May kaugnayan Gawin ang census

Paano isagawa ang Census

Magagawa ng kahit na sino ang Census online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo.

Ang Census ay para sa lahat

Puwede mong isagawa ang census online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Nakakatanggap ang karamihan ng mga tao ng liham mula sa Kawanihan ng Census (Census Bureau) na may mga tagubilin sa pagsasagawa sa census online at sa pamamagitan ng telepono. 



Isagawa ang Census.

 

 

Ang pinakamadaling paraan para gawin ang census ay online.

Isagawa ang Census online simula sa kalagitnaan ng Marso sa my2020census.gov. 

Ang online census ay available sa 13 wika: Arabic, Chinese (Simplified), Ingles, French, Haitian Creole, Japanese, Korean, Polish, Portuguese, Russian, Spanish, Tagalog, at Vietnamese.



Ang online na form ng Census ay nakakatugon sa mga pinakabagong alituntunin para sa accessibility sa web. May video ng American Sign Language na available para magabayan ang mga tao sa paggamit ng online form. 

Magagawa mo rin ang census sa pamamagitan ng pagtawag.

Gawin ang Census sa pamamagitan ng telepono simula sa kalagitnaan ng Marso sa pamamagitan ng pagtawag sa 844-330-2020.

Available ang census sa 13 wika sa pamamagitan ng pagtawag sa: 

 

  • 844-330-2020    English                                    

  • 844-468-2020    Spanish Español

  • 844-398-2020    Cantonese 粵語

  • 844-391-2020    Mandarin 普通話

  • 844-461-2020    Vietnamese Tiếng Việt

  • 844-392-2020    Korean 한국어

  • 844-417-2020    Russian Русский

  • 844-416-2020    Arabic العربية

  • 844-478-2020    Tagalog

  • 844-479-2020    Polish Polski

  • 844-494-2020    French Français

  • 844-477-2020    Haitian Creole Kreyòl Ayisyen

  • 844-474-2020    Portuguese Português

  • 844-460-2020    Japanese 日本語



Ang mga taong bingi o may problema sa pandinig ay puwedeng tumawag sa 844-467-2020 para kumpletuhin ang census sa telepono gamit ang Telephone Display Device (TDD).

Pagsasagawa ng census sa pamamagitan ng koreo

Kung hindi mo kukumpletuhin ang census online o sa pamamagitan ng telepono, papadalhan ka ng Census Bureau ng papel na form sa pamamagitan ng koreo. Darating ang mga form na ito sa kalagitnaan ng Abril at nakasulat ito sa Ingles.

Personal na paggawa ng census

Kung hindi mo kukumpletuhin ang census online, sa pamamagitan ng pagtawag o koreo, puwede kang puntahan ng isang tauhan ng Census Bureau para tulungan ka. May mga pupuntang tauhan ng Census sa iyong bahay kung hindi pa nasisimulan o nakukumpleto ang iyong census.

Kailan mo magagawa ang census

Magagawa mo ang census online, sa pamamagitan ng telepono, o koreo kailanman sa kalagitnaan ng Marso at kalagitnaan ng Agosto 2020. Kung hindi mo gagawin ang census, may tauhan ng Census Bureau na pupunta sa bahay mo para tulungan kang kumpletuhin ito nang personal. Magsisimulang magbahay-bahay ang mga tauhan ng Census sa Mayo 28. Magbabahay-bahay sila sa komunidad hanggang Agosto 14.

Puwede mong gawin ang census kahit na walang natanggap na liham

Kahit na hindi ka makatanggap ng liham mula sa Census Bureau, puwede mong gawin at dapat mong gawin ang census!   Magagawa ng kahit sino ang census online o sa pamamagitan ng telepono mula sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa kalagitnaan ng Agosto. Hindi kailangan ng PIN o ID number para magawa ang census.

Mga tanong sa census

May siyam na itatanong ang Census. Ang mga tanong ay tungkol sa bilang ng mga tao sa iyong bahay at ang kanilang edad, lahi, kasarian, at etnisidad. Masasagot ito ng kahit sino online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo.

Isagawa ang Census

Isama sa bilang ang sarili bago ang Mayo. Bumisita sa my2020census.gov o tumawag sa 844-330-2020 para makapagsimula. 



Kailangan mo ba ng tulong? Bumisita sa sfcounts.org para sa impormasyon sa iyong wika.

Last updated March 30, 2020