PAHINA NG IMPORMASYON

Pagtugon sa Misinformation, Disinformation, at Malinformation

Nagsasagawa ang Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco ng maagap na diskarte sa pagtugon sa mga pagkabahala kaugnay sa mis-, dis-, at malinformation sa eleksyon. Alamin ang higit pa tungkol sa ginagawang mga estratehiya para matugunan ang mga pagkabahalang ito.

Malinaw at Direktang Komunikasiyon

Binibigyan namin ng prayoridad ang paglalathala ng malinaw, madaling unawaing impormasyon sa aming website at sa mga materyales pang-eleksyon, para matiyak na malaman ng lahat ng mga rehistradong botante ng San Francisco ang tungkol sa mga mahahahalagang petsa sa eleksyon, mga tuntunin, mga pagbabago sa operasyon, at iba pang mga mahahalagang detalye. Maaari bumisita ang mga botante sa website ng Departamento, mag-subscribe sa aming email newsletter, at i-follow ang aming mga social media account para makakuha ng mapagkatiwalaang impormasyon tungkol sa nalalapit na mga eleksyon.

Nagsasagawa rin ang Departamento ng mayaman at multilingguwal na gawaing outreach sa pamamagitan ng mga abiso, mga press release, mga channel sa social media, at mga live na presentasyon, at aktibong nakikilahok sa iba't-ibang mga kaganapan sa komunidad upang makipag-ugnayan sa mga residente, at mga ka-partner sa outreach. (Tingnan ang aming outreach calendar)

Protokol sa Pagsubaybay at Pagtugon

Gumawa ang Departamento ng panloob na mga protokol para sa kung paano masubaybayan, masuri, maitala, at matugunan ang mga insidenteng may kinalaman sa mis-, dis-, at malinformation sa iba’t-ibang mga platform. Kabilang dito ang social media, mga nalimbag na media, mga nagmumula sa audio, at digital media.

Masigasig naming sinusubaybayan ang mga pampublikong plataporma at agad na tinutugunan ang maling impormasyon gamit ang opisyal, beripikadong mga katunayan.

Mga Pananggalang laban sa Artificial Intelligence sa mga Lokal na Eleksyon

Ang memorandum ng Departamento noong Mayo 2024 sa San Francisco Board of Supervisors (Rules Committee) tungkol sa artificial intelligence sa mga lokal na eleksyon ay nagbibigay ng buod ng mga pananggalang na ipinatupad at isinasaalang-alang upang mapahusay ang seguridad sa eleksyon.

Tinutugunan ng mga hakbang na ito ang parehong mga panganib na nauugnay sa AI at ang pangkalahatang integridad ng proseso ng halalan at sistema ng pagboto. Ang memorandum ay sumasaklaw sa limang pangunahing lugar:

  1. Kolaborasyon kasama ang Estado, Pederal, at Lokal na mga Ahensya
  2. Mga Protokol sa Pagsusuri sa Impormasyon at Pagtugon
  3. Pagbibigay ng Tumpak at Mapagkakatiwalaang Impormasyon sa Eleksyon
  4. Pinalawak na mga Alituntunin sa Social Media at Pangkasalukuyang Pagmemensahe
  5. Mga Protokol sa Seguridad ng Teknolohiya sa mga Eleksyon