Gawing accessible ang entrance ng iyong negosyo

Tinitiyak ng programang Accessible Business Entrance (ABE) na malugod na tinatanggap ng mga negosyo sa San Francisco ang lahat.

Kailangang kumpirmahin ng mga komersyal na may-ari ng mga negosyong nagsisilbi sa publiko na ang mga pangunahing pasukan ay madaling mai-access ng mga taong may kapansanan.

Isumite ang iyong checklist sa lalong madaling panahon.

Sundin ang proseso ng ABE

1. Ipainspeksyon ang iyong pasukan at magsumite ng checklist ng kategorya

Mag-hire ng propesyonal sa accessibility para magsumite ng checklist sa lalong madaling panahon. Lumipas na ang unang deadline. Walang agarang parusa, pero mapapailalim ka sa mga proseso ng pagpapatupad ng code sa hinaharap.

 

Sabihin sa amin kung gumawa na kayo ng mga update 

 

Sabihin sa aming nagawa mo nang madaling mai-access ang pasukan ng iyong negosyo kung natapos mo na ang konstruksyon para masunod ang programa.

 

Kailangan mong sabihin sa amin ang Building Permit Application number para sa proyekto. 

2. Mag-apply para sa iyong building permit

Kung naisumite mo na ang iyong checklist at ang iyong pasukan ay nangangailangan ng mas kumplikadong pagbabago, mga pagbabago sa istruktura, kakailanganin mo ng mga building permit. 

 

Mag-apply para sa iyong permit bago ang Disyembre 31, 2022. Malamang na kakailanganin mong magsagot ng Form 3/8. Kailangan mong makuha ang iyong mga building permit bago ang Setyembre 29, 2023.

 

Sa paglalarawan ng proyekto (linya 16) sa iyong aplikasyon sa permit, isama ang:

  • "Bilang pagsunod sa programang ABE"
  • "ABE #XXXXXXXXXXXX"

Pakisama ang iyong numero ng ABE para sa bawat aplikasyon ng permit. Kung kailangan mong i-verify ang iyong numero ng ABE, mangyaring mag-email sa dbi.abe@sfgov.org.

 

Isama ang iyong checklist ng kategorya sa mga drawing sa iyong permit.

Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, mag-apply para sa grant

Tingnan ang mga credit at deduction ng buwis, mga programang grant, at mga pinansyal na opsyon na makakatulong na magbayad para sa mga pagpapahusay sa pasukan ng iyong negosyo.

Humingi ng tulong

Puntahan ninyo kami sa Permit Center

Puntahan ninyo kami sa Permit Center

Department of Building Inspection

Technical Services Division
49 South Van Ness Avenue
Pangalawang palapag
San Francisco, CA 94103

Mon to Tue, 7:30 am to 11:30 am

Wed, 9:00 am to 11:30 am

Thu to Fri, 7:30 am to 11:30 am

View location on google maps

Makipag-ugnayan sa amin

Makipag-ugnayan sa amin

Technical Services Division

Glossary

Glossary

Maaaring mabasa o marinig mo ang mga terminong ito sa kabuuan ng proseso ng ABE:

  • Accessible na entrance ng negosyo: Walang hahakbangan, dalusdos, mabibigat na pinto o iba pang harang, gaya ng mga pasukan na masyadong makitid para sa isang wheelchair o mobility scooter.
  • Access professional: isang lisensyadong architect, lisensyadong engineer, o CASp na maaaring sumuri sa accessibility ng entrance ng iyong negosyo
  • Certified Access Specialist (CASp): isang sertipikadong propesyonal na dalubhasa sa mga pamantayan sa accessibility na nauugnay sa konstruksyon
  • Lugar na hindi pampublikong tirahan: isang lugar na nag-aalok ng mga produkto o serbisyo sa publiko nang libre o nang may bayad
  • Pribadong club: isang nonprofit na organisasyon na may proseso sa pagpili ng miyembro kung saan hindi kasama ang pangkalahatang publiko sa mga aktibidad nito
  • Organisasyon ng relihiyon: isang lugar na pag-aari ng (o ipinaparenta sa) isang organisasyon ng relihiyon na nagsisilbi sa publiko

About

Tinitiyak ng Accessible Business Entrance program na malugod na tinatanggap ng mga negosyo sa San Francisco ang lahat.

Tumutulong ito sa mga may-ari na sundin ang mga batas sa accessibility nang sa gayon ay maa-access ng mga taong may kapansanan ang mga produkto at serbisyo.

Kung ang isang gusali ay may negosyo na nagsisilbi sa publiko, ang may-ari ay dapat magbigay ng pangunahing pasukan na madaling mai-access ng mga taong may kapansanan.