Ano ang census?
Ang census ay isang pagbibilang na isinasagawa ng pederal na pamahalaan sa bawat taong nakatira sa Estados Unidos. Ito ay nangyayari nang isang beses bawat 10 taon at iniaatas ng Saligang-batas ng US.
Bakit namin isinasagawa ang census?
Mahalaga ang papel ng census sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng tao. Ginagamit ng mga pamahalaan at negosyo ang datos ng census para mapagpasyahan ang sumusunod:
-
Kung magkano ang makukuha ng bawat estado para sa mga paaralan, ospital, kalsada, at serbisyong panlipunan
-
Mga lokasyon para sa mga bagong kalsada, linya ng transportasyon, at negosyo
-
Kung ilan ang matatanggap na Kinatawan ng Kongreso ng bawat estado, kasama ang California
-
Kung paano iguguhit ang mga linya ng distrito ng lokal at estado, batay sa populasyon
Sino ang binibilang sa census?
Binibilang ng Kawanihan ng Census (Census Bureau) ang lahat ng nakatira sa Estados Unidos bawat 10 taon. Binibilang ng census ang lahat, kasama ang mga bagong-silang na sanggol at nakatatanda, walang matirhan, at taong hindi nakakapagsalita ng Ingles. Dapat nating gawin ang census sa lalong madaling panahon.
Paano ko gagawin ang census?
Puwede mong isagawa ang census online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Nakakatanggap ang karamihan ng mga tao ng liham mula sa Kawanihan ng Census na may mga tagubilin sa kung paano gawin ang census online at sa pamamagitan ng telepono.
Ang pinakamadaling paraan para gawin ang census ay online. Available ang online na census sa 13 wika: Arabic, Chinese (Simplified), English, French, Haitian Creole, Japanese, Korean, Polish, Portuguese, Russian, Spanish, Tagalog, at Vietnamese.
Magagawa rin ng mga taong gawin ang census sa pamamagitan ng pagtawag. Ang mga wikang may census sa pamamagitan ng telepono ay Arabic, Cantonese, English, French, Haitian Creole, Japanese, Korean, Mandarin, Polish, Portuguese, Russian, Spanish, Tagalog, at Vietnamese.
Puwede ko pa rin bang gawin ang census sa pamamagitan ng koreo?
Kung hindi mo kukumpletuhin ang census online o sa pamamagitan ng telepono, papadalhan ka ng Kawanihan ng Census ng papel na form sa pamamagitan ng koreo. Darating ang mga form na ito sa kalagitnaan ng Abril at nakasulat ang mga ito sa wikang Ingles. Hindi ka puwedeng humingi sa Kawanihan ng Census ng papel na form na nasa wikang Spanish.
Kailan ko puwedeng gawin ang census?
Puwede mong gawin ang census online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo anumang oras mula sa kalagitnaan ng Marso at hanggang sa pagtatapos ng Oktubre 2020. Kung hindi mo gagawin ang census, may tauhan ang Kawanihan ng Census na pupunta sa bahay mo para tulungan kang kumpletuhin ito nang personal. Puwedeng dumating ang mga census worker sa Agosto, Setyembre, at Oktubre 2020.
Paano kung hindi ako makatanggap ng liham mula sa Kawanihan ng Census?
Kahit hindi ka makatanggap ng liham mula sa Kawanihan ng Census, puwede mong gawin at dapat mong gawin ang census! Puwedeng gawin ng kahit na sino ang census online o sa pamamagitan ng telepono mula sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa pagtatapos ng Oktubre 2020. Hindi kailangan ng PIN o ID number para makumpleto ang census.
Ano ang mga tanong sa census?
Magtatanong ang census ng 9 na simpleng tanong tungkol sa iyo at sa mga taong nakatira sa iyong sambahayan. Tatanungin ng census kung ilan ang kasama mo sa bahay at kung pagmamay-ari o inuupahan mo ang iyong bahay. Tatanungin din nito ang iyong pangalan, kasarian, edad, kaarawan, etnisidad, at lahi.
Sino ang bibilangin ko sa aking form ng census?
Kung ginagawa mo ang census para sa iyong sambahayan, dapat mong bilangin ang lahat ng nakatira doon mula Abril 1, 2020. Kasama rito ang mga kamag-anak, anak at sanggol, at roommate.
Magtatanong ba ang census tungkol sa aking status sa citizenship?
Hindi itatanong ng census ang citizenship o status sa immigration mo o ng iyong pamilya.
Hindi kailangang mamamayan ka para makumpleto mo ang census. Bibilanganin ng census ang lahat ng nakatira sa Estados Unidos, kaya dapat lahat tayo ay makibahagi rito!
Kumpidensyal ba ang aking personal na impormasyon?
Kumpidensyal ang iyong personal na impormasyon. Inaatasan ng pederal na batas ang Kawanihan ng Census na protektahan ang iyong impormasyon. Puwede lang gamitin ng Kawanihan ng Census ang itong anonymous na impormasyon para sa mga layunin sa mga istatistika.
Paano gagamitin ang mga sagot ko sa census?
Ginagamit ang datos ng census sa iba't ibang paraan, na siyang nakakatulong sa ating mga komunidad.
Ginagamit ng pederal na pamahalaan ang datos ng census para malaman kung magkano ang makukuha ng San Francisco para sa mga serbisyong panlipunan at programa sa komunidad.
Ginagamit ng mga lokal na pamahalaan ang datos ng census para magplano para sa mga paaralan, ospital, kalsada, at iba pang serbisyo.
Ginagamit ng mga negosyo ang datos ng census para makapagpasya kung saan magtatayo ng mga pabrika, opisina, at tindahan, na gagawa ng mga trabaho.
Puwede ba akong humingi ng tulong sa pagkumpleto sa census?
Maraming organisasyong handang sagutin ang iyong mga tanong tungkol sa census. Makakatulong sa iyo ang mga organisasyong ito na gawin ang census.
Bakit mahalaga ang census para sa San Francisco?
Kapag nakibahagi ang lahat ng census, makukuha ng San Francisco ang nararapat nating bahagi. Ibig sabihin, pondo para sa mga lokal na serbisyo at pulitikal na representasyong nararapat sa atin.
Paano ako makakasali sa census?
Kumukuha ang Kawanihan ng Census ng mga taong magtatrabaho part-time, nang may mga flexible na oras sa San Francisco. Pansamantala lang at ilang linggo lang ang itatagal ng mga trabaho sa census. Puwede ka pa ring magsumite ng mga aplikasyon ngayon.
Puwede ka ring sumali sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon ng census sa iyong komunidad.