AHENSYA
Komite para Gawing Simple ang Balota
Ang pangkat ng mga boluntaryong ito ang nagsusulat ng mga buod ng mga lokal na panukalang-batas sa balota.
AHENSYA
Komite para Gawing Simple ang Balota
Ang pangkat ng mga boluntaryong ito ang nagsusulat ng mga buod ng mga lokal na panukalang-batas sa balota.
Tungkol sa
Ang Komite para Gawing Simple ang Balota o Ballot Simplification Committee (BSC) ang nagsusulat ng mga buod ng mga lokal na panukala sa balota. Sinusubukan nilang gawing maikli ang mga buod na ito (mas mababa sa 300 salita) at simple (mas mababa sa antas ng pagbasa sa ika-8 baitang). Iniimprenta namin ang kanilang pinal na "digest" sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.
Feedback sa BSC
Maaari ninyong hilingin sa BSC na muling isaalang-alang ang kanilang mga draft. Hindi ninyo kailangang dumalo sa isang pulong para magawa iyon, ngunit kailangan ninyong gawin ang inyong kahilingan nang hindi lalampas sa 24 na oras pagkatapos naming mag-post ng mga bagong draft. Mangyaring isama ang mga pagbabagong inyong iminumungkahi at ipaliwanag ang inyong pangangatwiran. Maaari kayong magpadala ng Kahilingan para sa Muling Pagsasaalang-alang sa BSC.clerk@sfgov.org o ihatid ito sa amin sa City Hall.
Pagiging miyembro ng BSC
Ang BSC ay may 5 bumoboto na miyembro. Ang bawat isa ay isang guro o manunulat at isang botante ng San Francisco. Tatlo sa mga miyembro ang hinirang ng Lupon ng mga Superbisor at dalawang miyembro naman ang hinirang ng Mayor. Isang awtorisadong organisasyon lamang ang maaaring mag-nomina ng isang bumoboto na miyembro ng BSC. Ang opisina ng Abugado ng Lungsod ay dumadalo rin sa mga pagpupulong at sumusulat ng mga unang draft ngunit hindi makaboboto.