May kaugnayan Gawin ang census

Ligtas at poprotektahan ang iyong mga sagot sa Census

Sa ilalim ng batas, kumpidensyal ang impormasyong ibibigay mo sa iyong form ng Census.

Ang Census ay para sa lahat

May siyam na itatanong ang Census. Ang mga tanong ay tungkol sa bilang ng mga tao sa iyong bahay at ang kanilang edad, lahi, kasarian, at etnisidad.



Masasagot ito ng kahit sino online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Gawin na ngayon ang Census.

Ang iyong mga tugon sa 2020 Census ay ligtas, secure, at pinoprotektahan ng batas pederal. Puwede lang gamitin ang mga sagot mo para gumawa ng mga anonymous na istatistika. Hindi ito puwedeng gamitin laban sa iyo. 

Ayon sa batas, ang lahat ng tugon sa mga survey ng U.S. Census Bureau ay pinapanatiling lubos na kumpidensyal.

Ang iyong mga tugon sa Census ay ligtas at secure

Hindi puwedeng ibahagi ng Census Bureau ang pribado o personal na impormasyon ng kahit sino. Nakasaad ito sa batas. 

Nakasaad sa Title 13 ng U.S. Code of Law na labag sa batas para sa Census Bureau na magbahagi ng impormasyon mula sa census sa anumang ahensya ng gobyerno o hukuman. 

Ang mga tauhang nagsasagawa ng census ay nanunumpa sa pagpapanatili ng pagkakumpidensyal habambuhay. Kung lalabagin nila ang sinumpaang ito, makukulong sila nang limang taon at/o pagmumultahin sila ng $250,000.

Hindi puwedeng gamitin ang iyong mga tugon sa Census laban sa iyo o sa pamilya mo

Ayon sa batas, gagamitin lang ng Census Bureau ang iyong mga tugon para sa mga istatistika. Hindi puwedeng gamitin ng anumang ahensya ng gobyerno o hukuman ang iyong mga tugon sa census laban sa iyo sa anumang paraan. 

Hindi maaapektuhan ng pagsasagawa ng Census ang status mo sa imigrasyon

Ang lahat ng nakatira sa Estados Unidos simula Abril 1, 2020 ay mabibilang sa census. Hindi kailangang mamamayan ka para isagawa ang census. Kung nakatira ka sa U.S., mabibilang ka sa census.

Makakatulong sa iyo at sa komunidad mo ang paggawa ng census. Hindi tatanungin sa Census ang tungkol sa status mo sa imigrasyon, at hindi nito maaapektuhan ang kasalukuyan mong status o maging sa hinaharap. 

Tandaan, hindi maaaring magbigay ang Census Bureau ng anumang impormasyon sa anumang ahensya ng pederal.  Hindi maaaring gamitin ang impormasyon mo laban sa iyo.

Hindi makikita ng mga landlord ang iyong mga tugon sa census

Hindi puwedeng ibahagi ng gobyerno ang iyong mga tugon sa census sa kahit sino, maging sa may-ari ng inuupahan mong tirahan. Hindi maaapektuhan ang tirahan mo kapag isinagawa ang census.

Hindi rin makikita ng Lungsod at County ng San Francisco ang iyong mga personal na sagot sa census. Ang makikita lang ng mga kagawaran ng lungsod ay anonymous na pang-istatistikang data.

Ang iyong mga online na tugon sa census ay ligtas mula sa hacker at iba pang banta sa cyberspace.

Labis ang pag-iingat ng Census Bureau na mapanatiling secure ang mga tugon mo online. Ang lahat ng tugon na isusumite mo online ay ine-encrypt para maprotektahan ang personal na privacy. May mahihigpit na ipinapatupad na program sa cyber-security na nagpoprotekta sa iyong personal na impormasyon.

Isagawa ang Census

Makibahagi bago sumapit ang Mayo. Bumisita sa my2020census.gov o tumawag sa 844-330-2020 para makapagsimula. 



Kailangan mo ba ng tulong? Bumisita sa sfcounts.org para sa impormasyon sa iyong wika.

Last updated July 14, 2020