Magkaroon ng mga pulong na pag-abot sa mga kapitbahay

Dapat makatanggap ang mga aplikante ng negosyo sa cannabis ng feedback sa kanilang Patakaran sa Mabuting Kapitbahay mula sa kanilang mga kapitbahay.

Anong gagawin

Alamin kung ano ang kailangang lamanin ng inyong Patakaran sa Mabuting Kapitbahay. Maaari kayong gumawa ng mga benepisyo ng komunidad.

1. Mag-iskedyul ng pulong kasama ang Office of Cannabis

Gagabayan namin kayo sa inyong mga kinakailangan sa outreach.

2. Mag-ayos ng hindi bababa sa 1 pulong na pag-abot

Dapat maganap ang mga pulong sa lokasyon ng inyong negosyo, o sa loob ng 1 milya mula roon.

Ang mga pulong sa gabi ay dapat maganap sa pagitan ng 6pm at 9pm Pasipikong oras. Ang mga pulong tuwing weekend ay dapat maganap sa pagitan ng 10am at 9pm Pasipikong oras.

3. Makipag-ugnayan sa inyong tagapamahala ng distrito at Office of Cannabis

Dapat ninyong ipaalam sa amin nang hindi lalampas sa 72 oras bago ang pulong, ang mga sumusunod na detalye ng pulong:

  • Petsa
  • Lokasyon
  • Oras

Tatanungin namin kayo kung kailan at kung paano kayo nakipag-ugnayan sa amin at sa inyong tagapamahala ng distrito.

4. Sumulat ng abiso upang ipaalam sa inyong mga kapitbahay ang tulong sa inyong pulong

Isama ang:

  • Mga petsa, oras, at lokasyon ng pulong
  • Kopya ng inyong Patakaran sa Mabuting Kapitbahay, sa English, Spanish, traditional Chinese, at Filipino
  • Iba pang paraaan kung paano makapagbibigay ng nakasulat na impormasyon ang inyong mga kapitbahay tungkol sa inyong patakaran
  • Pangalan, numero ng telepono, at email address ng onsite na tagapamahala ng mga ugnayan sa komunidad

Maaaring makipag-ugnayan ang mga kapitbahay sa onsite tagapamahala tungkol sa pagpapatakbo ng inyong negosyo.

Kung wala pa kayong onsite tagapamahala, maaari pa rin kayong mag-outreach. Pero bago ninyo makuha ang inyong permiso, dapat kayong magtalaga ng staff member na magsasagawa ng mga ugnayan sa komunidad. Dapat kayong magpadala ng panibagong abiso sa inyong mga kapitbahay na naglalaman ng kanyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Dapat din ninyong ibigay ang kanyang impormasyon sa Office of Cannabis.

Dapat ninyong isalin ang inyong abiso sa Spanish, Chinese, at Filipino.

Mag-save ng kopya ng inyong abiso, sa lahat ng wika. Ia-upload ninyo ito sa inyong aplikasyon para sa permiso.

5. Ibigay ang inyong abiso sa inyong mga kapitbahay

Magtago ng listahan ng mga pangalan at address ng inyong mga kapitbahay. Ia-upload ninyo ang listahan sa inyong aplikasyon para sa permiso.

6. Itago ang inyong mga dokumento ng pulong para sa inyong aplikasyon

Hihingi kami ng:

  • Mga sheet ng pag-sign in
  • Minutes
  • Mga pakete ng impormasyon
  • Anumang nakasulat na impormasyong ibingay ng inyong mga kapitbahay

Espesyal na mga kaso

Mga lokasyong nangangailangan ng Pahintulot sa Kundisyunal na Paggamit

Mga lokasyong nangangailangan ng Pahintulot sa Kundisyunal na Paggamit

Magagamit ninyo ang mga materyal para sa pag-abot upang makapaghanda para sa pagdinig ng Komisyon ng Pagpaplano. Tingnan ang mga detalye sa Aplikasyon para sa Kunidsyunal na Paggamit.

Pagsasama ng pag-abot ng SF na Pagpaplano

Pagsasama ng pag-abot ng SF na Pagpaplano

Maaari ninyong pagsamahin ang mga kinakailangan para sa cannabis at SF na Pagpaplano sa 1 pulong. Makipag-ugnayan sa Office of Cannabis para sa mga detalye.



Tingnan ang mga kinakailangan sa outreach ng SF na Pagpaplano.

Humingi ng tulong

Last updated June 30, 2022

Kagawaran