Mag-apply para sa mini-grant para sa maliliit na negosyo

Makakuha ng grant para sa iyong komunidad at maliliit na negosyo ng pag-aari ng babae na apektado ng outbreak ng coronavirus.

Anong gagawin

Sarado na ang grant na ito.

Nagbibigay ang Lungsod ng halos $1 milyong mini-grant sa komunidad at mga negosyong pag-aari ng babae na apektado ng outbreak ng coronavirus. Ang mga mini-grant ay nasa $1,000 hanggang $10,000. Susuriin ng aming mga partner ang mga aplikasyon at ibibigay nila ang available na pondo.

Nagbibigay kami ng mga grant sa maliliit na negosyong wala pang $2.5 milyon ang gross na taunang kita. Ang iyong negosyo ay dapat nagsara o nabawasan nang 25% sa kita sa panahon ng outbreak ng coronavirus. May mga karagdagang pamantayan ang ilang komunidad. 

Mga negosyong pag-aari ng babae

Mayroon kaming pondo para sa mini-grant para sa mga negosyo sa San Francisco na 100% pag-aari ng babae. Sa iisang mini-grant lang puwedeng mag-apply ang mga negosyong pag-aari ng babae sa mga komunidad na ito.

Mga grant sa komunidad

Alamin kung may available na pondo ang iyong negosyo para sa maliliit na negosyo:

Bakit kami nagbibigay ng mga mini-grant para sa maliliit na negosyo?

Nagtulungan ang Lungsod at ang mga partner sa komunidad para makapagbigay ng mga mini-grant bilang tugon sa mga kinakailangan kaagad na pinansyal na pangangailangan ng mga negosyong pag-aari ng babae at mga may-ari ng maliliit na negosyo sa mga komersyal na distrito sa komunidad na may matinding pangangailangan.

Maraming negosyo ang nahaharap sa matinding pagkagambala sa negosyo o pagsasara dahil sa COVID-19. Ang mga tina-target na lugar ng OEWD ay ang mga dati nang mahihirap na komunidad, at bibigyan nito ng priyoridad ang pondo para sa mga mini-grant para makapagbigay ng pinansyal na tulong sa mga negosyong pagmamay-ari ng pamilya at pinapatakbo ng may-ari.

Humingi ng tulong

Phone

May available na tulong sa 中文(简体), English, at Español. Mag-iwan ng mensahe at tatawagan ka namin.

Last updated August 30, 2022