Hanapin ang inyong antas sa AMI (Area Median Income, Panggitnaang Kita ng Lugar)

Ang inyong antas sa AMI ang tumutukoy kung maaari kayong mag-apply para sa mga serbisyong batay sa kita.

Anong gagawin

Ikinukumpara namin ang inyong kita sa iba pang San Franciscan sa pamamagitan ng AMI. 100% na AMI ang gitnang numero kapag tumitingin sa isang listahan ng lahat ng kita sa San Francisco. Nakadepende rin ang AMI sa laki ng sambahayan.  

Hanapin ang inyong antas sa AMI

Kapag tinitingnan ang chart ng AMI:

  1. Tingnan ang itaas na row para makita ang bilang ng tao sa inyong sambahayan.
  2. Tingnan ang ibaba ng column ng bilang ng tao sa inyong sambahayan. Nilalaman ng column na ito ang sinasaklaw na mga maximum na kita ng sambahayan batay sa antas sa AMI.
  3. Hanapin ang 2 numero kung saan napapagitna ang kita ng inyong sambahayan. May kaugnayan ang mas mataas na numero sa inyong antas sa AMI.
  4. Sundan ang row na iyan pakaliwa, para mahanap ang inyong antas sa AMI.

Hanapin ang inyong antas sa AMI

Mga taunang ulat

Ang AMI ay ina-update bawat taon ng Pederal na Kagawaran ng HUD (Housing & Urban Development, Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod). Gumagamit ang HUD ng data mula sa census at sa Survey sa Komunidad ng America. Nagkakalkula sila ng 100% na AMI para sa pamilya o 4 para sa mga lungsod at rehiyon sa buong United States.

 

Naglalathala ang HUD ng 2 chart ng AMI, karaniwang sa simula ng Abril. Inayos ang isang chart upang maging mas mataas bilang pagsasaalang-alang ng matataas na gastos sa pabahay sa San Francisco. Ang isa pang chart ay ang hindi inayos na pagkalkula. Ang karamihan ng serbisyo sa Lungsod ay gumagamit ng hindi inayos na chart.

Tingnan ang lahat ng chart ng AMI para sa lahat ng programang pabahay ng Lungsod

Espesyal na mga kaso

Mga espesyal na pagkalkula ng kita para sa pabahay

Mga espesyal na pagkalkula ng kita para sa pabahay

Para sa mga programang pabahay ng Lungsod, kinakalkula namin ang hindi nabubuwisang kita at ang kita ng inyong mga dependent sa magkaibang paraan, kung makakatulong ito sa inyong maging kwalipikado. Magbasa pa tungkol sa mga espesyal na pagkalkula ng kita na ito.

Humingi ng tulong

Magtanong sa isang tagapayo sa pabahay

Last updated August 1, 2024