunod sa Kabanata 5 at 7 ng “Guidelines for the Evaluation and Control of Lead-Based Paint Hazards in Housing”, U.S. Department of Housing and Urban Development, July 2012.
- Makakasunod sa karagdagang sampling plan at reporting ayon sa kinakailangan ng Lungsod.
- Makakapagsuri ng mga sample ng alikabok at lupa sa isang laboratoryo na akreditado ng EPA National Lead Laboratory Accreditation Program (NLLAP).
- Makakapagbigay ng dokumentasyon mula sa laboratoryo na nagsasaad ng minimum sampling area para sa sample ng alikabok sa sahig na magbibigay ng tumpak na reading na hindi hihigit sa o katumbas ng 10 ug/ft2.
- Makapagbibigay ng kopya ng mga report sa lead hazard risk assessment/paint inspection at Clearance Inspection report sa loob ng 5 business days.
- Hindi dapat mag-alok ng environmental o iba pang mga serbisyo sa mga may-ari ng property. Puwede lang sabihin ng mga inspector sa mga may-ari ng property na “tumawag ng propesyonal na puwedeng magbigay ng payo o tumawag sa Department of Public Health sa 415-252-3800”.
Mga Certified Supervisor
Dapat ang mga lead work contractor ay:
- Isang California Department of Public Health Lead-Certified Supervisor.
- Bahagi ng isang Environmental Protection Agency Certified Renovation Firm.
- Maging isang negosyo na gumagawa ng hindi bababa sa 50% residential na trabaho.
- Maging isang kontratista na lisensyado ng Lupon ng Lisensya ng Estado ng California upang isagawa ang klase at uri ng trabahong kinakailangan at tiyakin na ang anumang mga subkontraktor ay nakakatugon sa parehong kinakailangan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng B-General Building at C-33 Painting and Decorating license o subcontract out para sa mga lisensyang ito.
- May kakayahang magsagawa ng lead work alinsunod sa Kabanata 8-13 ng “Guidelines for Evaluation and Control of Lead-Based Paint Hazards in Housing” (U.S. Department of Housing and Urban Development, July 2012).
- Sumunod sa anumang karagdagang kinakailangan sa trabaho ng Fix Lead SF
- Mayroon at napapanatili ang lahat ng kinakailangang lisensya mula sa Lungsod at sa County.
- Mayroon at napapanatili ang general commercial liability coverage na may isang limitasyon na $1,000,000 o higit pa sa bawat insidente para sa Injury sa Katawan at Pinsala sa Ari-arian, kabilang ang Contractual Liability. Personal Injury, Mga Produkto at Natapos na Operasyon. Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang kanilang mga opisyal, kinatawan, at mga empleyado bilang karagdagang may seguro sa policy; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103.
- Mayroon at napapanatili ang Pollution Liability Insurance na naaangkop sa mga aktibidad at responsibilidad na napapailalim sa Kasunduang ito na may mga limitasyon na hindi bababa sa $2,000,000 sa bawat insidente nang may pinagsamang single limit, kasama ang coverage para sa mga on-site third-party claim para sa mga injury sa katawan at pinsala sa property. Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang kanilang mga opisyal, kinatawan, at mga empleyado bilang karagdagang may seguro sa policy; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103
- Mayroon at napapanatili ang Workers’ Compensation (kung naaangkop).
- Sumunod sa mga naaangkop na regulasyon ng Cal-OSHA program.
- Sumunod sa lahat ng iba pang batas at regulasyon mula sa pederal, pang-estado, at lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng negosyo sa San Francisco.
- Sumunod sa lahat ng naaangkop na regulasyon sa hazardous waste ng California, kabilang ang pero hindi limitado sa pag-hire ng California registered hazardous waste transporter kapag kinakailangan.
- Kailangang gumamit ng parehong Lead-certified Supervisor para magsagawa ng project job walk at ihanda ang kaukulang panukala sa bid. Ang mga pagbubukod sa panuntunang ito ay maaaring gawin sa isang case-by-case na batayan sa pag-apruba ng Programa.
- Tumulong sa may-ari ng property sa pagkuha ng lahat ng naaangkop na building permit.
- Sumang-ayon na gawin ang trabaho alinsunod sa Scope of Work na ihinanda ng Fix Lead SF.
- Sumang-ayon na i-monitor ng Lead-Certified Project Monitor ng Fix Lead SF ang progress ng proyekto at naaangkop na performance.