Magsampa ng reklamo sa batas sa paggawa

Kung sa tingin mo ay hindi sumusunod ang iyong employer sa mga batas sa paggawa ng San Francisco, makakatulong kami.

Anong gagawin

May problema ka ba sa iyong employer sa trabaho? Kuwentuhan mo kami tungkol dito.

Tinutulungan namin ang mga manggagawa na:

  • Hindi nababayaran ng tamang halaga
  • Hindi nakakakuha ng mga benepisyong karapat-dapat sa kanila, gaya ng araw ng pahinga o mga sick leave
  • Tinatrato nang hindi patas sa iba pang paraan

Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan. Puwede mong sabihin ang tungkol sa iyong sitwasyon. Matutulungan ka naming maunawaan kung lumalabag ba ang iyong employer sa anumang batas.

Mula noong 2010, tinulungan namin ang mga manggagawa na mabawi ang mahigit $100 milyon sa sahod at mga parusa.

Mga Form ng Reklamo

Form ng reklamo sa Health Care Security Ordinance (Ordinansa sa Seguridad ng Pangangalagang Pangkalusugan, HCSO)

Ingles   Chinese   Spanish 

Form ng Reklamo sa Minimum Wage Ordinance (Ordinansa sa Minimum na Sahod, MWO)

Ingles   Chinese   Spanish   Filipino

Form ng Reklamo sa Paid Sick Leave Ordinance (Ordinansa sa May Bayad na Sick Leave, PSLO)

Ingles   Chinese   Spanish   Filipino

Form ng Reklamo sa Minimum Compensation Ordinance (Ordinansa sa Minimum na Kompensasyon, MCO)

Ingles

Form ng Reklamo sa Health Care Security Ordinance (Ordinansa sa Pananagutan sa Pangangalagang Pangkalusugan, HCAO) 

Ingles 

Alamin ang tungkol sa ating mga batas sa paggawa

Mayroon tayong 2 uri ng batas sa paggawa sa San Francisco:

Humingi ng tulong

Office of Labor Standards Enforcement

City Hall
1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 430
San Francisco, CA 94102
View location on google maps

Last updated October 24, 2023