Anong gagawin
1. Suriin ang iyong entrance para sa mga karaniwang isyu sa accessibility
Ang uri ng propesyonal sa accessibility na kailangan mo ay magdedepende sa mga pagbabagong kailangan mo upang maging accessible ang iyong entrance.
Maaari kang makatipid ng oras at pera kung kukuha kaagad ng tamang tao.
Tingnan ang iyong entrance at tingnan kung:
- May 1 o higit pang hakbang ang iyong entrance
- Ang sidewalk sa harap ng iyong entrance ay padausdos o may lihis
- Mayroong anumang istrukturang balakid sa entrance tulad ng mga poste
- Mayroong anumang nakikitang balakid sa entrance tulad ng makitid na pintuan
- Mas mabigat ang pintuan mo kaysa sa karaniwan
Kung ang alinman sa mga iyon ay naglalarawan sa iyong entrance, dapat kang kumuha ng lisensyadong arkitekto o inhinyero na may karanasan sa accessibility, o isang CASp na lisensyadong arkitekto.
Kung ang iyong entrance ay walang istruktural na balakid, maaari kang kumuha ng CASp na walang karanasan sa pagdisenyo o konstruksiyon.
2. Maghanap ng propesyonal sa accessibility
Kung may kilala kang lisensyadong arkitekto o inhinyero na may karanasan sa accessibility, o may maire-refer ka, tawagan sila.
O kaya, maghanap sa database ng mga CASp inspector. Tawagan ang mga inspector na naglilingkod sa San Francisco.
Magtanong tungkol sa kanilang karanasang nauugnay sa iyong mga pangangailangan:
- Nakapagsagawa na ba sila ng anumang inspeksyon sa entrance para sa ABE?
- Gaano karaming inspeksyon ng CASp na ang nagawa nila sa San Francisco?
- Mayroon ba silang karanasan sa konstruksiyon?
- Mayroon ba silang karanasan sa arkitektural na disenyo?
- Nagtrabaho na sila sa SF Planning Department?
- Nagtrabaho na ba sila sa SF Public Works Bureau of Street-Use & Mapping?
Humingi ng mga reference na maaari mong tawagan para matuto pa.
3. Kumuha ng propesyonal sa accessibility
Matapos ninyong mahanap ang tamang propesyonal, i-hire sila para kumpletuhin ang inyong pagsusuri.
Humingi ng tulong
Contact the Office of Small Business
Last updated September 28, 2021