Mag-apply para sa grant sa konstruksyon para sa storefront ng inyong maliit na negosyo

Makakuha ng mga pondo ng grant para sa proyekto ng konstruksyon para sa pagpapaganda ng inyong storefront sa pamamagitan ng programang SF Shines.

Anong gagawin

1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo

​​​​​​Ang inyong negosyo ay dapat na:

  • Mayroong storefront
  • Wala pang nasisimulang trabaho sa inyong proyekto
  • May hindi hihigit sa $2.5M sa kabuuang kita sa pinakakamakailang ninyong tax return
  • May may-ari na mula sa sambahayang may mababa o napakababang kita, o dapat na isang non-profit
  • Patunay ng tinatayang gastusin ng proyekto:
    • Para sa mga proyekto ng konstruksyon, magsumite ng bid mula sa isang contractor na kasama ang mga umiiral na sahod
    • Para sa kagamitan o kasangkapan, magsumite ng mga pagtatantya kabilang ang mga numero ng modelo at mga presyo

Tandaan:  Ang ADA at kagamitan at kasangkapang pang-accessibility ay hindi saklaw ng grant na ito. Upang ma-reimburse para sa nasa itaas mag-apply para sa Grant sa Pag-aalis ng Hadlang sa ADA.

TANDAAN: Hindi saklaw ng grant na ito ang mga proyekto ng Shared Spaces. Magbasa ng impormasyon tungkol sa pagsunod sa Shared Spaces.

2. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo

Tatanungin namin kayo tungkol sa:

  • Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi ninyo ito alam, pwede ninyo itong hanapin
  • Ang inyong kabuuang kita sa pinakakamakailan ninyong tax return
  • Bilang ng mga full-time at part-time na empleyado
  • Nakumpletong W9

3. Pagsama-samahin ang inyong kita sa sambahayan

Dapat maging kwalipikado ang inyong sambahayan bilang mababa o lubhang mababang kita, batay sa Median na Kita ng Lugar. Tutulungan namin kayong suriin ito sa form.

Laki ng sambahayan

Tatanugnin namin kayo kung ilan kayo sa inyong sambahayan. Ang sambahayan ay tumutukoy sa iisang tao o grupo ng mga taong magkakasama sa isang tirahan, anuman ang kanilang aktwal o kinikilalang sekswal na oryentasyon, sekswal na pagkakakilanlan, o katayuan sa pag-aasawa.

Kinikita ng sambahayan

Tatanungin din namin kayo tungkol sa kinikita ng lahat ng matanda sa inyong sambahayan. Gamitin ang inyong 2021 na tax return kung naghain kayo o tantiyahin ninyo ang inyong kabuuang kita para sa huling 12 buwan.

4. Makakuha ng bid mula sa isang lisensyadong contractor o pagtatantya para sa kagamitan o kasangkapan

Hihilingin sa inyong mag-upload ng bid o pagtatantya sa inyong application. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagkuha ng bid o pagtatantya, paki-email ang sfshines@sfgov.org.

5. Mag-apply

Iaatas din sa inyong sumang-ayon sa aming mga legal na tuntunin.

Aabutin ito nang humigit-kumulang 15 minuto.

6. Ano ang aasahan pagkatapos ninyong mag-apply

Magpapadala kami sa inyo ng email ng kumpirmasyon. 

Hindi mo puwedeng simulan ang iyong proyekto o bilhin ang equipment o furniture mo hangga't hindi ka pa tinatanggap sa programa.

Mag-e-email kami sa inyo sa loob ng 30 araw para ipaalam sa inyo ang katayuan ng inyong application. Kung matanggap kayo, itatalaga namin kayo sa isang nonprofit na partner ng komunidad upang tumulong na kumpletuhin ang inyong proyekto.

Hindi kwalipikado ang mga sumusunod na pagbili para sa programang ito: mga nakokonsumong produkto, merchandise na ibebenta, mga security camera, mga gastusin sa payroll, upa, at/o iba pang utility. 

Last updated October 23, 2023