Mag-apply para sa pautang sa paunang bayad para bumili ng bahay na nasa presyo sa market

Sa Downpayment Assistance Loan Program (DALP), makakakuha ka ng pautang na hanggang $375,000 para bumili ng bahay.

Anong gagawin

Posibleng abutin ng 5 buwan o higit pa ang pagbili, pagsusuri, at pag-close.

1. Tingnan kung makakapag-apply kayo

Nakadepende ang halagang puwede ninyong hiramin sa kung magkano ang kailangan ninyo.

Hindi puwedeng nagmay-ari kayo ng anumang residential na propyedad saanman sa loob ng nakaraang 3 taon. 

Mas mababa dapat sa isang partikular na halaga ang kinikita ng inyong sambahayan. Nakadepende ang maximum na halaga sa bilang ng tao sa inyong sambahayan.

  • Para sa 1 tao, $169,750
  • Para sa 2 tao, $194,000
  • Para sa 3 tao, $218,250
  • Para sa 4 tao, $242,450
  • Para sa 5 tao, $261,900
  • Para sa 6 tao, $281,250
  • Para sa 7 tao, $300,650
  • Para sa 8 tao, $320,100
  • Para sa 9 tao, $339,400

Bago kayo mag-apply, kailangan ninyong sumailalim sa edukasyon para sa bibili ng bahay at kumuha ng liham na paunang pag-apruba sa pautang sa mortgage mula sa isang aprubadong tagapag-pautang. Tandaan: Nilalaman dapat ng inyong liham na paunang pag-apruba ang presyo sa pagbebenta ng isang propyedad na nasa presyo sa market, ang maximum na halaga ng unang pautang, at ang halaga ng pautang ng DALP. Hindi tatanggapin ang isang liham na paunang pag-apruba para sa isang propyedad na mas mura sa presyo sa market (below market rate o BMR).

2. Mag-apply para sa lottery

Kakailanganin ninyo ang mga sumusunod na dokumento:

  • Liham na paunang pag-apruba sa pautang, na may petsang nasa nakalipas na 120 araw
  • Pag-verify sa edukasyon para sa bibili ng bahay, na may petsang nasa nakalipas na taon

Pagkatapos ninyong mag-apply

  1. Kung mag-a-apply kayo bago ang deadline, makakatanggap kayo ng numero sa lottery. Ipoproseso namin ang mga aplikasyon batay sa pagkakasunud-sunod ng rank sa lottery. Magbasa pa tungkol sa lottery ng DALP.
  2. Kapag ang aplikasyon na ninyo ang inaayos namin, kakailanganin ninyong sumagot ng mas detalyadong form at magbigay ng higit pang papeles.
  3. Kung matutukoy naming kwalipikado ang inyong kita, magbibigay kami ng liham na paunang pag-apruba at irereserba namin ang pondo para sa inyo. Mayroon kayong 90 araw para pumasok sa isang kontrata sa pagbebenta para sa anumang propyedad na nasa open market.
  4. Magbabayad kayo ng hindi mare-refund na bayarin para maproseso ang papeles. Kokolektahin ito kapag naisumite ng inyong tagapag-pautang ang packet ng pautang. 
  5. May 30 araw ang inyong tagapag-pautang para isumite ang packet ng pautang. Aabutin kami ng 15 araw para masuri ito.
  6. Bibigyan namin kayo ng liham na pangako sa pautang. Ang liham na ito ay nagbibigay ng 30 araw para i-close ang pagbebenta.

Bayaran ang pautang kapag naibenta na ninyo ang inyong bahay

Ang DALP ay isang silent second loan na hindi nangangailangan ng buwanang pagbabayad.

Puwede niyong ibenta ang inyong bahay sa mga presyong nasa market. Kapag magbebenta kayo, babayaran ninyo ang pangunahing halaga, at equitable na bahagi sa apppreciation. Tingnan ang mga detalyadong tuntunin ng pautang.

 

Espesyal na mga kaso

Mga first responder at educator ng SFUSD

Mga first responder at educator ng SFUSD

Mas maluwag ang mga kinakailangan para sa mga empleyado ng SFUSD, Pulisya, Bumbero, at Sheriff. Tingnan kung paano mag-apply.

Humingi ng tulong

Makatanggap ng mga alerto sa email para sa iba pang oportunidad sa pabahay

Phone

HomeownershipSF

Last updated February 10, 2023