PAHINA NG IMPORMASYON
Alamin ang tungkol sa Tenderloin Emergency Initiative
Iniuugnay ang lahat ng nasa komunidad sa mga serbisyong kailangan nila, pinapaigting ang kaligtasan, at pamumuhunan sa komunidad ng Tenderloin
Ang Tenderloin ay tahanan para sa mga pamilya, immigrant, nakakatanda, mangangalakal, at manggagawa, ang ilan sa kanila ay walang tirahan. Lahat ay karapat-dapat magkaroon ng masaganang komunidad na matatawag nilang tahanan.
Ang Tenderloin Emergency Initiative ay isang pagtutulungan sa pagitan ng komunidad at ng Lungsod at County ng San Francisco.
Tingnan ang mga dashboard ng datos at lingguhang ulat sa pagpapatakbo.
Panoorin ang video na ito tungkol sa inisyatiba.
Basahin ang gabay at plano
Ang San Francisco ay may gabay at plano para sa emergency sa Tenderloin na:
- Maiugnay ang mga taong may tirahan at walang tirahan sa mga serbisyong kailangan nila
- Mapaigting ang kaligtasan
- Mabawasan ang krimen
- Madagdagan ang pamumuhunan sa komunidad
Ang plano ay isang simula at magbabago ito batay sa mga pagkakataon at hamong kakaharapin, at sa mga puna mula sa komunidad.
Ang Tenderloin Center
Nagsara ang Tenderloin Center noong Disyembre 4, 2022.
Ang sentro, na bahagi ng Tenderloin Emergency Initiative ng San Francisco, ay pinlano bilang pansamantalang lugar upang mabawasan ang mga pagkamatay dahil sa overdose at madagdagan ang mga koneksyon sa mga serbisyo, pati na rin mangolekta ng datos para sa mga lugar at serbisyo sa hinaharap.
Ang SF Public Health ay sumusuporta sa mga taong naghahanap at nakakatanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pangangasiwa sa kanilang paglipat sa mga mapagkakatiwalaang provider sa kapitbahayan, na nag-aalok ng mga serbisyong katulad ng TLC.