Ang Census ay para sa lahat
Puwede mong isagawa ang census online, sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Nakakatanggap ang karamihan ng mga tao ng liham mula sa Kawanihan ng Census (Census Bureau) na may mga tagubilin sa pagsasagawa sa census online at sa pamamagitan ng telepono.
Isagawa ang Census.
Ano ang Census?
Ang census ay isang pagbibilang na isinasagawa ng pederal na pamahalaan sa bawat taong nakatira sa Estados Unidos. Ito ay nangyayari nang isang beses sa 10 taon at iniaatas ng Saligang-batas ng US.
Bakit kami nagsasagawa ng Census?
Ginagamit ng mga pamahalaan at negosyo ang datos ng census para mapagpasyahan ang sumusunod:
-
Kung magkano ang makukuha ng bawat estado para sa mga paaralan, ospital, kalsada, at serbisyong panlipunan
-
Mga lokasyon para sa mga bagong kalsada, linya ng transportasyon, at negosyo
-
Kung ilan ang matatanggap na Kinatawan ng Kongreso ng bawat estado, kasama ang California
-
Kung paano ginuguhit ang mga linya ng distrito ng lokal at estado, batay sa populasyon
Bakit mahalaga ang Census sa mga komunidad ng LGBTQ?
Nakakatulong ang datos ng census sa pagtukoy ng pulitikal na representasyon at pagpopondo ng mga serbisyong panlipunan. Maraming LGBTQ ang umaasa sa mga serbisyong ito gaya ng pangangalagang pangkalusugan, pabahay, at CalFresh.
Kapag nakibahagi ang lahat sa census, makukuha ng mga komunidad ng mga LGBT kung ano ang nararapat sa kanila. Ibig sabihin, pondo para sa mga lokal na serbisyo at pulitikal na representasyong nararapat sa atin.
Noon, mas mababa kaysa sa aktwal na bilang ang mga nabilang na LGBTQ, immigrant, at taong hindi puti (people of color) sa census. Kung hindi tumpak ang ating mabibilang sa census sa 2020, puwedeng mawalan ang California ng posisyon sa Kapulungan ng Mga Kinatawan.
Ang pagsasagawa sa census ay isang mahalagang pagkilos para sa pag-claim ng visibility at kapangyarihan. Kung walang representasyon, hindi maririnig ang mga prinsipyo, pangangailangan, at interes ng mga LGBTQ sa California.
Ano ang mga tanong sa Census?
Magtatanong ang census ng 9 na simpleng tanong tungkol sa iyo at sa mga taong nakatira sa iyong sambahayan. Tatanungin ng census kung ilan ang kasama mo sa bahay at kung pagmamay-ari o inuupahan mo ang iyong bahay, at ang kaugnayan mo sa mga taong iyon. Tatanungin din nito ang iyong pangalan, kasarian, edad, kaarawan, etnisidad, at lahi.
Nagtatanong ba ang Census tungkol sa sekswal na oryentasyon?
Walang partikular na tanong ang census na ito tungkol sa sekswal na oryentasyon.
Pero, sa kauna-unahang pagkakataon, puwede mong sabihin kung mayroon kang kapareha o asawa na kapareho mo ng kasarian, na kasama mo sa iisang bahay. Gayunpaman, walang opsyon ang census para tukuyin ng mga taong walang asawa ang kanilang sarili bilang LGBTQ.
Nagtatanong ba ang Census tungkol sa sekswal na pagkakakilanlan?
Hindi. Tatanungin ng census ang iyong kasarian batay sa isang binary. “Lalaki” o “babae” lang ang puwede mong piliin.
Pero kailangan ding sagutin ng mga LGBTQ ang census. Kapag sumagot ka ayon sa pinakanaaangkop sa iyo, matutulungan mo kami patungo sa kinabukasang may mas mahusay na representasyon para sa lahat.
Paano ko dapat sagutin ang tanong sa kasarian kung nonbinary o transgender ako?
Sagutin ang tanong sa kasarian sa ayon sa naaangkop sa iyo. Hindi kailangang tumugma ng iyong sagot sa iba pang opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan.
Hindi ikukumpara o iko-cross check ng census sa iba pang mapagkukunan ang iyong sagot sa tanong na ito.
Matuto pa tungkol sa pagpapanatiling ligtas at pagprotekta sa iyong mga sagot sa census.
Puwede ko bang laktawan ang tanong sa kasarian?
Puwede mong laktawan ang anumang tanong sa census. Kung hindi mo sasagutan ang isang tanong sa census, huhulaan ng pederal na pamahalaan kung ano ang malamang na isinagot mo rito. Dahil dito, hindi nagiging ganoon katumpak ang census. Ipinapaubaya rin nito ang pagpapasya sa mga kamay ng pederal na pamahalaan, at hindi sa iyo.
Kung masyado kang maraming lalaktawang tanong, puwedeng may bumisita sa iyong nagtatrabaho sa Kawanihan ng Census ng US (US Census Bureau) para tulungan kang kumpletuhin ang form.
Isagawa ang Census
Makibahagi bago sumapit ang Mayo. Bumisita sa my2020census.gov o tumawag sa 844-330-2020 para makapagsimula.
Kailangan ng tulong? Bumisita sa sfcounts.org para sa higit pang impormasyon.
Ikalat ang balita
Kapag isinagawa mo ang Census, makikinabang ang buong komunidad ng LGBTQ.
Panoorin, i-like, at ibahagi ang video na ito ng LGBTQ Folks at Census sa iyong komunidad.